Meg Imperial happy that more people recognize her now after doing Kapamilya shows

Mas marami na raw nakakakilala kay Meg Imperial kumpara noon, matapos na lumabas sa ilang Kapamilya shows. “Sobra po, before kapag dadaan ka sa hallway ng ABS, walang nagpapa-picture masyado. Pero, after ng first projects ko sa ABS like It’s Showtime, MMK [Maalaala Mo Kaya], okey na po, parang may nakakilala na sa akin... ’Ah, si Meg Imperial ‘yan.’” kuwento ni Meg.


Natutuwa si Meg Imperial sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon.

Pagkatapos ng Galema, binigyan siyang muli ng ABS-CBN ng bagong programa, ang Moon of Desire kunsaan magkakasama sila ni Ellen Adarna.

Sa title pa lang, makikitang nakalinya na talaga si Meg sa mga pagpapaseksi na nagsimula nung launching movie niya na Menor de Edad.

“Yes, po,” natatawang sabi niya.

“Siguro yun ang way ko po para umalis sa pa-bagets.

"Ang image ko po, sexy but innocent.

"It wasn’t pa-sexy lang nang buo,” saad pa niya.



NEWFOUND CONFIDENCE. Noong ginawa ni Meg ang Menor de Edad, umiiyak ito kapag kailangang i-shoot ang mga intimate scenes.

Ngayon ba, kampante na siya?

“Opo,” natatawang pag-amin naman niya. Nilakasan na lang daw niya ang loob dahil kailangan ang mga ito sa eksena.

“Plus, hindi naman bastusin ang director namin," tukoy niya sa direktor nila sa Moon of Desire na si Ruel Bayani.

"Ginagawa niyang artistically at nakikita naman niya yun sa mga shots niya.

“Parang napakagandang tignan. Sexy siya pero merong message.

"Hindi ka nagpaseksi lang na walang istorya.”

Samantala, si Ellen Adarna ay masasabing may pagka-moderno talaga. Kaya ba niyang makipagsabayan nang paseksihan dito?

“Iba naman po ang packaging ng Viva sa akin at sa kanya," banggit ni Meg sa Viva Artists Agency na siyang nagma-manage ng kanyang career.

"I think, very open siya sa pagpapaseksi, ganun.

"Sa part ko naman po, parang ang gusto po nilang i-focus ay yung acting.

"Siguro ang paseksi ay way lang para magawa ko ang mga mature na roles, para maging challenge po sa akin.

“Hindi na yung pa-cute-cute lang.

"Hindi naman ako pabata na, I’m 21.”



RECOGNITION. Nararamdaman na rin daw ni Meg ang malaking kaibahan ngayon na mas marami nang nakakakilala sa kanya mula nang maging visible na siya sa Kapamilya shows.

Sabi nga niya, “Sobra po, before kapag dadaan ka sa hallway ng ABS, walang nagpapa-picture masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, after ng first projects ko sa ABS like It’s Showtime, MMK [Maalaala Mo Kaya], okey na po, parang may nakakilala na sa akin.

“Before parang sasabihin nila, ’Si Ganito ‘yan.’ Pero ngayon po, ’Ah, si Meg Imperial ‘yan.’”

Dating TV5 talent si Meg, bago lumipat ng ABS-CBN nung nakaraang taon.



TOMBOY ROLE. Bilang Portia naman ang karakter na ginagampanan ni Meg sa comedy film na ABNKKBSNPLAko?! ang pelikula ng Viva Films na hango sa libro ni Bob Ong.

Sa istorya, may crush daw siya sa kabarkadang si Roberto na ginagampanan ni Jericho Rosales.

Pero wala raw itong gusto sa kanya kaya kalaunan ay naging tomboy raw siya.

Silang dalawa nga raw ni Jericho ang madalas na magkaeksena sa pelikula.

“Opo, si Andi Eigenmann, siya ang special someone ni Roberto na mawawala, lilitaw.”

Sino naman ang naging peg niya sa karakter niya bilang tomboy?

“Teka lang po,” natawa muna niyang sabi. “Actually, wala po.

"Parang ang naging basehan ko po ng role ko, yung sarili ko po.

"Noong bata po ako, medyo boyish din ako.

"Plus the fact na marami akong kaibigang lalaki kesa sa mga babae, parang one of the boys, ganun.

“Mapi-feel mo sa kanila dahil sinabi ko rin sa kanila na huwag nila kong ituring na babae.”



CRUSH ON JERICHO. Dahil unang beses niyang nakatrabaho si Jericho, kumusta naman ang naging working relationship nila?

“Sobrang bait niya, humble, as in gina-guide niya ’ko.

"Siyempre, mas senior na siya sa akin pagdating sa showbiz, so nagtuturo siya.

"Plus, yung kuwentuhan na kaibigan talaga.

“Kaya kapag kaeksena mo siya, hindi ka maiilang.

"Like sa eksenang babatuk-batukan ka niya, parang okey lang.”

Biro namin kay Meg, hindi ba siya nanghihinayang na ikakasal na si Jericho?

Natawa ito saka inaming, “Crush ko po siya before, with Kristine Hermosa pa po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tandem nila, sobra.

"Alam po niya yun. Pero, sobrang bata pa po ako noon.”


May dalawang taon naman na raw na walang boyfriend si Meg.

“Si Mommy ko po kasi, medyo istrikto rin," dahilan niya.

"Kapag nasa taping, palaging kasama ko siya.

"Kung saan ako pumunta, kailangan alam niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN