Max Collins wants to work with Alden Richards in a teleserye: "Yung mata niya, very expressive."

Max Collins hopes for an opportunity to work with Alden Richards in a soap because she admires his style of acting.


Nagpapasalamat daw si Max Collins sa suporta nina Gwen Zamora at Jackie Rice sa pagiging bida niya sa ginagawa nilang teleserye, ang Innamorata.

Wala rin daw siyang nararamdamang inggit mula sa dalawang aktres.

Paliwanag ni Max, “Siguro po yung mga nakakaalam na galing ako sa Dos [ABS-CBN], alam nila na medyo matagal na po ako sa showbiz. Seven years na ’ata, e.

“I think, hindi rin nila feel na makipag-compete kasi magkaibang category po kami, parang iba yung path naming lahat.

“Kaya sobrang thankful ako sa mga kasama ko like si Gwen, si Jackie, because they really support me.”

Nabanggit din ni Max na nauna man siya kay Gwen sa showbiz, nakapagbida na naman daw ito sa pelikula, ang Indonesian-produced na The Witness (2012) at sa ilan pang pelikulang locally-produced tulad ng Enteng Kabisote series (2010-2011) at My Kontrabida Girl (2011).

Si Jackie naman ay nakapagbida na rin sa GMA-7 series na Sisid.

WORKING WITH THEATER ACTRESS. Nagpahayag si Max sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga co-stars niya sa presscon ng Innamorata sa GMA Network Center nitong Biyernes, February 7.

Sa Innamorata, laging kaeksena ni Max ang beteranang TV-movie-stage actress na si Pinky Amador.

May extra-effort ba siya na galingan ang pag-arte para huwag siyang “lamunin” o masapawan ni Pinky?

“Hindi, iniisip ko lang na kailangan one take lang ito.

“Nakaka-pressure, pero napakabait din po ni Miss Pinky.

"Never niyang pinaramdam sa akin na dapat matakot ako sa kanya or kabahan ako.

"Tinutulungan pa niya ako if ever I need anything, binibigyan niya ako ng kape ’pag alam niya na inaantok ako.

“Sobrang bait niya, sobrang bait.

"And natututo rin ako sa kanya when I watch her perform, napakagaling niya.

"Theater actress, ’di ba? So, like in character siya agad, and gusto ko rin matutunan yung style niya.”

DIFFERENCE BETWEEN LUIS AND DINGDONG. Si Luis Alandy ang leading man niya sa Innamorata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanggaling si Max sa Pahiram Ng Sandali na ang leading man ay si Dingdong Dantes.

“Yung transition, sobrang layo!

"Sobrang layo ng characters nila, so sobrang iba.

"Yung kay Dingdong, mahirap yung character niya, ’tapos yung kay Luis, mayaman.

“Pero they’re both very supportive.

"Si Dong, tinutulungan niya ako kung nahihirapan ako sa eksena, or siya yung nagdadala ng eksena minsan.

“Iyon din ang ginagawa ni Luis para sa akin and, actually, sa mga scenes namin, never akong nailang sa kanya.”

ALDEN RICHARDS. Sa direksyon ni Don Michael Perez, ieere na ang Innamorata sa Lunes, February 17.

Nasa cast din sina Michael de Mesa, Dion Ignacio, Juan Rodrigo, Leandro Baldemor, at si Rita Avila.

Kung may isang artista na hindi pa niya nakakatrabaho na gusto niyang makatrabaho, sino ito?

“Alden Richards,” ang mabilis na sagot ni Max.

“Kasi magaling siyang umarte. Never ko pa siyang nakatrabaho, sa SAS [Sunday All Stars] lang, sa soap hindi pa.

"Kasi si Alden ano yung mata niya, very expressive.

“And ’pag ganyan, mas madaling mahugot from him ang emotion.

"So, sana makatrabaho ko siya kasi ang galing ng style niya.

"Kung paano niya nae-express lahat ng emotions, gusto ko ring matutunan yun.”




NO TO BEAUTY CONTEST. Pinsan ni Max ang current Miss World na si Megan Young, at inaasahan na maaari ring sumali sa beauty pageants.

Pero ayon sa 21-year-old Kapuso actress, wala siyang balak na sumali sa kahit na anong paligsahang pagandahan.

“Nung mga eighteen ako, tinatanong ako kung gusto kong sumali, masyadong bata pa ako nun.

“’Tapos ngayon na nanalo si Megan, parang naisip ko, hindi puwedeng maging dalawang winner sa isang family.

“Parang ayoko nang sumali.”

Kahit na in the future?

“Siguro in the future, kung mga 25 na ako, unless masyadong late na yun,

"Ayoko lang mag-suffer din yung acting career ko. Mami-miss ko yung pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang may time na hindi ka puwedeng lumabas sa TV.

"Mas dream kong mag-artista kesa maging beauty queen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN