Jackie Rice traumatized by overexposure in tabloids: “Ayoko na dati mag-artista. Hindi ko kinakaya ’pag ganun."

Ayon kay Jackie Rice, hindi siya mapili sa pagganap ng roles. Katuwiran niya, “Kasi bida ka man o hindi pareho lang kayong nagte-taping, pareho naman kayong nakikita sa TV. Nagkataon lang na mas nagiging paborito siyempre yung bida dahil lagi siya yung may eksena."


Dahil mainit sa mga balita ngayon ang nakababahalang isyu ng rape, nasabi ni Jackie Rice ang saloobin niya tungkol dito dahil sa sexy image niya sa showbiz.

“Unang-una, may paniniwala ako kahit nagpapa-sexy ako, like nagko-cover sa mga men’s magazine, depende sa pananamit at sa galaw ng isang babae kung babastusin siya ng mga lalaki.

“The way ka umarte or yung attitude mo, dapat maging maingat para hindi rin sila magkaroon ng motibo na gawin yun [rape]."

NO MALE FRIENDS ALLOWED. Nakausap si Jackie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Innamorata sa GMA Network Center nitong Biyernes, February 7.

Tungkol sa iskandalo sa pagitan nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo, nasabi ni Jackie, “Yung isyu kasi na yun, mahirap, kasi magkaibigan sila, e.”

Dagdag pa niya, “Na-shock ako.

"Kilala ko si Vhong dahil artista siya, magaling na komedyante at TV host.

"Pero kung papaano silang dalawa as a person, hindi ko kayang i-judge iyon.

"Kasi kung magkaibigan sila dati, iyon yung kuwento nila, e. Two years na silang mag-friends…

“Kasi ako naman, never pa pong may nakapunta [sa bahay ko] maliban sa boyfriend ko, yung mga barkada.

"Parang ang pangit kasing tingnan na mag-i-invite ako ng isang lalaki kahit kabarkada pa siya.

“Kasi may boyfriend ako, at kung wala man, magkita na lang kami sa labas, manood na lang kami ng sine o mag-coffee na lang kami, yung ganun.

“Hindi sa bahay, hanggang sa baba ka lang. Magkaibigan tayo, pero hindi mo puwedeng pasukin yung loob ng bahay ko. Parang ganun.”

TABLOID TRAUMA. Walang isyu kay Jackie na kontrabida siya sa Innamorata. In fact, mas gusto raw niya ito.

Sabi niya, “Na-experience ko na ang pagiging bida nung binigay sa akin yung Sisid [2011].

“At thankful ako binigyan ako ng Sisid kasi hindi naman ibibigay sa akin yun kung hindi ko kakayanin, ’di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng Sisid ay nagbida muli si Jackie sa Kasalanan Bang Ibigin Ka (2012).

“Okey lang naman, hindi ako picky sa role—bida o kontrabida. Hindi talaga.

“Tinanong nila ako, ng [GMA] Artist Center, ‘Okey lang ba sa iyo kung ganito?’

“Sabi ko, ‘Okey lang po. Hindi ko gustong maging bida, hindi ko gustong kontrabida, as long as nagte-taping ako.

“Kasi bida ka man o hindi, pareho lang kayong nagte-taping, pareho naman kayong nakikita sa TV.

"Nagkataon lang na mas nagiging paborito siyempre yung bida dahil lagi siya yung may eksena.

"Pero hindi ko gusto yung center of attraction talaga.

“’Di ba dati parang laman ako lagi ng tabloids, parang na-trauma rin ako.

“Ayoko na dati mag-artista. Hindi ko kinakaya ’pag ganun.

“Nag-a-absent pa ako dati sa school ’pag ako yung magli-lead ng prayer, kasi nahihiya ako. Mahiyain ako, e.”

Pero sa kabila nito, sumali siya sa Starstruck Season 3 nung 2005 at naging Ultimate Female Survivor pa.

“Oo nga, e. Hindi ko nga alam kung papaano’ng nangyari yun, e,” ang natatawang sinabi ni Jackie.

Mula noon hanggang ngayon, nanatiling Kapuso si Jackie at tila walang balak na lumipat ng network.

Sa katunayan, hanggang 2020 ang kontrata ni Jackie sa GMA-7.

Sa bagong Kapuso series na Innamorata, gumaganap si Jackie bilang si Gina.

Sa direksyon ni Don Michael Perez, ang Innamorata ay ieere na sa Lunes, February 17.

Nasa cast sina Max Collins bilang si Esperanza, Luis Alandy bilang si Edwin, Gwen Zamora bilang Alejandra, Michael de Mesa bilang si Lloyd, Dion Ignacio bilang si Dencio, Pinky Amador bilang si Delia, Juan Rodrigo bilang si Leandro, Leandro Baldemor bilang si Cenon, at si Rita Avila bilang si Alice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN