Martin Nievera and Regine Velasquez join forces for the Valentine concert Voices of Love

Naging matagumpay ang Valentine concert ng Concert King na si Martin Nievera at nng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, ang Voices of Love, kagabi, February 14, sa Mall of Asia Arena.


Pagkatapos ng sampung taon ay nagsanib-puwersa muli ang Concert King na si Martin Nievera at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Valentine’s Day concert na Voices of Love.

Ginanap ang itinuturing na pinakamalaking Valentine concert ngayong taon sa Pilipinas, sa Mall of Asia Arena, kagabi, February 14.

Bagamat nagkaroon na ng mga concert kung saan nagkasama sina Martin at Regine, ito ang unang major concert na silang dalawa lang ang magkasama pagkatapos ng sampung taon.

Noong 2013 ay nagkasama rin sila sa Valentine concert na Foursome, ngunit nakasama nila rito ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid at ang ex-wife ni Martin na si Pops Fernandez.



IN TOP FORM. Nagbigay ng sulit na performance sina Regine at Martin sa mga nanood ng concert nila kagabi.

Muling pinatunayan ng dalawa kung bakit sila ang itinuturing na dalawa sa pinakamagaling na power vocalists, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

May kanya-kanyang highlights sina Martin at Regine.

Kay Martin, well-applauded ang medley ng kanyang hit songs: "Please Don’t Throw My Love Away," "Each Day With You," "Ikaw Ang Lahat Sa Akin," "Be My Lady," "Forever," at "How Can I."

Pati na ang medley niya ng Barry Manilow songs.

Si Regine ay binigyan ng standing ovation dahil sa kanyang heartfelt and powerful rendition of "Where Do I Begin?," ang classic theme song ng 1971 film na Love Story.

Well-received din ang kanyang cover sa sikat na sikat ngayong "Let It Go" ni Idina Menzel mula sa hit animated film na Frozen (2013).

Watch videos: In case you missed it: Regine Velasquez totally slays with "Let It Go" and "(Where Do I Begin?) Love Story"

Siyempre pa, nag-standout din ang duet numbers nila.

Kabilang na rito ang opening number kung saan kinanta nila ang "You Are My Song" at "You’re On The Right Track"; ang medley nila ng Whitney Houston at James Ingram songs; ang duest nila ng "Unchained Melody"; at ang classic OPM songs nilang "Kahit Isang Saglit" at Sana Maulit Muli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang personal favorite namin ay ang medley nila ng Broadway songs na siyang finale ng concert.



TRIBUTE TO MANG GERRY. Hindi naman maiwasang maging emosyunal ni Regine sa isang bahagi ng concert kung saan nagkaroon ng malaking tribute sa kanyang namayapang ama na si Gerardo Velasquez—o si Mang Gerry.

Labing-isang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang namayapa si Mang Gerry noong February 3, at eksaktong isang linggo nang ihatid siya sa kanyang huling hantungan noong February 7.

Pagkatapos ng ilang linya ng awiting "You" ng Carpenters ay hindi na naituloy ni Regine ang pagkanta, kaya ang back-up singers na lang ang nagtuloy nito.

Sa huling bahagi ng production number ay nagawa nang kantahin ni Regine ang ilang linya mula sa kanta ni Dan Fogelberg na "Leader of the Band," isa sa mga kantang ina-associate ni Regine sa yumaong ama.

"I’m just a living legacy to the leader of the band... I love you, Papa," naiiyak na kanta ng Asia’s Songbird.

Ito ang unang concert ni Regine kung saan hindi na niya nakasama si Mang Gerry, na laging present sa mga concert ng anak.

Ang ina ng Asia’s Songbird na si Teresita Velasquez ay nanood ng concert, kasama ng kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.



CELEBRITIES. Isa namang nakatutuwang parte sa concert ay ang impromptu sing-along kasama ang ilang celebrities na nanood ng concert.

Kabilang na si Richard Gomez na hindi na binitawan ang mikropono mula kay Martin sa pagkanta ng "Say That You Love Me."

Sumunod naman ang mag-asawang sina Megastar Sharon Cuneta at dating Senator Kiko Pangilinan na nag-duet sa "Ikaw Lang ang Mamahalin."

Si Arnel Pineda naman ay kinanta ang Journey song na "Don’t Stop Believin’."

Nag-duet naman sina Erik Santos at Angeline Quinto ng "Hanggang Ngayon."

Ilan pa sa mga celebrity na nanood ng Voices of Love sina Lucy Torres-Gomez, Angelu de Leon (kasama ang mister niyang si Wowie Rivera), Jon Santos, Cutie del Mar, at Rita de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanging guest nina Martin at Regine sa concert ay ang rapper na si Abra.

Ang musical directors ng concert ay sina Louie Ocampo at Raul Mitra, samantalang si Rowell Santiago naman ang direktor.

Click HERE and HERE for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN