Christine Bersola-Babao admires Claudine Barretto’s dedication as hands-on single mom: “Doon ako bilib kay Claudine.”

Christine Bersola-Babao on Claudine Barretto: “Kasi yung anak ni Claudine at saka yung anak ko pareho ng grade level, pareho ng school. In fairness kay Claudine, whatever na gulo na dinadaanan niya ngayon hindi talaga siya nagkukulang ever kay Sabina.”


Malaki raw ang naitulong kay Christine “Tintin” Bersola-Babao ng programang hinu-host niya sa TV5, ang Face The People, para mas makilala at maging kaibigan ang co-host niyang si Gelli de Belen.

Sabi ni Tintin, “Si Gelli nakita niya kung gaano ako ka-clumsy. Actually, under muna kami ng Backroom management ni Tito Boy [Abunda].

“So before, nakikita ko si Gelli ’pag merong mga opening si Tito Boy ng restaurants. So ganun lang lagi. ’Tapos sa pictorial, ganun lang.

“This is my first time to work with Gelli. She’s very giving, mapagbigay na host, hindi nananapaw.

“Hindi siya yung insecure na host. Alam mo yung mga insecure na host, kailangan manapaw ’yan para i-assert niya yung kanyang posisyon, superiority.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Tintin bago ang taping ng Face The People sa TV5 Studio sa Reliance, Mandaluyong City, noong Pebrero 13.

NEW LEARNINGS. Bukod sa nabuong magandang samahan nila ni Gelli dahil sa Face The People, marami rin daw natututunan sa show si Tintin dahil sa mga kuwento at isyung dala-dala ng kanilang mga bisita, pati na sa mga tagapayo sa show na tinatawag na "Konsensya ng Bayan."

Kinabibilangan ito nina Atty. Persida Acosta at Atty. Ben Acosta para sa legal advice, Dr. Camille Garcia para sa psychological at sociological na mga payo, at Fr. Sonny Merida para sa spiritual counseling.

Kasama rin sina nina Atty. Karen Jimeno at Coach Jarett Pulido, bilang mga life coach.

Ayon nga kay Tintin, “Laking bagay na nandoon yung pari, si Fr. Sonny. Kasi ako, nagugulat ako dahil sa mga case studies namin.

“’Di ba, alam natin ’pag maraming problema yung tao, sila usually yung tatakbo sa Panginoon, magdarasal, magsisimba?

“Pero ’pag tinatanong ko sila, ang tagal na nung huli silang nagsimba, huli silang nabasbasan ng pari o nagkumpisal. So, yun pala ang lacking sa buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang laking bagay kapag nagsalita na si Fr. Sonny at nagbigay ng spiritual advise. Hindi lang tinatamaan yung case studies at kami ni Gelli, pati yung audience umiiyak, makikita mo talaga.

“Parang after mong manood ng show, nanggaling ka ng retreat. Ganun yung feeling.

“Spiritually, emotional level, pati meron kang dagdag na knowledge na legal. Sa tagal ko rito [sa trabaho], ngayon lang ako nagkaroon ng ganito karaming kaalaman sa legal aspect ng buhay.

“’Tapos sa psychology, yung mga control aspects, mga ganyan. Ang galing.”

MEMORABLE EPISODE. Meron na bang episode na talagang naapektuhan siya?

“Super, hindi ko kinaya. Dapat mapanood n’yo yung episode na ’yon. Talagang iyakan pati ang audience.

“Twenty-five years ago, nanganak siya, iniwan niya yung anak niya sa bahay ng magulang niya. Left for dead, ha, kasi pinatungan niya ng unan.

“Noong nasa tiyan pa lang—kasi unwanted, e—ginaganun na niya yung tiyan niya, pinapalo para malaglag.

“Pero sabi ng mommy niya, ‘Huwag, ituloy mo iyan. ’Tapos ’pag niluwal mo, sa amin na lang kung ayaw mo.’

“So, iniluwal nga niya, pero two hours after giving birth, nung pwede na siyang maglakad, iniwan niya sa kama na nakatakip ng unan.

“Wala na siya sa bahay, naririnig na lang niya yung seven-years old niyang kapatid na, ‘Yung bata pinatay mo,’ ganun-ganun.

“So twenty-five years after, buhay pa pala yung baby. So noong nagharapan sila, iyakan. Lahat nag-iyakan.

“Makikita mo yung body language niya, galit na galit siya sa nanay niya kasi she was left for dead ’tapos hindi siya hinanap. Puro mura yung namumutawi sa bibig niya, galit.

“Yung nanay niya palipat-lipat ng probinsiya. Kasi nga galit siya sa ama ng baby niya. Kaya ang ginawa niya nagpalipat-lipat siya, nakarating siyang Baguio, Pangasinan...

“Namasukan siya bilang kasambahay para to forget. Kasi tinanong namin kung kaya ba siya nagpalipat-lipat ay para hanapin yung ama, na hindi siya inako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo hindi na siya ulit nagkaroon ng lalaki. For twenty-five years, hindi siya nag-boyfriend, asawa o whatever.

“Hindi na siya naka-move on at hindi na niya nakita yung lalaking yun. So nakarating siya sa iba-ibang probinsiya para makalimutan.

“Until finally, siyempre may paraan ang Diyos, ’di ba? Na magkita ulit sila. ’Ayan nagkita ulit sila dito sa Face The People.

“So iyak nang iyak ako. Kung nandoon kayo, kung napanood n’yo nung araw na iyon, talagang bato na lang ang hindi iiyak.”

ON CLAUDINE AND RAYMART. Sa loob ng isang buong season, tumulong ang Face The People na maresolba ang iba’t ibang isyu at hindi pagkakasundo, kasama na ang mga isyung kinaharap ng mga celebrity na sina Freddie Aguilar, Atty. Lorna Kapunan, Mahal, Tiya Pusit, Francine Prieto, at Madam Auring.

Ngayong nagsisimula na ang season 2 ng Face The People, nagkakaisa sina Tintin at Gelli na kung mabibigyan daw sila ng karapatang pumili ng celebrity guests na pagkakasunduin sa show, ito ay ang mag-asawang sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ayon kay Tintin, madalas niya raw makita si Claudine dahil pareho ang paaralang pinapasukan ng mga anak nila.

“Kasi yung anak ni Claudine at saka yung anak ko, pareho ng grade level, pareho ng school.

“In fairness kay Claudine, whatever na gulo na dinadaanan niya ngayon hindi talaga siya nagkukulang ever kay Sabina.

“So nakikita ko si Claudine, never iyang nawala sa lahat ng school activities with or without Raymart.

“And nung silang dalawa ni Raymart… ’eto na yung peak ng away nila, pareho pa silang pupunta sa school.

“Birthday ni Sabina noon, nakita ko sila sa canteen namimigay ng loot bags sa mga classmate ni Sabina, together, ha.

“’Tapos si Sabina always Best in Costume, ha. Kasi sila, as parents, kina-career nila yung activity sa anak.

“So as parents, wala akong masasabi. They are very, very tutok and hands on kay Sabina. Siyempre co-parent ako, so nakikita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ngayon na hiwalay na sila, I would see Claudine still present. She’s acting as a happy, single-mom... taking videos of Sabina. ’Pag nakikita niya ako, magbabatian kami.

“And heto yung lahat ng mga tao nakatingin sa kanya, tinitingnan kung magbi-breakdown ba siya o kung ano yung reaksyon niya, whatever.

“She’s just a mother to Sabina and Santino. So doon ako bilib kay Claudine.”

Ano ang puwede niyang ipayo kay Claudine ngayon?

Sagot niya, “Ako talaga, that she finds hindi na love, e… a man that would be her partner for life na... Alam mo yun?”

Parang ang sinasabi ba niya dapat nang maghiwalay sina Claudine at Raymart?

“Kung yun ang ikabubuti ng lahat,” pakli pa ni Christine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN