Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrate Valentine’s in Balesin Island

Hindi pinalampas ng magkasintahang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang pagkakataong ipagdiwang ang Valentine weekend sa pamamagitan ng pagbibiyahe sa Balesin Island Club, sa Polillo, Quezon Province. Hindi naman naging madamot ang magkasintahan sa pagbabahagi ng kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pagpu-post ng mga larawan na kuha doon.


Sa Balesin Island, sa Polillo, Quezon Province, nagdiwang ng kanilang Valentine’s Day ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ilang mga larawan mula sa kanilang "Valentine date" sa Balesin Island ang ipinost mismo nina Marian at Dingdong sa kani-kanilang Instagram accounts.

Ni-repost din ito sa Facebook page ng kanilang grupo ng mga tagahanga, ang DYnamics DongYan.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong, bago ang Valentine’s Day, inamin niyang mag-a-out of town sila ni Marian. Pero hindi niya sinabi kung saan eksakto ang magiging destinasyon nila.

Sabi lang ng Kapuso actor, hindi ito ang regalo niya kay Marian sa Valentine’s Day.

“No, I don’t believe in mga gifts pagdating sa Valentine’s.

"Basta magkasama lang kayo, malaking bagay na.

"Saka let’s say may mga kasama rin kayong mga kaibigan, parang in a way, parang it’s a holiday for us.”

Read: Dingdong Dantes reveals out-of-town escapade with Marian Rivera this Valentine’s; reacts to Karylle’s wedding

Ngunit dahil sa mga larawang lumabas ay nalaman na sa Balesin Island pala ang tinutukoy niya.

Noong mismong Valentine’s Day, February 14, ay nag-post ng magkakasunod na larawan si Marian sa kanyang Instagram account (therealmarian).

Ang una ay ang larawan niya kasama ang bouquet of flowers na ibinigay sa kanya ni Dingdong.

May caption itong: "Ang sweeeeet, Kiss pag gising ko ito agad bumungad sa akin... Salamat mahal ko. Love you! Smile #Happy ♥’s Day."

Kasunod nito ang larawan nina Marian at Dingdong habang nakaupo at magkaakbay.

May caption itong: "Being happy with you is one of the reasons i celebrate the beauty of life, most especially on this day. #blessed"

Pagkatapos nito ay nag-post si Marian ng larawan nila habang naghahalikan, kung saan ang background ay isang puting chapel.

May caption itong: "Full of Love... #DongYan"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama nina Dingdong at Marian na nagpunta sa Balesin Island ang pinsan ng aktor na si Carlo Gonzalez at ang girlfriend nitong si Luane Dy.

Nag-post si Luane sa kanyang Instagram account (luziady) ng larawan nilang apat nina Dingdong, Marian, at Carlo habang nasa isang infinity pool.

May caption itong: "Kwatro Kantos ala Mykonos #balesinisland ️♥♥♥"



Maging si Dingdong ay nag-post sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Marian sa may pool habang may hawak-hawak na wine glass.


May caption itong: "much needed recharge"



Click here for the GALLERY


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN