Gelli de Belen reveals she and husband Ariel Rivera do not celebrate Valentine’s Day: "Hindi ko trip!"

Gelli de Belen on being well taken care of by TV5: “Alam niyo, I am grateful because of all the opportunities that they have given me. I’m sure, if I were in another station, it would not be this many, ‘di ba? Kasi, ang dami nilang talents na mas mauuna kesa sa akin. So, siyempre, where I am given importance and opportunities, doon ako.”


Hindi raw uso para kay Gelli de Belen at sa mister niyang si Ariel Rivera ang mag-date tuwing Valentine’s Day.

“Hindi, e! Hindi ko trip!” natatawang sabi ni Gelli sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero romantic pa rin naman daw sila ni Ariel, lalo na kapag nasa bahay sila.

Paliwanag pa niya, “E, kasi naman, meron din naman kaming parang twenty years.

“Sa umaga, kapag naghahatid kami ng mga bata, ang dami na naming pinag-uusapan. Papunta at pabalik pa lang, ‘di ba?

“So, ano pa ang pag-uusapan namin, so kumain na tayo at umuwi na tayo.

"Wala nga kaming ganun.”

Kuwento pa ni Gelli, “Sabi ko nga noong isang araw, parang may bulaklak-bulaklak. Yung kuya ni Ariel, nagbigay ng bulaklak sa asawa niya.

“Sabi ko, ’Talaga?’ Parang hindi ko na maaalala kung kailan ako nagkaroon ng bulaklak.

“Sabi niya [Ariel], ’Oo nga, hindi ko na maalala kung kailan.’

"Sabi ko, ’Okay lang, Honey, bag na lang!’

“At saka kapag Valentine’s Day, ‘di ba, si Ariel, may show palagi? O, may show siya ulit.

“At saka, sinasabi ko sa kanya, pagkain na lang ang ibigay niya sa akin. At least yun makakain ko.

"E, yung bulaklak, aanhin ko naman yun?”

Noong isang taon, ano ang naging Valentine’s celebration nila ni Ariel?

“Hindi ko na matandaan, kasi baka kasama namin ang mga bata kung sakali man,” aniya.

Pero palagi raw nilang kasama nila ang dalawang anak nila kapag lumalabas. Kailan lang din, nag-family cruise silang pamilya.

Binata na rin ang panganay nilang anak na si Joaqui. May girlfriend na ba ito?

“Wala!” mabilis na sagot ni Gelli na natatawa.

“Meron nang ka-text na patextan-textan. Fifteen na kasi ang panganay ko. Pero, hayaan niyo siya, hanggang ganyan lang ‘yan.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Gelli sa taping ng Face The People, sa Reliance studio ng TV5 noong Huwebes, February 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FACE THE PEOPLE. Kung dati-rati’y si Gelli lang ang mag-isang naghu-host ng Face to Face, ngayon ay kasama na niya si Christine “Tintin” Bersola-Babao bilang co-host sa Face The People ng TV5.

Natutuwa rin ang kanilang production team dahil tumataas daw ang rating nito sa pagpasok muli ng programang tinaguriang “Konsensiya Ng Bayan.”

Sabi ni Gelli, “Okay naman noon, pero okay rin ngayon.

“I guess kasi sanay na. Nasanay na ang tao.

"Parang pagdating ng 12 noon, nandiyan na si Vic Sotto at Joey de Leon [hosts ng Eat Bulaga!].

“Parang ganoon na rin ang mga ganito na sanay sila na nagpapayo si Attorney [Persida at Ben Acosta] at si Father [Sonny Merida] at si Doctora [Camille Garcia] pagdating ng hapon.

“And us, Filipinos, parang feeling ko, Catholic-based tayo.”

Kahit nga raw sila ni Tintin, maraming natututunan sa mga tagapayo nila sa iba’t ibang aspeto, mapa-legal o psychological man.

NOT SCRIPTED. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nag-iisip at nagsasabing scripted lang naman ang mga ipinapalabas na mga magkakaaway sa barangay o sa mga pamilyang pinag-aayos nila sa show.

Sabi ni Gelli tungkol dito, “Ang daming nagsasabi na scripted kami. Pero, wala namang script na ganoon kagrabeng problema.

“Paano mo naman...‘eto nga, kapag pumapasok ang case study namin, nagsasalita sila kung ano ang problema nila.

“Doon pa lang, nahihirapan silang magsalita, mag-memorize, istorya na ng buhay nila yun.

"E, what more pa kung ini-script namin yun?”

May isang episode daw tungkol sa anak na iniwan ng ina sa kanyang mga magulang, na tinangkang patayin pero nalaman nilang buhay pala pagkatapos ng maraming taon.

Ngayon lang nagkita ang mag-ina.

Sobrang naapektuhan daw sina Gelli at Tintin sa kuwentong yun. Malaking dahilan daw siguro ay pareho silang mga nanay rin.

Sabi nga ni Gelli, “Ito na siguro yung iniyakan ko talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanilang dalawa, si Tintin daw ang tagapagbigay ng practical advice habang si Gelli naman sa “puso” side.

Sabi ni Gelli, “Si Tin ang usually sa practical tips.

"Ako usually sa puso, diretsahan na, ’Ikaw ganito ka, ganyan ka."

CELEBRITY GUESTS. Ang kaibahan din kasi ng Face The People ngayon, nakakapag-guest sila ng celebrities.

Ilan na nga sa mga naging guests nila ay si Freddie Aguilar at ang menor de edad na misis nito, sina Mahal, Francine Prieto, at Madam Auring.

Yung kay Freddie Aguilar, nagkasundo ba silang dalawa sa ibibigay nilang advice?

Natatawang sabi ni Gelli, “Nagkasundo kaming huwag mag-advice!

“In-advise ko ang girl na mag-aral muna. She’s impressionable.

"Sabi ko sa kanya, magtapos siya ng pag-aaral.

“E, sabi niya, ang hirap namang pagsabayin ng love at pag-aaral. E, di siyempre, na-shock kaming dalawa.

“Medyo may nasabi yata ako, hindi ko na matandaan.”

Pero sa pamamagitan daw ng Face The People kaya nagkaroon ng ideya si Freddie na mag-iba ng relihiyon kunsaan ikinasal nga sila sa ng misis niya sa pamamagitan ng Muslim rites.

Sa ngayon, ano ang mga na-achieve ng Face The People na hindi nagawa ng Face to Face noon?

Sagot ni Gelli, “Siguro yung mga celebrities na naging guest namin, kakaiba yun.

"At saka, may Tintin. May dalawang point of view ng hosts.

“Hindi isang host lang na umaarya nang umaarya.

"Ang saya nga, kasi parang noong ginagawa ko yung Face to Face, ako lang.

“Talagang yung kasunod, ano na. At least ngayon, meron akong karelyebo.”

ON CLAUDINE AND RAYMART. Dahil nagge-guest na nga sila ng celebrities, kung siya ang tatanungin, sino sa mga artista ngayon na alam nilang may mga isyu ang gusto nilang i-guest sa show?

“Claudine [Barretto] at Raymart [Santiago], fantastic na ano ‘yan!” sabi ni Gelli.

Si Raymart ay naging ex-boyfriend ni Gelli noong mga teenager pa lamang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang ipapayo niya kay Raymart?

“Ano… stick to the truth. Kung ano ang katotohanan.

"Bago ka mag-decide, isipin mo kung ano ang magiging resulta noon para sa mga anak mo.

“So stick to the truth.

"Whatever you do, whatever you say, think of the consequence, hindi sa ‘yo kundi sa mga anak mo," pahayag ni Gelli.

Nalungkot din ba siya nang nababalitaan na niya ang nangyari sa pagsasama ng dalawa?

Sagot niya, “In good faith naman at maganda namang tumakbo lahat, nagkakaganyan lang siguro talaga ang mga relasyon.

“Siyempre, nalulungkot ako kasi pamilya ang nasira.”



GRATEFUL TO TV5. Bukod sa Face The People, mapapanood din si Gelli sa tawa-serye na Confessions of A Torpe.

Pipirma raw siyang muli ng isang taong kontrata sa TV5.

Ang pagpasok ba ng kaibigang si Ogie Alcasid ang isa sa dahilan kung bakit napili niyang pumirmang muli sa TV5?

Sagot ni Gelli, “E, ang dami kong ginagawa, e.

“Alam niyo, I am grateful because of all the opportunities that they have given me.

“I’m sure, if I were in another station, it would not be this many, ‘di ba? Kasi, ang dami nilang talents na mas mauuna kesa sa akin.

“So siyempre, where I am given importance and opportunities, doon ako,” pahayag ni Gelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN