Phillip Salvador reveals dad Lou Salvador Sr.’s biopic still subject to siblings’ approval

Phillip Salvador on politician friends Jinggoy Estrada and Bong Revilla Jr. who are currently embroiled in the pork-barrel scam: “Wala akong sinasabi na malinis lahat ng ano, pulitika. Wala akong sinasabing ganoon, pero bigyan ninyo sila ng chance na linisin nila ang mga pangalan nila.”


Nilinaw ni Phillip Salvador ang nababalitang paggawa ng pelikula tungkol sa life story ng kanyang yumaong ama na si Lou Salvador Sr.

Ang ama ni Phillip ay basketball player, stage actor, at talent manager. Pumanaw ito noong 1973 sa edad na 67.

Ipinaliwanag ni Phillip na hindi pa nila napagkasunduang magkakapatid ang tungkol sa pagbibigay ng permiso para sa pagsasapelikula ng buhay ng kanilang ama.

“They cannot do that. I have to talk it over with my brothers and sisters. I cannot just decide on it,” umpisa ni Philip nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press preview ng bagong project niya sa TV5, ang movie for television na pinamagatang Bawat Sandali.



DAD’S BIOPIC. May pormal na alok na ba siyang natanggap na gawin sa pelikula ang life story ng kanyang ama?

“Actually, pinaplano ni [director]Arman Reyes na hindi naman basta-basta gagawin lang yung ano, pero maganda yung materyal.

“Actually, hindi naman yung the Lou Salvador story per se. Pero, parang inspired lang.

"Pero yung takbo ng istorya, yun na yun,” sabi njya.

Sinu-sino pa ang surviving siblings niya ngayon?

Ayon kay Ipe, “Hindi ka maniwala nabuo kami, 102 kami. Bale, 49 mothers.

"’Di ba, namatay si Papang, nagdatingan lahat sila?

"Panahon na nina Ate Mina [Aragon] yun, producer na sila nung namatay Papa ko.”

Si Mina Aragon ay ang namayapang kapatid ni Phillip, dati ring aktres at asawa ng Viva Films producer na si Vic del Rosario.

Sa palagay ba ni Phillip ay matutuloy pang gawing pelikula ang life story ng ama nila?

“Well, I just hope and pray. Mga kapatid ko, siyempre kailangan ng approval nila. Hindi naman puwedeng ako lang ang magdedesisyon,” diin niya.

What if inspired na lang sa life story ng ama nila ang gawin sa pelikula?

“But still, it’s the story. Yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi gagamitin ang pangalan ni Papa pero yun ang istorya. Yun ang hihingin na permiso sa mga kapatid ko,” diin pa niya.

Kung sakali, pepresyuhan kaya nila ng malaki ang life story ng kanilang ama?

Ani Phillip, “Wala namang ganoon kasi gagawin ’tong indie movie lang.”

Hindi ba sila nag-aalala na baka hindi mabigyan ng justice ang life story ng kanilang ama sa big screen?

Sagot niya, “A, hindi naman, sa storyline na ibinigay sa akin, in fairness kay Arman, yung ibinigay niya sa akin, e, maganda.

"At made-develop pa, maaayos pa. Alam mo, mahusay naman si Arman Reyes, e.”

Mukhang malaking halaga aabutin ng production cost sa dami ng cast na kailangan, ’di kaya?

Pagsang-ayon niya, “Oo, maaari.

"Pero nagkamatayan na yung ibang mga kapatid ko, gaya ni Kuya Jojo, Kuya Ding, si Kuya Chi-Chi, father ni Maja [Salvador], ’di ba?

"Si Ate Lulu, Ate Mina, si Kuya Leroy.”

Ilan pa silang buhay?

“Hindi ko alam yung ibang mga kapatid ko sa abroad, e—sa Spain, sa Paris, sa Italy,” sabi niya.

DOTING DAD AND PROUD LOLO. Samantala, magkasama naman noong nakaraang Valentine’s Day ng kanyang asawang si Emma Ledesma at ang kanilang anak na si Phillip Jr.

Kuwento niya, “Sinamahan ko yung anak ko sa field trip niya. Kaming mag-asawa, sa Laguna, sa Enchanted Kingdom.”

Sumasama rin ba siya sa iba niyang mga anak sa field trip?

“That was not my first time na sumama sa field trip with my child. Ginagawa ko naman yun sa lahat ng anak ko,” paglilinaw ng dating action star.

Pati kay Joshua na anak niya kay Kris Aquino?

“Yung kasing laki ni Phillip? Nung anak ko? Nung kapatid niya? Oo, sinasamahan ko rin yun. Manila Zoo, mga ganoon,” tanong niya kung si Joshua ang tinutukoy namin na anak niya.

Kamukha raw ni Joshua ang anak nila ni Emma na si Phillip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, si Phillip, yung kamukha ni Josh. Swimmer si Josh, e. Ako, mahusay akong lumangoy.

"Pero hindi ako mananalo doon sa karera," pagmamalaki pa niya kay Josh.

Mas guwapo si Joshua nung pumayat. Napansin ba niya ito?

“Oo, e, ano, naaalagaang mabuti ng kanyang ina. Ganoon lang yun,” pagpuri naman niya sa dating kasintahang si Kris Aquino

Nadadalaw rin ba niya ang anak niyang si Barbie mula sa first wife niya na si Sony Dabao?

Sagot niya, “Nasa Amerika yun. May apo na ako [sa kanya] kasi may kasama na si Barbie doon, happily married [siya].”

Lolo na siya?

“I’m proud to be a lolo,” ngiti niya.

RUBY TUASON ISSUE. Ano naman ang masasabi niya sa pagdiin sa kaibigan niyang si Senator Jinggoy Estrada ni Ruby Tuason, ang dating secretary ng ama ni Jinggoy na si Manila Mayor Joseph Estrada at state witness ngayon sa pork-barrel scam?

Sagot ni Phillip, “A, suportado ko si Jinggoy. Whatever happens, I will never turn my back on my friends.

"Isa lang naman ang ano diyan, maski na anong mangyari hindi ako hihiwalay sa kanya.

“Maski ano ang nangyari, ipagmamalaki ko pa rin sa buong mundo na sila ang best friends ko," pagtukoy niya kay Jinggoy at kay Senator Bong Revilla, na nadadawit din sa PDAF scam.

Dagdag pa ni Phillip, “Kasi alam ko, yung mga kaibigan ko sa pulitika, marami nang taong tinulungan at tinutulungan pa.”

Na-meet ba niya sa mga party nina Jinggoy at Bong si Janet Lim Napoles, ang nabansagang pork-barrel scam queen?

Sabi ni Phillip, “Nakilala ko siya pero hindi naman kami close.

"Hindi ko nga alam kung ano ang negosyo niya, e.

“Ang kaibigan niya, si Precy [Ejercito, wife ni Jinggoy].

"Ang hindi ko lang kasi maintindihan, ibig bang sabihin, kapag kakilala mo yung tao, kriminal ka na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They still need to prove na ginawa ring lahat ni Napoles ’yan, ’di ba?

"Give them a chance, yun ang sa akin. I-prove muna nila na guilty sila.

“Ako, I still believe in my heart na hindi magnanakaw ang mga kaibigan ko.

"Dahil, my God, since birth, kilala ninyo ang dalawang yun. Alam ninyo kung paano tumulong sa mga tao yun.

“Sana naman mabigyan naman ng pagkakataon na ipagtanggol nila ang sarili nila. Yun lang naman ang hiniling ko.

“Wala akong sinasabi na malinis lahat ng ano, pulitika. Wala akong sinasabing ganoon, pero bigyan ninyo sila ng chance na linisin nila ang mga pangalan nila,” pakiusap niya.

Dahil sa nangyari sa mga kaibigan niya, may plano pa rin ba siya na tumakbo ulit sa susunod na eleksyon?

“Hindi ko alam,” tugon niya.

“Ang nakakaalam noon, yung nasa Itaas. Mahirap magsalita ako ng ano, biglang kinabukasan, nandoon na naman ako ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN