Deniece Cornejo says kissing video with Cedric Lee has no malice; cries foul over harsh public criticisms

Deniece Cornejo to her bashers: "Enough for too much below the belt black propaganda. Time to protect my family"


Sa ulat ng 24 Oras kagabi, February 15, pinabulaanan ni Deniece Cornejo ang espekulasyong may ugnayan sila ni Cedric Lee higit pa sa pagiging magkaibigan.

Kaugnay ito ng nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) na karagdagang closed-circuit television (CCTV) footage mula sa Forbeswood Heights, noong gabing nabugbog ang actor-host na si Vhong Navarro.

Dito ay mapapanood na hinalikan ni Cedric si Deniece sa magkabilang pisngi habang sila ay sakay ng elevator.

Nakunan ito pagbalik ng grupoo ni Cedric at Deniece sa condo, ilang oras matapos nilang dalhin sa Southern Police District si Vhong para ipa-blotter dahil diumano sa tangkang panghahalay ng aktor kay Deniece.

Ngunit iginiit ng modelo na walang malisya ang ginawang paghalik sa kanya ni Cedric sa loob ng elevator.

Ayon kay Deniece, nagpasalamat lang siya kay Cedric at sa iba pa nilang kasamahan na sumaklolo sa kanya at tumulong na mag-ayos ng kanyang condo unit.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 27, nauna nang nilinaw ni Cedric na magkaibigan lang sila ni Deniece.

Dalawang taon na raw silang magkakilala, ngunit mas malapit umano ang modelo sa kapatid niyang si Bernice Lee.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: "Ayaw niya masira yung career niya."



BASHERS. Samantala, umalma si Deniece sa patuloy na pambabatikos ng publiko kaugnay ng reklamong panggagahasa na isinampa niya laban kay Vhong.

Ilang magkakasunod na Instagram posts ang inilathala ng dalaga, upang ipaliwanag na hindi niya ginusto ang diumano’y seskwal na pang-aabusong ginawa diumano sa kanya ni Vhong noong magkita sila sa condo unit niya noong January 22, 2014.

Pahayag ni Deniece sa kanyang Instagram post kagabi, February 15:

“I am explaining my side on the matter because I would like to educate the Filipino people that people are trying to undermine my character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Victim blaming is a very common practice throughout the world…

"Victim blaming is one of the main reasons that women do not want to report rape."

Hindi raw tamang husgahan siya ng ibang tao, lalo na kung wala namang direktang nalalaman tungkol sa nangyaring insidente.

Partikular na nabanggit ni Deniece ang pangalan ng sexy star na si Ellen Adarna, dahil tila sinisisi pa siya umano nito sa nangyaring karahasan sa kanya.

Matatandaang nag-iwan ng mensahe si Ellen para kay Deniece sa isang panayam ng TV Patrol noong January 31.

Sabi ni Ellen: "The only thing that I have to say is that, like, you know, as a woman, you shouldn’t allow things like that, every detail, like even a touch...

"If you feel violated, you say it out loud. You say it to the person that, ’You can’t do this to me.’"

LAPTOP ISSUE. Ayon pa kay Deniece, panay ang pag-atake ng publiko sa kanyang pagkatao sa iba’t ibang social networking sites, sa kabila ng kanyang paninindigan na siya ay biktima ng panggagahasa.

Umalma rin si Deniece sa ginagawang pagkuwestiyon pati sa pagbili niya ng laptop, na may kasamang editing software, noong January 26.

“And this is why I bought this laptop, in order to do my research on the matter aside from continuing to do my creative work in fashion and design.

“I find it hard to believe that buying a laptop with a video editing software has anything to do with me being raped,” giit ni Deniece.

Kaugnay ito ng inisyung subpoena ng NBI sa isang computer store sa Quezon City, upang makuha ang kopya ng resibo ng biniling laptop ni Deniece.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News Online kay NBI Regional Director Efren Meneses noong February 11, mahalagang makuha ito “kasi may circumstance” at kailangan siyasatin kung talagang may kuneksiyon ito sa nangyaring pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parehong ulat, pinabulaanan ni Atty. Raymond Fortun—na siyang spokesperson noon ni Cedric Lee—ang mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa pagbili ni Deniece ng laptop, ilang araw matapos ang nangyaring insidente sa Forbeswood Heights, Taguig City.

Sabi pa ng abugado, “She needed a laptop with photo editing because she is a model. Naninira lang sila kay Deniece."

Ngunit ngayong araw, February 16, opisyal na nag-resign si Atty. Fortun bilang spokesperson ni Cedric.

Ito ay sa kadahilanang nilabag umano ng kampo ni Cedric ang kanilang usapan, na hindi sila maaaring magbigay ng pahayag tungkol, sa kaso nang walang pahintulot niya at iba pa nilang abugado.

READ: Atty. Raymond Fortun resigns as spokesperson of Cedric Lee


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN