Luis Manzano reiterates Angel Locsin not the reason of his breakup with Jennylyn Mercado

Luis Manzano on his breakup with Jennylyn Mercado: "People close to us know the reason why we broke up. And we are definitely sure it’s not Angel. She was never a factor in our breakup."


Bago ang pagbabalikan nina Luis Manzano at Angel Locsin ay dalawang taon silang hindi nag-usap.

Sabi naman ni Luis sa panayam sa kanya ni Boy Abunda para sa Buzz Ng Bayan, “Baka mga three pa. At yung hindi namin usap, effort na iwasan yun, ha!”

Ano ang ibig sabihin ng "effort na iwasan"?

Aniya, “No talks, no text, no see…”

Bakit?

“I don’t know, maybe it’s uncomfortable,” pakli niya.

Natatakot ba siyang baka ma-in love silang muli sa isa’t isa?

Paliwanag niya, “It’s more of we have unresolved issues. We had a lot of unresolved issues.

“When I was taping Minute To Win It and she was even doing Showtime, nagkakatabi ang dressing room namin.

"And this was three times a week.

ASAP, Minute To Win It, Showtime taping days, wala. Nothing at all.

"Parang orchestrated nga na hindi kami nagkikita.”



SYNCHRONIZED BREAKUPS? Matatandaang nag-break sina Luis at Angel noong 2009 pagkatapos ng ilang taong relasyon bilang magkasintahan.

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng panibagong karelasyon ang dalawa; si Angel sa football player na si Phil Younghusband, at si Luis sa Kapuso actress-TV host na si Jennylyn Mercado.

Ngunit noong 2013 ay halos magkasunod na natapos ang relasyon ni Angel kay Phil at ni Luis kay Jennylyn.

Nilinaw ni Luis ang usap-usapan na siya raw ang rason ng paghihiwalay nina Angel at ni Phil, at si Angel naman daw ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Jennylyn.

Sabi ni Luis, “How is that even possible?

"For three years na walang text, walang kahit ano.

"In fact, Angel was even scared to see me for the first time kasi iniisip niya, there’s so much negativities between us.

“That’s why we also didn’t want to see each other. Naiisip namin, kapag nagkita kami, it would bridge negativity.

"We were in that stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, how could I be the reason of their breakup, and how could she be the reason of my breakup?”

Siya ba talaga ang rason ng breakup?

“No,” mabilis na tanggi ni Luis.

Si Angel ba ang dahilan ng breakup nila ni Jennylyn?

“Hell no,” sagot niya.

Naniniwala ba siya na naniniwala si Jennylyn na hindi si Angel ang dahilan ng paghihiwalay nila?

Diin ni Luis, “I said this before the first time I spoke about the breakup... I was with KC [Concepcion] pa for endorsement.

"With everything being said and done from so many people—I’ll use the term ignorant and unfortunately, stupid people, I’ll use that term—Jen and I know the real reason why we broke up.”

Pero, hindi na niya gustong ibahagi pa?

“No na, no na,” sagot niya.

“Our families know the reason why we broke up.

"People close to us know the reason why we broke up.

"And we are definitely sure it’s not Angel. She was never a factor in our breakup.”

Alam ni Jennylyn na hindi si Angel ang rason?

“Yes, she knows that,” diin ni Luis.

Naniniwala ba siyang si Phil din, naniniwalang hindi siya ang dahilan ng hiwalayan nila ni Angel?

Sabi ni Luis, “I hope so.

"You know, to be very objective about things, okay, if you’ll look at it through the viewers’ standpoint, mukhang pinag-usapan—considering how close the breakup was.

“Ako, I didn’t even know na nag-break sila.

“But we also considered our partner’s years with us.

"We can’t be unfair to say na hindi namin minahal ang mga naging partner namin.

“Pero I guess, they broke up for a reason and we broke up for a reason.

"And, yes, the reason is us pa rin.

“Through chance, through destiny.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING SOON? Sila ba ni Angel, nagbabalak nang magpakasal?

Sabi ni Luis, “Actually, my manager, si Tita June Rufino, nag-text sa akin, she said, ’Anak, I heard from a reliable source, totoo bang magpapakasal na kayo ni Angel this December?’

Magpapakasal na nga ba sila ngayong taon?

Sagot ni Luis, “This year, maybe not.”

2015?

“We’ll call you,” nakangiting sagot naman ni Luis kay Boy.

Sa lahat ng mga nangyari, ano ang mga natutunan niya?

Sagot ni Luis, “Relax, relax… no matter what life throws at you, sit back, relax.

"Have faith in yourself. Have faith in destiny. Have faith in God.

“No matter what point, you’re there, you’re experiencing things for a reason.

“Whether to make you happy, to make you a stronger person, everything you go through in life is meant for one reason, which is where you are right now.

“Those are my learnings.”

VALENTINE’S DAY. Paano nila ipinagdiwang ang Valentine’s Day.

Kuwento ni Luis, “Valentine, dinalaw ko si Quite [Angel] sa set, she was working, she was taping The Legal Wife.

"E, alam ko naman na she didn’t have the luxury of time, I wanted to bring the Valentine for her, instead."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN