Piolo Pascual allows son Iñigo to star in a film with one condition

About his son Iñigo, Piolo Pascual says he’s getting the hang of moviemaking although he still has to learn but, "I was worst during my first," he admits. Who comes out handsomer on screen? Piolo says, "Mas pogi yung anak ko."


Artista na ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo.

Isa si Iñigo sa mga bida ng Relaks, It’s Just Pag-ibig ng Spring Films, ang movie production outfit ni Piolo at ng kanyang partners.

Kasama ni Iñigo sa pelikula ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Julian Estrada at ang baguhang artista rin na si Sofia Andres.

Kuwento ni Piolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may mga kundisyon ang paglabas ng anak sa pelikula.

"Pinayagan ko lang kasi he was here during summer last year.

"I only accepted the part for him just as along as there is no promo, no on-cam na promo.

"Kasi gusto talaga niya, e.

"Sabi ko, ’Sige, compromise. He’ll do it, but he won’t promote it.’"

Dagdag pa ni Piolo, kailangan din gawin ito ni Iñigo para sa kanyang pag-aaral.

Aniya, "He’s getting into Theater Arts, so kailangan niya ng credit points to get scholarship kaya ayoko pumayag.

"Usapan naman namin ’pag 18 na siya, e.

"Sixteen pa lang siya, so ganyan lang muna."

Binantayan ba niya sa shooting si Iñigo?

"I went there once or twice. He was getting a hang on it.

"Okey naman siya, pero saka na," hirit ulit ni Piolo.

Napanood na raw ni Piolo ang kabuuan ng first movie ni Iñigo at aniya, "Maganda naman, it’s a nice movie.

"Of course, he has a lot to learn.

"Sabi nga ni Mr. M [Johnny Manahan], he saw the teaser, meron daw.

"Pero hintay muna.

"I was worst during my first."

Sino ang mas guwapo sa kanila ni Iñigo on screen?

"Mas pogi yung anak ko," nakangiting sagot ni Piolo.

BOX-OFFICE SUCCESS. Speaking of guwapo, marami ang nakapansin sa sobrang kaguwapuhan ni Piolo sa pelikuls nila ni Toni Gonzaga, ang Starting Over Again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin ang aktor kung may ipinagawa ba siya sa mukha niya.

Napahalakhak si Piolo, "Nagparetoke!

"Hindi, magaling lang mag-ilaw yung cinematographer namin sa movie.

"Mas matagal pa yung mga set-up kesa sa take!"

Nagpasalamat naman si Piolo sa lahat ng mga tumangkilik sa movie nila ni Toni.

So far, ayon sa Star Cinema, kumita na ng P150 million ang Starting Over Again sa takilya.

Aniya, "To everyone who came out and supported our film and bore the long lines...

"Sitting in front of the moviehouse just to be able to watch the film…

"Thank you very much for believing and extending your support to Star Cinema and everyone who’s part of this project.

"We’re all humbed by your love."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN