Jolina Magdangal gives birth to healthy baby boy

Isa nang ina ang multimedia artist na si Jolina Magdangal pagkatapos isilang ang una nilang anak ng mister niyang si Mark Escueta ngayong hapon, February 18.


Isinilang na ni Jolina Magdangal ang panganay na anak nila ng asawang si Mark Escueta kaninang 2:51 ng hapon, February 18, 2014.

Sa Asian Hospital nanganak ni Jolina sa pamamagitan ng caesarean operation.

Pinangalanan nila ang kanilang baby boy na Pele Iñigo Escueta.

Si Baby Pele ay may timbang na 6.8 pounds, 50 centimeters ang haba, at may APGAR score na 9-10.

Kuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text messaging, ultrasound at check-up lang ang dahilan kaya nagpunta sila ng Asian Hospital kaninang alas-otso ng umaga.

Pero dahil kumokonti na ang amniotic fluid ni Jolina, nagdesisyon ang OB-gyne ng actress-singer na si Dr. Madeline Florendo na i-ceasarean na siya.

Ayon pa sa text ni Mark ngayong hapon, "Kakalipat lang niya ngayon sa recovery room.

“Around 2 and a half hours yung buong procedure.

“Pinapasok na ako noong nilabas na si Pele. Tapos, kasama namin siya the whole time.

"Malikot siya agad at umiiyak pag labas niya."

Dagdag pa niya, "Tuwang-tuwa yung doctors and nurses kasi ang puti daw ni Pele."

Pagsapit pa lang ng February 1 ay araw-araw nang inaabangan nina Jolina at Mark ang pagsilang ng kanilang anak.

Tinawag pa nga nilang "pele serye” ang bawat araw ng paghihintay nila.

At ngayon nga ay naganap na ang pinakahihintay nila.

Congratulations, Jolina and Mark!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN