Carla Abellana has accepted boyfriend Geoff Eigenmann’s unromantic ways

Ayon kay Carla Abellana, sila ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann ay hindi katulad ng ibang couples na nagdi-date tuwing valentine’s Day o nagbibigayan ng regalo. Sabi ni Carla, “Wala, walang gift, walang flowers, wala ni isang pirasong Kisses. Hindi kami ganun.”


Dahil ilang araw pa lamang ang nakalilipas matapos ang Valentine’s Day, ang tungkol dito ang isa mga inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Carla Abellana sa presscon ng pelikulang Third Eye kahapon, February 17, sa Imperial Palace Suites.

Kumusta ang Valentine’s Day nila ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann?

Sagot ni Carla, “Wala, wala po… ganoon naman. Palagi namang ganoon. Okay lang.”

Pero may regalo naman sa kanya si Geoff?

“Wala, walang gift, walang flowers, wala ni isang pirasong Kisses. Hindi kami ganun,” sabi ng Kapuso actress.

Pero may post-Valentine celebration ba sila?

“Post-celebration? Siguro in ten months,” nakangiting sagot niya.

Dahil sa tagal pa ng sampung buwan na sinabi niya para mag-celebrate sila ng Valentine’s Day, naisip tuloy ng press na baka may mahalagang okasyong magaganap sa takdang panahon na iyon.

Ngunit paglilinaw ni Carla, “Wala, random numbers…

“O, sige, gawin nating twelve months o gawin nating nine months o gawin nating four months.”

ROMANCE IN A RELATIONSHIP. Usapan ba nila ni Geoff ang hindi pagse-celebrate ng Valentine’s Day? O bilang isang babae, naghahangad din siya ng romance o surprises sa Araw ng mga Puso?

Saad ni Carla, “Ay, lahat ng babae, gusto ng romance!

“Lahat ng babae, mahilig sa romantic films na nakikita nila sa pelikula, mga Prince Charming, ganyan.

“Pero hindi na siya uso ngayon, matanda na tayo.”

Okay lang sa kanya na tila kulang sa romance o sweetness si Geoff?

“Oo. Kasi matagal ko nang tanggap yun na ganoon siya. Matagal na akong sanay.”

Hindi nila pinag-uusapan na sana ganito o ganyan?

“Bakit pa pag-uusapan? Okay na, sanay na. Ganoon kami. Okay, kebs!” tawa pa niya.

Hindi ba siya naiinggit sa ibang celebrity couples na nagpu-post pa sa Instagram ng mga larawan na kuha mula sa kanilang Valentine’s Day date?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Carla, “Wow, good for them!

“Yun ang nakasanayan nila, yun ang practice nila. E, hindi kami ganun. Yun lang yun.

“Hindi kami ganun, e, hindi kami katulad ng iba.”

ACCEPTED. Dahil sa paraan ng pagsasalita niya, tinanong tuloy ng press si Carla kung hindi kaya bitter lang siya.

Sagot naman niya, “Hindi, bakit naman ako magiging bitter?

“E, di ibibili ko sarili ko ng chocolates!

“At saka, matagal ko na pong tanggap yun.”

Kulang pala sa romance si Geoff?

“Hindi, okay lang…” sambit niya.

Dapat pala masabihan si Geoff kung ganun?

“Hindi, pagsabihan mo, wala rin mangyayari.

“Sana, we’ll see… pero wala naman akong ano…

“Kung romantic akong tao, e, di sana, siya bibigyan ko ng flowers. Pero hindi, e, wala.

“Sa inyo siguro hindi okay, pero sa akin, okay lang.”

Sa tatlong taon nila bilang magkasintahan, ano ang naaalala niyang pinaka-romantic na ginawa ni Geoff sa kanya?

“Well, like I’ve said, Geoff is not a romantic person.

“Pero noong birthday ko, nasa taping ako nun, ‘tapos nagkataon, nag-strike ng twelve, birthday ko na.

“So, sa set na lang niya ako sinurprise [surprised].

“Yun yung one time na may bandang tumutugtog sa balcony.

“Merong cakes, flowers…”

First and last na yun?

Sabi ni Carla, “Hindi naman, hindi naman first and last.

“He has given me flowers before, chocolates, gifts.”

CARLA’S SWEETNESS. Si Carla ba ay romantic kay Geoff?

Sagot niya, “Oo, romantic naman.

“Pero parang baligtad, ako’ng babae, ako ang magbibigay ng flowers?

“Pero oo, sweet akong tao.

“Kung may maisipan man ako, kung may idea na pumasok sa ulo ko at gusto ko siyang i-surprise, gagawin ko.”

Hindi ba mahalaga para sa kanya kung hindi man romantic o sweet si Geoff?

“Oo, kumbaga, kung ang iba nagbibigayan ng whatever, e, kaya ko namang bilhin yun. So, bilhin ko na lang for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo yun, we are not any other couples.”

Hindi rin sila yung pabonggahan kapag nagbibigayan ng gifts?

“Oo, hindi kami ganoon.”

PROPOSAL. Hindi na rin ba siya umaasa ng bonggang wedding proposal mula kay Geoff, kung sakaling mag-propose na ito sa kanya?

Sabi ni Carla, “Proposal? Ayokong mag-expect. Pangit yun.

“Kasi kapag nabigo ka, kasalanan yun, kasi nag-expect ka.

“Hindi ako nag-e-expect ng kahit ano.”

Nang mapansin niyang natatawa ang kausap niyang entertainment press, sinabi ni Carla, “Bakit kayo natatawa? Kasi, weird kami? Hindi, kayo ang weird!"

Pero bawi niya, “Joke lang!

“We are different. Accept it.”

May balitang nagpaplano na raw silang pakasal ni Geoff. Totoo ba ito?

Mabilis namang sagot ni Carla, “Kasi kayo ang gumagawa ng balita. Sa inyo rin naman galing yun.”

Hindi ba puwedeng galing din kay Geoff?

Tugon naman dito ni Carla, “Hindi, kasi kayo ang nagtatanong kay Geoff.”

Sinabihan naman ng press si Carla na nakakaloka ang hirit niya dahil nakausap ng ibang press si Geoff at napag-usapan ang tungkol dito.

Sabi naman ng aktres, “Hindi, wala, walang wedding na magaganap anytime soon... O, sige, hindi na po ako hihirit.”

Hanggang kailan kaya?

“Siguro a few years pa.”

Sa mga panayam naman kay Geoff, sinabi nitong sumasagi na rin sa isip niya ang pagpapakasal.

Pagkumpirma ni Carla, “Meron, nababasa ko yun.

“But you know, if you don’t ask him, he wouldn’t say it naman also.

“We don’t talk about it. I don’t ask him about our wedding, our marriage.

“If you don’t ask him, he won’t say.”

Kung magpu-propose si Geoff, nakahanda na ba siya?

“Kung magpu-propose siya, puwede namang i-set-aside ang marriage.

“Hindi naman after being engaged, by six months, married na.

“So, magse-settle muna kami ng mga bagay-bagay bago kami magplano ng wedding.”

Pero si Geoff na ang gusto niyang makatuluyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre naman, siyempre naman, lahat naman yun ang gusto.

“Hindi ka maghu-hold, hindi ka magpu-put ng effort sa relationship kung hindi siya ang gusto mo.

“Any relationship, yun ang gusto mo, yun ang goal.”

FAMILY’S ACCEPTANCE. Sa isang banda, kung gusto raw si Carla ng pamilya ni Geoff, ganoon din naman daw ang aktres sa pamilya ng boyfriend.

“Love ko rin ang family niya, super.

“Kasi, ever since the beginning, parang, ‘Halika, dito ka…’

“They are so open, they are so friendly.

“Hindi sila yung family, para silang barkada.

“Parang ganun siya, napakabait.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN