Carla Abellana clarifies Instagram post about grandma Delia Razon being the "most beautiful woman" not related to Marian Rivera

"Ganoon talaga, in show business, whatever you say, whatever you do, people will put a different meaning to it. Kahit hindi yun ang intensiyon mo, hindi yun ang nasa isip mo, nasa ibang tao na ‘yan kung ano ang gusto nilang gawing meaning sa bagay na yun," saad ni Carla Abellana tungkol sa pambabatikos sa kanya ng ilang bashers kaugnay ng pagpu-post niya sa Instagram ng mga lumang larawan ng kanyang lola na si Delia Razon.


Nilinaw ni Carla Abellana na hindi kailanman in-offer sa kanyang maging leading lady sa upcoming primetime series ni Dingdong Dantes a GMA.

May lumabas kasing balita na kay Carla raw muna in-offer ang role bago ito napunta kay Lovi Poe.

Ang isa pang makakasama sa teleserye ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ngunit ayon kay Carla, “Wala po, it was never offered to me. Hindi po umaabot sa amin.

“And that’s not the first time na lumalabas yung balita na tinanggihan ko raw ang project o soap ni Dong.

“Wala akong tinanggihan, wala pong umaabot sa akin.”

Kung sakaling pagsasamahin sila ni Dingdong sa isang project, okay sa kanya?

“Of course! Why not?” mabilis na sagot ni Carla.

“With Miss Maricel pa na nakatrabaho ko na, why not?

“Gusto kong sampalin niya pa ako ng 100 million times more!

“So, why not, of course!”

Nagkasama sina Carla at Maricel sa drama movie na Yesterday, Today, Tomorrow (2012).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng horror movie na Third Eye kahapon, February 17, sa Imperial Palace Suites, sa Timog Ave., Quezon City.



NON-ISSUE WITH MARIAN. Kailan lang ay nagkaroon ng isyu ang pagpu-post ni Carla sa Instagram ng larawan ng kanyang lola na si Delia Razon, kung saan nilagyan niya ito ng caption na para sa kanya ay ito “ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.”

Agad itong naikonekta ng ilan kay Marian Rivera dahil ang titulo ng bagong teleserye ng Kapuso Primetime Queen ay Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

Umani na ng batikos si Carla mula sa ilang followers ni Marian dahil sa Instagram post na ito.

Saad niya tungkol dito, “Yun nga, e. Hindi ko naman sinabing para sa akin, ang lola ko ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw.

“Buti kung sinabi kong ‘sa mundong ibabaw,’ yun talaga, patatamaan kay Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon lang na a few words that I said, tugma dun sa title ng show.”

Ano ang reaksiyon niya sa pambabatikos sa kanya ng ilang bashers?

“Ganoon talaga, in show business, whatever you say, whatever you do, people will put a different meaning to it.

“Kahit hindi yun ang intensiyon mo, hindi yun ang nasa isip mo, nasa ibang tao na ‘yan kung ano ang gusto nilang gawing meaning sa bagay na yun.

“Like I’ve said sa interview ko sa Startalk, hindi naman si Carla nabubuhay araw-araw na may gusto siyang patamaan o meron siyang bad intention o nananadya siya, hindi naman ganoon.

“Nagkataon na noong araw na yun, nakasama ko ang lola ko, may ipinakita siya sa aking mga pictures niya, although lagi ko namang nakikita mga pictures niya.

“’Tapos, nagkukuwento-kuwento siya ng mga movies niya before, parang gandang-ganda ako sa kanya. Nakatitig ako sa mukha niya.

“Nag-post ako ng picture niya, piniktyuran ko ang picture niya.

“Parang it’s a case of bad timing.

"At the same time, nasa public na ‘yan kung ano ang gusto nilang meaning na ibigay dun.”

Si Delia Razon ay itinuturing na isa sa top actresses ng LVN Pictures noong ‘50s.

Nagulat ba si Carla nang may natanggap siyang negatibong komento sa Instagram post niyang iyon?

“Hindi na, hindi na ako shocked.

“Kasi, ever since naman, kahit anong gawin mo, sabihin mo, every little thing you do, people will always put meaning to it or different meaning to it.”



“HUWAG NIYO KAMING PAG-AWAYIN.” Kumusta naman sila ni Marian?

Sagot ni Carla, “Okay kami, last kaming nagkita noong wake ni Mang Gerry [Regine Velasquez’s father].

“At saka, sabi ko nga, huwag niyo kaming pag-awayin, hindi naman kami nag-aaway.”

Kung pagsamahin sila sa isang soap opera ni Marian at siya ang kontrabida, okay ba sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, I never tried to be a kontrabida before… puwede, try natin,” sagot ni Carla.

Payagan kaya siya ng manager niya na si Arnold Vegafria na gumanap na kontrabida?

“Siguro kung maganda naman ang material.”



MY HUSBAND’S LOVER. Ang huling teleserye ni Carla ay ang phenomenal hit na My Husband’s Lover.

May usap-usapan ngayon na magkakaroon daw ito ng Book Two.

Pero kung sakaling matuloy ito, hindi na raw kasama si Carla.

“E, wala na ako sa Part 2 nun. Pero sige, maganda yun, wala na lang ako.”

Nararamdaman niya bang mahirap tapatan ang naging tagumpay ng My Husband’s Lover?

Sagot ni Carla, “Oo naman, mahirap yun.

“Kasi kung hindi mahirap yun, e, di lagi nating ginagawa, ‘di ba, na palaging ganoon kalaki, ganoon kaganda.

“So, mahirap yun na masundan ng equal, if not something similar din.

“Pero as long as mabigyan ako ng good material, I will do my best naman all the time.

“Kung anumang story ‘yan or role ‘yan, gagawin ko ang best ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN