Kris Aquino still mending a "semi-broken heart"

"If you don’t give yourself a chance, how will you ever get a chance? I’m giving myself a chance, sige," says Kris Aquino about entertaining new suitor.


“I still have a semi-broken heart.”

Ganito inilarawan ni Kris Aquino ang estado ng kanyang lovelife ngayon nang biruin tungkol sa pagkakaroon ng bagong kasintahan.

Sa episode ng morning show niyang Kris TV noong Lunes, February 17, nabanggit ng TV host-actress ang birthday blues na naranasan niya kamakailan dahil sa natanggap na rejection mula sa isang manliligaw.

Guests niya sa naturang episode ang Kapamilya stars na sina Erich Gonzales at Pokwang.

Habang nasa road trip sila patungong Bataan, naikuwento ni Pokwang ang tungkol sa pagpapatigil niya sa dating manliligaw.

Kabaligtaran naman daw nito ang naranasan ni Kris.

“It hurts,” panimula ng Kapamilya host.

“Kasi ako yung nasabihan ng ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’

“That’s life. Kung puwede ko lang talaga ma-rewind o ma-edit kung ano yung nangyari.”

Dagdag pa ni Kris, “Ikina-shock ko talaga yun. Let it go.

"Sabi ko, ‘Ouch, how harsh!’"

Gayunman, nakangiting sinabi ni Kris na mabuti na ang nangyari dahil, “At least, ’di ba, walang lokohan?”

Sabi naman ni Pokwang sa kanya, “Pero nakaka-smile ka pa. Kung ako ‘yan, ‘di ko na kaya ‘yan.”

Sa kabila ng nangyari, agad naman daw itong natanggap ni Kris.

Patunay pa niya, “Kaya ko na mag-smile talaga, kasi parang kagabi, sabi ko [sa sarili ko], ‘You’re only allowed to be sad for one day.

“‘Pag nag-mature ka na, mari-realize mo talaga.

“Kagabi, pinray ko, ’Don’t let me be bitter, God.’

“Kung ano man ang nangyari, siguro talagang okay na.”



ANOTHER SUITOR. Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, sinabi ni Erich kay Kris na maaaring may darating pa siyang ibang manliligaw.

Sabi naman ni Kris, “Matagal na akong niyayang mag-dinner.”

Akala ni Erich ay parehong lalaki pa rin ang tinutukoy ni Kris, ngunit paglilinaw ng Queen of All Media, “Iba naman ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kagabi, February 17, sa kanyang Instagram account, tila nagpahiwatig muli si Kris tungkol bago niyang manliligaw.

Sa caption ng larawan, inilagay ni Kris: “Because I truly appreciate your effort... 😊 Good Night.”

Kahit “semi-heartbroken,” tila bubuksan pa rin ni Kris ang kanyang puso sa bagong manliligaw.

Sabi kasi niya sa Kris TV noong Lunes, “Sabi ko, sige na nga, fault ko rin naman.

“’Di ba, kasi nga, if you don’t give yourself a chance, how will you ever get a chance?

“I’m giving myself a chance, sige.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN