PEP EXCLUSIVE. TV5 employees union threatens work stoppage if final mediation fails

Humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong opisyales ng ABC Employees Union (ABCEU) ng TV5 na sina (L-R) Josel Bautista (Secretary), Eduard Mulleno (PRO), at Jonathan Lintag (VP-Internal Affairs) upang ipaliwanag ang mga kaganapan sa patuloy pa ring pag-uusap ng kanilang unyon at sa management ng Kapatid network.

Ikinalulungkot naman ng Chairman ng istasyon na si Manny V. Pangilinan (kanan) ang hindi pa rin maresolbang usapin sa collective bargai


“Sad, we should continue talking.”

Ito ang maiksing tugon ni Manny V. Pangilinan, chairman ng TV5, nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nakaambang strike ng mga empleyado ng Kapatid network.

Sa pamamagitan ng Twitter, ipinaabot ng PEP kay MVP ang naturang katanungan kagabi, February 17, sa isinagawa nitong Twitter conference (twittercon), mula 7 p.m. hanggang 8 p.m.

Matatandaang matagal nang naghain ng petition to strike ang mga namumuno at miyembro ng ABC Employees Union (ABCEU) dahil sa diumano’y hindi pa rin napagbigyang hiling ng union sa management na nakapaloob sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA).

Read: TV5 employees threaten general strike after talks end in deadlock



FEBRUARY 19, 2014. Bukas, February 19, ang nakatakdang huling pag-uusap ng union at management ng TV5.

Crucial daw ang naturang pagpupulong dahil kung hindi pa rin magkasundo ang dalawang partido, maaari nang ituloy ng employees union ang kanilang strike.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng simultaneous na botohan ang mga miyembro ng unyon, na umaabot sa lagpas 600 sa buong Pilipinas.

Overwhelming daw ang “yes” votes na nagpapatibay na anumang sandali ay maaari na silang magsitigil-trabaho.

Sa eksklusibong panayam ng PEP sa tatlong opisyal ng ABCEU ngayong hapon, February 18, sa isang foodchain malapit sa TV5 Broadcast Complex sa Reliance, Mandaluyong, sinabi ng mga ito na kung magkakaayos bukas, maaaring hindi matuloy ang nakaambang strike nila.

Kabilang sa nakapanayam ng PEP mula sa ABCEU sina Josel Bautista (Secretary), Eduard Mulleno (PRO), at Jonathan Lintag (VP-Internal Affairs).

Ayon kay Lintag, “Sana, we’re appealing to the management na with all… for humanity’s sake, we know that they have a good heart, at alam nila kung ano yung sitwasyon ngayon.

"Sana marinig nila yung hinaing ng mga miyembro. Yun lang yung [hiling] namin."

WAGE INCREASE. Isa raw sa mga hindi pa napagkasunduan sa kanilang pag-uusap ang tungkol sa wage increase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna na nilang hiniling ang P9,000 increase ngunit dahil hindi ito napagbigyan ay bumaba raw ito nang bumaba.

Ayon pa kay Lintag, “Bumaba na nga kami up to P4,000 na wage increase, e. So, sumagad na kami ng hanggang P4,000.

“Kasi kawawa rin yung mga tao na siyempre, na-relocate yung karamihan sa amin dito sa Reliance [from Novaliches Studio].

"E, most of them, nakakuha na ng bahay sa Novaliches.

"So, yung transportation alone, approximately, gumagastos ang isang empleyado ng around P2,800 every month.

“So, sabi namin, magkaroon naman ng adjustment.

"Iba rin yung way of living dito, iba rin yung…

"’Di ba, hindi ka naman basta-basta makakain kung saan-saan lang dito? Hindi katulad sa Nova, may mga turo-turo lang dun.

"So, malaking adjustment para sa mga empleyado."

Sana raw pagbigyan na sila sa kanilang hiling.

Pahayag ni Lintag, “Sana i-allow na nila yun.

"In the first place, gumagastos tayo sa mga equipment, gumagastos tayo sa building, gumagastos tayo sa mga artista.

"Wala namang problema dun, hindi naman against ang unyon dun.

"Ang sa amin lang sana, they could also invest dun sa mga tao na… are working hard...”

Diin pa niya, “Hindi naman kami humihingi nang sobra-sobra. Enough for us to make an adjustment doon sa changing of times.

“Tumaas lahat—bigas, kuryente, gasoline—so humahabol lang kami, just to live decently.”



LUGI ANG KUMPANYA. Ang naging paliwanag ng management kaya hanggang ngayon ay hindi pa aprubado ang wage increase request nila ay “lugi” pa raw ang kumpanya.

Ito rin ang dahilan kung bakit noong May 2013 ay nag-alok ang management ng istasyon ng early retirement sa kanilang mga empleyado upang makabawas sa pagkalugi ng kumpanya.

Read: TV5 offers early retirement to all its employees to lessen losses

Pero tanong ng employees union: Kung lugi, bakit patuloy na bumibili ng mga bagong equipment ang istasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Lintag, “You continue to hire talents na alam naman natin na malalaki talaga ang mga talent fee.

"And, of course, meron tayong mga ina-acquire na mga programs, ’di ba?

“And again, we would like to reiterate na hindi naman kami against dun. It’s for the improvement of the company.

"Pero sana isabay kami, yung mga manggagawa.

"Kami kasi yung wear and tear, e, bilang manggagawa.”

Ang isa sa mga bagong programa ng TV5 na mapapanood sa Abril ay ang local franchise ng Pretty Little Liars, na nabili ng kumpanya mula sa Warner Borthers (WB).

Read: Warner Bros reveals TV5 is the first station in the world allowed to remake Pretty Little Liars



WILL THE STRIKE PUSH THROUGH? Kung sakaling hindi magkaayos bukas, February 19, ano ang mangyayari? Tuloy na ba ang strike?

Sagot ni Lintag, “Well, hindi pa kasi namin alam ang mangyayari bukas, e.

"Kami, in good faith pa rin kami bilang mga officers ng union na maayos ang lahat.

“Of course, we don’t want to drag TV5 as a brand, ’di ba? We don’t want to drag it down.

"Diyan kami nagwo-work, e, mahal namin ang TV5.

“Mahal namin yung mga trabaho namin.

"But also, we have to balance it, mahal namin ang pamilya namin. We have to provide for them.

“So, sana maging balanse din yung pagtingin nila dun sa nangyayari ngayon.”

Ano ang masasabi nila sa scenario na kung matuloy ang work stoppage ay maraming empleyado na kasama sa unyon ang mawawalan ng trabaho?

Tugon ni Lintag, “Sa amin kasi, lahat kami dumadaan kami sa proseso, legally. So, wala kaming technicalities.

"In fact, we are advising our members na, ’Pag dumating tayo sa punto na yun, maayos niyong iwanan lahat ang inyong mga iiwanan.

“’Magte-turnover kayo nang maayos kung talagang dumating tayo sa punto na yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang sa amin, we want this to be settled peacefully na both parties e lalabas sa sitwasyon na ito na masaya.”

TV5 OPERATIONS AFFECTED? Sa tingin ba nila ay mapaparalisa ang operasyon ng istasyon kapag natuloy ang strike?

Tugon ni Lintag, “Yes, yes.

“Sobra, kasi overwhelming yung strike votes natin.

"And lahat sila, nagpo-post sa Facebook account ng unyon in support of the strike.

"Actually, kami na nga lang officers ang nagku-cool down sa kanila. Kami na lang.

“Sila na yung nagsasabi na, ‘O, sige, kung gusto nila kaming tanggalin, basta maipaglalaban namin yung karapatan namin, ilalaban namin.’

“Siyempre, kaming mga officers, tinitingnan namin na may wisdom din sa pagdedesisyon.

“So, kami, hanggang bukas, open kami [for negotiation].”

Ayon pa sa kanilang pag-aaral, mahihirapan ang istasyon na mag-operate kung tumigil sa pagtatrabaho ang lagpas 600 union members.

Kabilang daw sa maaaring maparalisa ay ang TV5 stations and relay stations hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa.

Sa huli, umaasa ang mga opisyales ng ABCEU na magkaroon ng magandang resulta ang pag-uusap nila bukas.

Ayon pa kay Lintag, “Kung tutuusin, kung kukumpyutin mo naman yung hinihingi namin, baka isang artista lang nila, hindi pa kami aabot dun sa ibinigay nilang talent fee.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN