Denise Laurel traumatized by bashers who mistake her for Deniece Cornejo

"I want the people to know that behind the joke, kung sino yung dyinu-joke nila—Denise Joaquin, Denise Laurel man o Deniece Cornejo man ’yan—sa likod ng mga jokes na ’yan, may totoong taong nasaktan. It can be funny, but behind the funny, something not good happened. And I want the people to learn from that experience," pahayag ni Denise Laurel tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Vhong Navarro a


Nadadawit ang pangalan ng aktres na si Denise Laurel sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktor na si Vhong Navarro at ng modelong si Deniece Cornejo.

Ito ay dahil napagkakamalan si Denise bilang si Deniece dahil sa magkatunog ang kanilang mga pangalan.

Kuwento ni Denise, “Noong first, ayaw ko sanang makisawsaw, kasi it’s very delicate—the situation and the case.

“I know people are making jokes about it.

"Pero yung pinanggalingan nung mga jokes na yun e totoong nangyari sa isang tao na hindi kanais-nais.

"And I care a lot for Kuya Vhong, bilang Ang TV pa lang, magkasama na kami."

Dagdag niya, “Nung first na narinig ko ’yon about it, na-trauma ako nang slight.

"Kasi people were tweeting me, cursing me, making me mura, ’Mamatay ka na sana! Ikaw pala ang may kasalanan na lahat!’"

Ibig sabihin, napagkamalan siya?

Pagkumpirma ni Denise, “Opo.

"Pero I’m so thankful to Vice [Ganda] dahil sa mga jokes niya, naliwanagan ang lahat ng tao na, you know, hindi ako yung Deniece na yun.

"Magkaparehas man kami ng tunog ng pangalan, mali ang spelling, magkaiba ng personality, magkaiba na tao.

"And at the same time, behind the joke, I want people to remember that a serious thing happened here."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng media si Denise sa presscon ng pelikulang Third Eye, na ginanap noong Lunes, February 17, sa Imperial Palace Suites.

MISTAKEN IDENTITY. Ayon kay Denise, humupa na nang kaunti ang mga nanunumpa at nagmumura sa kanya sa social media.

“Ngayon, wala na masyado.

"Pero of course, yung ibang mga tao that aren’t in the social media, that they don’t get to watch TV a lot, I’m sure may .5 percent pa rin na napagkakamalan ako.

“I just pray na lang na beyond all that na pinagkakamalan ako, na nagdyu-joke ang mga tao, na maging maayos si Kuya Vhong at maging safe ang family niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon ba sa isang pampublikong lugar na tinawag siyang "Deniece Cornejo" o biniro siya tungkol sa isyu?

Sagot ni Denise, “Ano, siyempre pag dumadaan ako, ’O, si Deniece! Anong ginawa mo kay Vhong?’"

Biro naman ng ilang press kay Denise, hindi ba siya magpapalit ng pangalan para makaiwas sa mistaken-identity syndrome na ito?

Sagot ng Kapamilya actress, “No, I’d like to think that after seventeen years I’ve been in the industry, I’ve already created my own way of Denise.

"And hopefully, hindi siya masira ng isang Deniece na hindi kanais-nais na pangyayari.

“I would like to think of it as a light-positive thing.

"But behind all that, a cautionary tale rin sa mga taong lalabas nang late at night, na to be careful.

"And for other artists also to be very careful with the people that they deal with.

“I pray for Kuya Vhong and for his family. Yun talaga ang pinaka nanaig sa lahat ng iniisip ko, na sana maging okey siya.”

Napipikon ba si Denise kapag harap-harapan ay binibiro siya tungkol sa nangyari kay Vhong?

“Hindi naman, I’ll take things very lightly.

"Hindi naman ako pikon na tao. Very laid-back at chill naman ako.

"Palatawa rin, okey lang.

“Pero I want the people to know that behind the joke, kung sino yung dyinu-joke nila—Denise Joaquin, Denise Laurel man o Deniece Cornejo man ’yan—sa likod ng mga jokes na ’yan, may totoong taong nasaktan.

“It can be funny, but behind the funny, something not good happened.

"And I want the people to learn from that experience.

“Sana nga sa 17 years, hindi mahalo yung pangalan ko sa mga nangyayari.

"And I don’t get involved or makisawsaw sa mga nangyayari sa kanila.

"And I just wish them well."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN