Denise Laurel prefers long engagement with fiancé Sol Mercado

Denise Laurel on fiancé Sol Mercado: "I know him well enough. We’ve been friends for a very long time. Confident na confident ako. Hindi kasi ako insecure na tao na selosa. Hindi rin siya seloso. You know, we know what we want and we’re very disciplined."


Bagamat engaged na si Denise Laurel sa PBA player na si Sol Mercado, nilinaw ng aktres na hindi pa sila magpapakasal ngayong taon.

Paliwanag ni Denise, “It’s a long engagement since I’m focusing a lot on my career and he’s very supportive of my career.

“I’m enjoying being engaged. So, baka 2016, 2017 pa.”

Okey lang bang maghintay si Sol, na player ng koponang Global Port sa PBA?

Tugon ni Denise, “Like I said, sobrang supportive niya, supportive ako sa kanya.

"My family is very supportive to us.

“Well, kung kami talaga, e, di kami talaga.

"Pero right now, we’re enjoying each other’s company.

"We’re enjoying being engaged and he loves my son so much.

“Pero he’s very supportive of my career, because ang importante sa kanya ay ang happiness ko.”

Si Denise ay may isang three-year-old son mula sa dati niyang karelasyon na Italian-American.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Denise sa presscon ng horror film ng Regal na Third Eye, sa penthouse ng Imperial Palace Suite,s noong Lunes, February 17.

NOT WORRIED. Dahil matatagalan pa bago sila ikasal, posibleng magkaroon ng problema sa kanilang relasyon at posible rin silang maghiwalay.

Ngunit pagkontra agad ni Denise, “I don’t think so.

"I think, back in the days, our engagements were not really rushed.

"I think that real love, hindi ’yan minamadali, ini-enjoy, ninanamnam.

"At ’yan ang ginagawa namin.”

May stress na ba sa pagpaplano ng kasal nila?

“I think it’s too early to plan. ’Coz I think it just happened a few months ago,” pagtukoy ng 26-year-old actress sa marriage proposal ng boyfriend niya.

Dagdag ni Denise, “So, sa pareho naming busy schedule, it would be impossible to plan now.

"Like I said, yung importante sa kanya yung happiness ko, happiness niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And he knows how much I love what I do.

"And I can’t juggle yung pagiging mommy, pagiging fiancée, pagiging actress, and then work on the wedding right now.

“And since malayo pa naman siya [wedding], mga two or three years pa, I think there’s a lot of time.”

Last September 30, 2013, mismong kaarawan ni Denise, nag-propose si Sol sa kanya.

“So, fresh na fresh, it’s so early, we just wanna enjoy.

"Parang like I said, every day is Valentine’s Day.

"Parati niyang kasama yung anak ko.

"Kahit nasa taping ako, nilalaro niya, inilalabas niya.

"Dini-date niya yung mommy ko. Mas close pa sila ng mommy ko kaysa sa akin.

"E, ang mommy ko, best friend ko."

THE FATHER OF HER CHILD. Ano naman ang usapan nila ng ama ng kanyang anak?

Sagot ni Denise, “Uhm, wala. I mean, he’s welcome in our family.

"There’s no bad blood between the two of us.

"And anytime he wants to see his son and anytime he wants to send something, anytime...

“For me, like I said, hindi ako pikon na tao, hindi ako...

"I love life, I love sharing life, I love sharing love.

“For me, kung anuman ang gusto niyang maging contribution sa buhay ng anak ko, of course we would welcome that with open arms.”

Hanggang ngayon ba ay wala pang ibinibigay na financial support ang ama ng kanyang anak?

Paglilinaw ni Denise, “A, no. Whenever he sends, we thank him.

"And every month, nagsi-send ako ng pictures.

"Pina-follow niya ako sa Instagram kaya nakikita niya rin yung video ng anak namin.

“It’s hard because he’s travelling so much. Hindi siya nakakapunta nang right away.

"But I understand him very, very much.”

Hindi ba niya gustong pumunta kung nasaan ang ama ng kanyang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Denise. “I don’t really like travelling. I mean, here, he knows where we are.

"So, if he has free time to come here...

"I don’t think I’d like to travel with my son, so small pa.

“I mean, malaki siya na bata, pero baby pa ’yan e.

"So, I don’t wanna travel yet."

MARRIAGE PROPOSAL. Tumanggi namang sagutin si Denise ang tanungin kung ano ang mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang marriage proposal ni Sol.

Aniya, “I think that’s very private na. I don’t wanna put that out there.

"I think that’s something for me to know and for me to enjoy.

"But I appreciate your question."

Ano ang mga katangiang nakita niya kay Sol?

Sagot ni Denise, “A lot of things.

"I think it’s a very personal thing about him, but he is a blessing from God, to me and my son."

ENGAGEMENT RING. Kapansin-pansin naman ang diamond engagement ring na suot-suot ni Dennis sa presscon.

Ipinagmamalaki ng aktres na si Sol ang pumili nito at sinorpresa siya.

Ang naturang singsing, base sa deskripsyon ni Denise, ay radiant cut, 2-karat diamond, highest clarity.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “In fairness sa kanya... kasi I don’t own any real jewelry.

"Ako yung tipo ng taong wala akong kahit anong jewelry. Hindi ako bumibili ng kahit na anong totoo.

“Eto lang talaga ang totoong piece of jewelry sa buong buhay ko.

"Parang medyo nahihiya... hindi naman sa nahihiya, natatakot akong baka mawala ko. Baka anong mangyari.

“Kasi malaking responsibilidad ito, pinag-ipunan niya ito, binili niya ito.

"Totoo siya... eto ang unang totoong ring na meron ako.

“Pag naiisip ko siya, medyo slight na nai-stress ako.”

Dagdag niya, “Natakot talaga ako.

"’Tapos iniiwan ko siya sa bahay, sa mommy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ng friends ko, ’Bakit hindi mo laging sinusuot?’

"Kasi nga, natatakot na baka mawala ko siya."

Nagtanung-tanong ba si Sol bago nito binili yung singsing?

Ayon kay Denise, “He’s very thoughtful, he knows me very well.

"Nung nakita niya yung ring, nakita niya na bagay sa akin.

"Kasi simple lang ako, hindi flashy, hindi bongga.

“I mean, my features look like I’m the typical girl na sosyal. He knows I’m real cowboy down at heart, and I’m a real simple and clean.”

SELF-MADE. Nasabi ni Denise sa sang interview na tinuruan silang magkakapatid ng kanilang mga magulang na pagtrabahuhan ang anumang nais nila para sa kanilang sarili.

Dagdag niyam “Opo, ever since na grade school pa lang ako, the moment I started Ang TV... actually, even nung bata pa kami.

"Siyempre, may allowance kami. Kung may gusto ka na hindi general need at hindi kailangan sa school or kailangan sa buhay, kailangang pag-ipunan yun.

“Yun ang one thing na grateful ako na natutunan ko sa parents ko.

"Kasi yung dad ko, self-made din yun, simple lang yun, naka-rubber shoes, cargo pants, cartoon T-shirts.

"Sobrang bagets niyang manamit, simple cars, simpleng buhay, pero sobrang saya namin."

BASKETBALL PLAYERS. Lapitin ba siya talaga ng basketball players?

Sagot ni Denise, “Hindi naman, coincidental lang naman.

"My fiancé and I are friends for a very long time.

"Sa big barkada namin, may dalawang basketball players, may dalawang hosts, may dalawang managers... parang iba-iba kami ng field, may designer.

"It’s really just a coincidence."

Wala bang pag-aalala na masira ang relationship nila dahil lapitin din ng tukso ang mga basketball player?

“No, I know him well enough. We’ve been friends for a very long time.

"Confident na confident ako.

"Hindi kasi ako insecure na tao na selosa. Hindi rin siya seloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, we know what we want and we’re very disciplined."

Isang taon at kalahati na raw ang kanilang relasyon ni Sol. Sa panahong ito, nagkaroon na ba sila ng matinding away dahil sa selos?

"No," sagot ni Denise.

"Even with my son, he welcomes my son.

"Like I always said, I feel like God made my son to be his son... I’m so glad."

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabi na baka naghahanap lang siya ng father figure para sa kanyang anak?

Sabi ni Denise, “Sino’ng nagsabi niyan? I haven’t heard that before.

"But if that what they were saying, naghahanap lang ako ng father figure.

"As a mother, ang pangarap mo sa anak mo, magkaroon ng buong pamilya, ng buong pagmamahal mula sa ama at isang ina, grandparents, both sets, mga tito, tita, ninong at ninang.

"Siyempre, pangarap mo sa anak mo magkaroon ng ama.

“And I think it’s a bonus that a guy I fell in love with would be a great father.

"So, blessed talaga ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN