Palace says letter of Michael Christian Martinez’s mom to PNoy may have been tagged as spam

Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., posibleng naka-tag bilang spam ang sulat ng ina ng Pinoy figure skater na si Michael Christian Martinez kaya hindi ito natanggap ng Malacañang.


Iginiit ng Malacañang na wala silang natatanggap na email o sulat mula kay Maria Teresa Martinez, ang ina ng Filipino figure skater na si Michael Christian Martinez.

Si Michael ay lumahok sa figure skating event sa ginaganap na Sochi Winter Olympics sa Russia.

Pumuwesto siya sa No. 19 out of 30 athletes na naglaban-laban para sa iba’t ibang events para sa figure skating.

Si Michael ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nakalahok sa Winter Olympics.

Sa ulat ng Philippine Star, sinabi ni Mrs. Martinez na nagpadala siya ng email sa Office of the President at Philippines News Agency upang humingi ng direksiyon kung paano niya ipapaalam kay Pangulong Noynoy Aquino ang tungkol sa pagku-qualify ni Michael sa 2014 Winter Games, at ang matinding pangangailangan para sa tulong pinansiyal mula sa gobyerno.

Sinabi rin ni Mrs. Martinez na wala siyang duda na kung natanggap ng Pangulo ang kanyang email, "He would certainly push for government compensation for the boy’s participation in the Sochi Olympics."

Ngunit sa isinagawang press briefing sa Malacañang kahapon, February 18, sinabi ni Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., "Pina-verify ko sa ating staff na in-charge doon sa website.

"At ayon sa ulat, hindi natanggap iyong email message na iyon.

"Hindi natanggap doon sa email."

Sabi pa ni Coloma, isa marahil sa mga dahilan kung bakit hindi nakarating sa kanila ang email ay dahil naka-tag ito bilang spam o junk email.

"Lahat naman ng natatanggap [na sulat] ay inaaksyunan, [pero] pag napunta sa spam, by protocol, hindi na ginagalaw ng staff dahil may implications iyon doon sa security ng buong website," paliwanag niya.

Pero iginiit ni Coloma na kahit hindi man sila nakatanggap ng email mula sa ina ni Michael ay susuportahan pa rin ng gobyerno ang Pinoy figure skater.

"Kaisa naman ang ating pamahalaan sa pagbibigay sa kanya ng suporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There’s a groundswell of support, which as we have previously stated, we hope will generate enough momentum for him to qualify for the next Olympics.

“Bata pa naman siya, mahusay siya at meron siyang malaking potensiyal na maging Olympic medalist," dagdag pa ng opisyal ng Malacañang.

Ang susunod na Winter Olympics ay sa 2018.

FINANCIAL SUPPORT FROM THE GOVERNMENT. Samantala sa eksklusibong ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 11, itinanggi ni Philippine Sports Commission Chairman Ricardo R. Garcia na wala silang suportang pinansiyal na ibinigay kay Michael Christian sa paglahok nito sa Sochi Olympics.

Ayon sa PSC Chairman, sa request na rin ng Philippine Olympic Committee ay naglabas ang ahensiya ng $7,200 o P314,013.60 na financial assistance para sa 17-anyos na figure skater.

“So that shows na hindi totoo yung wala kaming ibinigay,” ani Garcia.

Read: PEP EXCLUSIVE. PSC denies not giving financial aid to Filipino figure skater Michael Christian Martinez

Sa pareho ring PEP report ay sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, via text message, na walang natatanggap ang Malacañang Records na sulat mula kay Mrs. Martinez.

Inamin naman ng ina ni Michael sa Philippine Star na nakatanggap sila ng tulong pinansiyal mula sa PSC at sa pribadong sektor, ngunit natanggap nila ito pagkatapos mailathala noong Enero na hindi pa sila nakakatanggap ng tulong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN