Angelica Panganiban and Anne Curtis miss each other’s company

Hindi nakalimutan ni Angelica Panganiban na batiin ang kanyang "kambal" na si Anne Curtis sa birthday ng huli noong February 17, Lunes, via Instagram. Sumagot naman si Anne at nagpasalamat kay Angelica.


Nananatiling magkaibigan sina Angelica Panganiban at Anne Curtis.

Ito ay sa kabila ng pagkakasangkot sa malaking kontrobersiya ni Anne at nng boyfriend ni Angelica na si John Lloyd Cruz noong nakaraang taon.

Noong madaling-araw ng November 23, 2013 ay naganap ang pananampal ni Anne kay John Lloyd at iba pa sa Privé Luxury Bar sa The Fort, Taguig City.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Bagamat inamin ni Anne na may ganoon ngang insidenteng nangyari, nanatili namang tahimik sa John Lloyd at hindi kailanman nagsalita tungkol dito.

Maging si Angelica, na malapit na kaibigan ni Anne, ay tikom ang bibig sa tuwing matatanong ng media tungkol sa insidenteng ito.



KAMBAL. Ngunit isang Instagram post ang tila nagpatunay na hindi nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Angelica at Anne sa kabila ng nangyari.

Noong Lunes, Ferbuary 17, ay nagdiwang ng kanyang ika-29 kaarawan si Anne.

Isa sa mga bumati sa Dyesebel star ay si Angelica sa pamamagitan ng Instagram account ntong @iamangelicap.

Nag-post si Angelica ng "throwback" picture nila ng It’s Showtime host, kasama ang sumusunod na caption: "Happy birthday kambal!!!"

"Kambal" ang tawagan nina Angelica at Anne sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Angelica: "I miss being your neighbor super throwback na talaga ang picture na ’to..

"Sana mahalin mo pa din ako paglabas nito sa social media naalala kong super sunog tayo sa araw niyan..

"Hindi mo naman kasi sinabi sakin na bago mag tanning lotion, kailangan pala mag sunblock.. miss you kambal!! Happy birhtday!!"

Sa thread naman ng response, nagpasalamat si Anne gamit ang kanyang Instagram account na @annecurtis.

Sagot ni Anne: "Awwww thank you kambal!!!! miss these moments!!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN