Senator Bong Revilla takes graft charges on the chin: "Don’t take it seriously. Mamamatay ka kapag sineryoso mo ang bawat ibinabato sa iyo."

Senator Bong Revilla is leaving the conclusion of the challenges he is facing now to Divine Providence: "Yung mga pagsubok na pinagdaanan namin [ni Senator Jinggoy Estrada], hindi ko akalain na pareho pa kaming papasok sa ganito na hindi namin inaasahan... ang importante ay manaig ang katotohanan. Ipaubaya natin ang lahat sa Panginoon."


Pabirong tinawag ni Senator Jinggoy Estrada si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na "kakosa" sa selebrasyon ng 51st birthday ng una noong Lunes, February 17, sa tanggapan nito sa Senado.

Ngumiti lang naman si Bong sa makahulugang biro ng celebrator.

Ang salitang "kakosa" ay tawag ng mga preso sa kapwa preso.

Nadadawit ngayon ang magkaibigang Bong at Jinggoy sa Priority Development Fund (PDAF) controversy o mas kilala bilang pork barrel scam.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang TV media si Bong noong araw ding yun, natatawa siyang nagbigay ng reaksiyon sa biro ni Jinggoy.

"Alam mo, sa mga panahong ganito, don’t take it seriously.

"Mamamatay ka kapag sineryoso mo ang bawat ibinabato sa iyo. Baka atakihin ka na sa puso.

"So, just take it lightly katulad ng ginagawa niya [Jinggoy].

"Pero ayoko namang maging kakosa siya, ayokong makulong kami!

"Siguro ang pinakamaganda diyan e ang magdasal.

"At sana yung mga nag-aakusa sa amin ay parang magising naman sila."

Para nga lang daw itong isang eksena sa kanilang action movies, kung saan ang mga bida ay nananatiling bida hanggang sa pagtatapos ng pelikula.

"Parang sa pelikula na binubugbog ka muna, ’tapos sa huli ka gaganti," pabirong buwelta ni Bong.

"Hindi natin iniisip yun, basta ang importante ay manaig ang katotohanan.

"Ipaubaya natin ang lahat sa Panginoon."



RUBY TUASON. Naitanong din kay Bong ang tungkol sa testimonya ni Ruby Tuason sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.

Ang testimony ni Tuason ay nagdiin kay Senator Jinggoy sa maanomalyang paggamit ng PDAF o pork barrel.

Si Tuason ay dating social secretary ng ama ni Jinggoy na si Manila Mayor Joseph Estrada noong panahon na nanunungkulan ito bilang Presidente ng bansa.

Ano ang masasabi ni Bong tungkol dito?

Maikli niyang tugon, "Ipaubaya na lang natin sa kanila ’yan. I don’t wanna give any comment tungkol diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito ay hinayaan muna namin siyang bumati ng maligayang kaarawan sa kanyang kaibigan.

"Biglang walang masabi, ano?" natatawang pahayag niya.

"Basta ang masasabi ko lang, maraming pagsubok ang dumarating.

"Ang lahat ng pagsubok na ’yan ay kaya natin.

"For Jinggoy, happy, happy birthday!

"Marami pa rin ang nagmamahal sa iyo at isa na ako doon.

"At yung mga pagsubok na pinagdaanan namin, hindi ko akalain na pareho pa kaming papasok sa ganito na hindi namin inaasahan.

"Pero gayunpaman e mananaig pa rin ang katotohanan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN