Senator Bong Revilla wants to take family on a religious pilgrimage with permission from DOJ, Ombudsman

Senator Bong Revilla’s promise to his family that he would take them on a religious pilgrimage is an iffy proposition because of the pork barrel controversy. It is up to the authorities to believe his assurances that he will come back to face the charges levelled against him.


Kung walang magiging aberya, nakatakdang umalis sa susunod na buwan si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., kasama ang kanyang asawa na si Representative Lani Mercado at ilang miyembro ng kanilang pamilya, papuntang Holy Land.

Matagal na raw pangarap ni Bong na mapuntahan ang Jerusalem at ilan pang bahagi ng Israel.

Kinumpirma ito ng actor-politician sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV media sa selebrasyon ng 51st birthday ng matalik niyang kaibigan na si Senator Jinggoy Estrada noong February 17, Lunes, sa Senado.

Pahayag ni Bong, "I was invited by a pastor doon sa Holy Land, pero pinag-iisipan ko pa rin.

"Baka isipin na naman ng ibang tao na baka tumakas tayo dito.

"Wala namang dahilan para tumakas.

"Ang gusto ko lang sana ay makarating doon sa Holy Land kasama ang pamilya ko for five or six days.

"Kasi yun ang pangako ko, e.

"September pa lang [last year], sinabi ko na kung papalarin tayo, gusto ko sana pumunta ng Holy Land.

"It’s just a wish."



TRAVEL PERMIT. Hiling ni Bong na sana ay mapagbigyan siya ng Department of Justice (DOJ) at ng Ombudsman na makapagbiyahe dahil ito naman daw ay isang religious pilgrimage.

Sabi ng 46-year-old actor-politician, "Konsensiya na lang nila yun, ’di ba?

"Basta ako, gusto kong makarating sa Holy Land.

"Pero kung hindi nila tayo papayagan, it’s okay.

"We can pray here naman, pero kung papayag sila, salamat naman."

Kung matuloy siya, ano naman ang kanyang panalangin para sa sarili niya, mga kaibigan, at kapamilya?

Maikling tugon ni Bong, "Malampasan natin ang mga pagsubok."

Babalik naman daw siya, kung mabibigyan ng pagkakataong makalabas ng bansa, para harapin pa rin ang kaso sa kanya.

"Of course!" mabilis niyang sabi na halos mapasigaw.

"Wala tayong planong tumakbo at wala akong ikinakatakot sa mga problemang ito."

Wala pa naman daw iniisyu ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi siya puwedeng makaalis ng bansa o kinansela na ang kanyang Philippine passport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang hiniling ng DOJ sa DFA na ikansela ang lahat ng passports ng 37 respondents sa pork barrel scam, kabilang na si Senator Revilla. Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito naipatutupad ng DFA.

Sabi ni Bong, "Wala pa naman.

"Lalapit sana tayo sa DOJ at sa Ombudsman kung papayagan tayo.

"Pero kung hindi naman, no problem."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN