Joyce Ching clams up after a scolding from Paraiso Ko’y Ikaw co-star G Tongi

Joyce Ching believes it’s important for the newbies like her to make the first move to introduce themselves to the veterans in showbiz who may not know they are colleagues in the industry.


Aminado ang Kapuso star na si Joyce Ching na parang nahihiya na siyang bumati sa aktres na si G Tongi mula nang mapagsabihan siya nito sa set ng pinagsasamahan nilang afternoon drama series sa GMA, ang Paraiso Ko’y Ikaw?.

Sa kuwento ni Joyce sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binati niya ang 35-year-old actress sa dressing room ng "Hi, Tita G!"

Sinagot naman daw siya nito ng: "What Tita? Nobody calls me, Tita. You can call me ’G’ or ’Ms. G.’"

Natatawang sabi pa ng 19-year-old actress, "Minsan kasi, merong beteranong aktor na gusto nila ay parang ’Tito’ o ’Tita’ para close kayo at paggalang na rin sa kanla.

"Yung iba naman, gusto ’Kuya’ o ’Ate’ kapag medyo bagets pa, yun po.

"Nagpapa-makeup po kasi ako sa dressing room, ’tapos pumasok po siya.

"Tumayo po ako at sabi ko, ’Hi Tita, ako po si Joyce Ching.’ ’Tapos sinabi na niya yun.

"Hindi ko naman kasi po alam na ayaw niya palang patawag na ’Tita.’"

Medyo nahiya raw si Joyce dahil maganda naman ang intensiyon niya sa kasamahang aktres.

Baka pabiro lang yung pagkakasabi ni G, na kilala sa showbiz na mabait pero diretso ngang magsalita?

Sabi ni Joyce, "Mukha kasing seryoso siya.

"Sa totoo lang po, hindi ko naman kasi siya kilala personally, kaya ’di ko alam kung seryoso siya o hindi.

"’Tapos nagkita nga ulit kami sa set, ’Ms. G’ na ang tawag ko sa kanya."

Dugtong pa niya, "Pero sa tingin ko ay wala naman yun sa kanya.

"Kasi noong magkita ulit kami, feeling ko ay hindi naman niya naaalala na ganun.

"Hindi naman po kasi big deal yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce sa isang fiesta show sa Caloocan City noong Linggo, February 16.



LESSON LEARNED. Isang magandang karanasan naman daw ito para sa katulad niyang baguhan sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," sambit ni Joyce.

"Kasi sa tingin ko nga, mas professional ang dating na ’Miss’ ang itawag sa kanila na medyo matagal na rin sa showbiz.

"Pero mabait naman po siya [G], natakot lang talaga ako.

"Siguro dahil hindi naman po talaga sila namin ka-age na sobrang kuwela at energetic pa.

"Parang sila, mas seryoso, medyo nakakailang din."

Para rin kay Joyce, mas tama lang na sila ang unang lumapit sa mga beteranang artista at magpakilala sa kanila.

"Minsan, meron talagang sobrang malaki ang artista na parang nanliliit talaga ako.

"Kasi sa tingin ko, ’Hala, ganito sila, ang taas nila!’ Nakakahiyang lapitan o batiin na para bang, ’Sino ba ako para lapitan siya?’

"Kaya lang, kailangan ko talagang magpakilala, kasi paano nila malalaman na artista pala ako, makakatrabaho pala nila ako.

"Imporante po talaga na kami ang unang gagawa ng paraan bilang respeto din sa kanila.

"Si Ms. Tongi, kahit magkasama kami sa set, wala pa naman kaming mga eksenang magkasama.

"Kaya nahihiya ako sa kanya na lumapit."



VETERAN ACTRESSES. Aminado si Joyce na ayaw niyang magpa-intimidate sa presence ng mga magagaling at beteranang aktres na kasama niya sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw halos linggu-linggo.

Saad niya, "As much as possible, ayaw ko po talagang ma-intimidate.

"Kasi kapag nangyari yun, maaapektuhan po ang acting ko.

"Baka hindi ako makakapag-focus kapag may eksena.

"Iniisip ko na lang ay yung character ko at kung sino ang kaeksena ko.

"Kailangan kasi kung ano ang character ko, yun ang dapat lumabas na papanoorin ng mga tao.

"So, kahit andun yung hiya, hindi po ako nagpapa-intimidate."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN