Rocco Nacino feels secure that Lovi Poe likes him: "So far, ipinapakita naman niya na interesado siya."

Rocco Nacino does not sell himself short when it comes to courting Lovi Poe. He crows confidently, “Kahit hindi ako matangkad, kahit hindi ako chinito o mestiso, nag-i-stand up naman ako kahit papaano. I have my own little ways.”


Kung si Rocco Nacino ang tatanungin, masarap maging girlfriend si Lovi Poe.

Ngunit nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News kamakailan, muli niyang nilinaw na hindi pa niya girlfriend ang dating co-star sa defunct GMA primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Nakangiting sabi ni Rocco, “We’re still sa phase na nanliligaw pa ako.

“Pinapangarap ko na sana umabot sa ganun.

“Pero gusto kong hintayin kapag ready na siya kaysa sa madaliin ko ang mga bagay-bagay.”

Nitong nakaraang Valentine’s Day, magkasama sina Rocco at Lovi para sa isang dinner date.

Kahit sandali lamang ang paglabas nila, sabi ng Kapuso actor, “Nag-enjoy ako.

“Noong nag-dinner kami ni Lovi, saglit lang. Kasi may Eat Bulaga! pa kami kinabukasan, so it was an early night for us.

“But we had a good time.”

Bukod sa isang dinner date, isang sorpresa rin ang inihanda ni Rocco para kay Lovi, na nag-celebrate din ng kanyang 25th birthday noong February 11.

Kuwento ni Rocco tungkol sa kanyang regalo, “I had her seat sa likod ng van taken out.

"Nagpalagay ako o nagpa-customize ako ng parang Lazy Boy couch na puwedeng gawing kama, ire-recline mo.

“‘Yon ang naisip kong gift na puwede sa kanya kasi palagi siya sa taping.

“Lalo na ngayon, mag-start na siya sa bagong soap niya.

“At least ngayon, mas makakapapahinga na siya sa kotse.”

Sa kabuuan, ayon kay Rocco, itinuturing niyang exciting ang nakaraang linggo.

“Valentine’s was wonderful para sa akin. I’ve never been this happy.”



NO INSECURITIES. Samantala, aminado si Rocco na marami ang maaaring mahumaling kay Lovi.

Pero hindi naman niya ito ikinababahala dahil alam niyang malapit na sila sa isa’t isa.

“I know na napakalakas ng dating ng babaeng ‘yon.

“I don’t mind if people come up to her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, alam ko na we’re that close na.

“So, I’m just being myself. I know that she likes me for being me.

“Kahit hindi ako matangkad, kahit hindi ako chinito o mestiso, nag-i-stand up naman ako kahit papaano.

“I have my own little ways.”

Hindi rin daw pumapasok sa isip ni Rocco ang pagseselos kung sakaling may lumapit kay Lovi na ibang lalaki.

Sabi niya, “Hindi ako seloso. Actually, mahaba ang pasensiya ko at very understanding talaga ako.”

Kumpiyansa rin daw si Rocco sa anumang ipinakikita niya kay Lovi bilang isang manliligaw.

“Kung ano ang ipinapakita ko sa inyo, ito na ako.

“Nasa kanya na ‘yon kung gusto niyang tanggapin ito lahat,” sabi niya.

Sa huli, sinabi ng Kapuso actor na masaya siya sa reaksiyon ni Lovi sa mga naipapakita niya bilang manliligaw.

“So far, ipinapakita naman niya na interesado siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN