Camille Prats willing to leave showbiz for love

More than wanting to make her relationship with VJ Yambao work for herself, Camille Prats says it is mostly for her son Nathan to whom her boyfriend has been a wonderful father figure.


Itinanggi ni Camille Prats na ang kapatid niyang si John Prats ang may kagagawan ng "Olivia, Will You Marry Me?" billboards sa Edsa bilang proposal sa girlfriend nitong si Isabel Oli.

Olivia Daytia ang tunay na pangalan ni Isabel.

Saad ni Camille, “Ang dami nilang nakuhang text at messages, even me.

"I was asked kung nagpo-propose nga si John kay Liv.

"Apparently, hindi ho si John ang nagpo-propose.

“Napi-pressure siya kasi.

"Even if he has plans, parang pakiramdam niya, napangunahan siya sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman.

"It just so happens that it has the same name as Liv.

"So, wala, hindi talaga sila yun.

"I don’t know what’s happening yet, but I know they have plans."

This year?

“Yes,” pagkumpirma ni Camille.

Napag-alaman naman ng PEP na ang "Olivia, Will You Marry Me?" billboards na kumalat sa Edsa nitong mga nakaraang araw ay promo strategy ng isang real-estate company.



GO SIGNAL FROM ANTHONY. Tungkol naman sa kanyang bagong relationship, hindi raw plinano ni Camille na magkita silang muli ng dating schoolmate at ngayon ay boyfriend niyang si John "VJ" Yambao.

Ayon sa actress-TV host, “Meeting VJ was not part of my plan.

"It just happened, kasi siguro naramdaman din ni God na ito na ang tamang panahon.

“Before I met VJ, humingi ako ng sign kay Anthony.

"Na siya yung pumili kung sinuman ang gusto niya or sa tingin niya na karapat-dapat na maging partner ko, ganun na rin para kay Nathan [her son].

“Ibinigay niya sa akin ang sign na yun.

"At noong ibinigay niya yung sign na yun, sobrang nawindang talaga ako na gusto kong tumambling!” natatawang kuwento ni Camille.

Ang sign na sinasabi ni Camille ay ang white butterfly na paikot-ikot daw sa kanya habang kausap niya sa telepono sa unang pagkakataon si VJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din ng PEP kay Camille kung gagawin ba niya ang ginawa ng beteranang aktres na si Boots Anson-Roa na pumunta sa puntod ng asawa para magpaalam sa muli nitong pagpapakasal.

Maagang nabiyuda si Camille nang pumanaw ang kanyang mister na si Anthony Linsangan noong 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer.

Ayon sa Kapuso actress-TV host, nakadalaw na siya sa puntod ng asawa kasama ang bagong boyfriend.

“Sabi ko, ’Anthony si VJ,’” medyo natawang sabi niya.

“Actually, I felt relieved more than anything.

"Napaka-surreal ng feeling na nasa iisang lugar sila.

"‘Eto siya ngayon, a person that I feel so much more, and there’s Anthony who will always be a part of my life.

“[Being] there in one place na ganoon ang senaryo, parang nakaka-overwhelm na hindi ko mapaliwanag.

“It’s also a sensitive aspect.”



LEAVING SHOWBIZ. Dahil sa Amerika nakatira at nagtatrabaho ang boyfriend ni Camille, tuwing bakasyon lang sila nagkikita.

“He’s an immigrant and he needs to get his citizenship.

"Yun ang priority namin ngayon and after that, we’ll see how it goes.”

Papayag ba siya kung sabihin sa kanya ni VJ na sa Amerika na sila manirahan?

“Why not?” sagot ni Camille.

Tumango rin siya sa tanong kung handa niyang iwan ang showbiz career niya para sa lalaking minamahal.

Paliwanag niya, “I’ve been doing this all my life.

“I am not complaining, I love it.

"I am very blessed and grateful na, up to this point, nagagawa ko pa rin ‘to.

"Hindi lahat ng artista, nabibiyayaan ng ganitong katagal sa industriya.”

Magtu-twenty-nine na si Camille ngayong taon, at 25 years na raw siyang nasa showbiz.

Pahayag pa niya, "If ever the time comes that he’ll ask me to settle down, I would give up whatever I have to start a family.

"It’s about time na I focus all my efforts and energy in starting a family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I WANT THIS GUY." Mahigit isang taon na sila ni VJ, at isang mabilis na “yes” ang tugon ni Camille sa tanong kung nakikita niya ang pagpapakasal muli.

“With VJ, the moment na naramdaman ko na nagwo-work ang relationship, yeah, I think I want this guy.

“Wala kasi kaming formal na naging kami, pero parang binibilang ko mula noong butterfly and the time I got to know him.

"At saka mula noong mag-umpisa kaming mag-usap, wala nang araw na hindi kami nag-usap.

“So, I think that counts also."

Ayon kay Camille, nakabakasyon si VJ ngayon dito sa Pilipinas.

Noong Valentine’s Day ay nag-lunch silang dalawa sa isang restaurant sa Rockwell dahil kaarawan din ng kapatid ni Camille na si John Prats noong araw na yun.

Aniya, “Nag-lunch kami kasi nga dinner was set with family.

"Ang ni-request ko lang sa kanya, ’You don’t have to buy me flowers kasi nga they’re expensive on Valentine’s day.’

"My favorite chocolates, Toblerone lang yun at saka Ferrero.

“Ayoko naman ng mga bonggang pasabog na hindi naman practical.

"Gusto ko lang naman na magkasama kami and we were able to spend it together, okay na.”



NO TO PRE-MARITAL BABY. Kung sakaling magkakaroon daw muli ng pangalawang anak si Camille, sisiguraduhin niya na hindi mauuna ang baby bago ang kasal.

Sabi niya, “Basta ngayon, gusto ko na kasal muna bago ang baby.

"Kasi yung dati, nauna si Nathan.

"Parang na-push na lang ang ibang plano because of Nathan.

"But at that time, wala pa talagang plano about getting married.

"Ngayon, gusto ko naman na ma-experience ko rin muna yung proposal, engagement, at saka ang kasal.

“Then, eventually, we decide about having a baby."

Kahit may bago na ngang boyfriend si Camille, wala naman daw naging problema ang bagay na ito sa in-laws niya o pamilya ng namayapang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, sa kanila, naiintindihan ko na mahirap mawalan ng anak, it’s something that you can never replace.

“Feeling ko naman, nirerespeto naman nila that I have moved on.

"But, it doesn’t necessarily mean naman na kinalimutan ko na rin si Anthony.

“He will always be a part of our life, lalo na because of Nathan.

"Pero siguro, God just has wonderful plans for me.

"Kaya siguro ganun din ang nangyari.”



VJ AND NATHAN. Maayos at magkasundo rin daw ang relasyon ng boyfriend niya at ang anak na si Nathan.

Ayon kay Camille, “Very good, very okay.

"Nakikita ko naman how comfortable Nathan is with him.

“Para sa akin, hindi naman kasi madali na makahanap ka ng isang tao na magugustuhan at mamahalin din ang anak mo.

“So, I would want to give that to Nathan na meron siyang tao na masasandalan niya at makikitaan niya ng pagiging isang ama, at nakikita ko yun kasi kay VJ.

"More than wanting to make it work for me, siyempre mahal ko yung tao, mas gusto ko siyang i-work out because of my son.

“I have more than enough reason to make this relationship work.”



THIRD EYE. Samantala, si Camille ang nananakot sa bagong horror movie ng Regal Films na Third Eye pero sa totoong buhay, matatakutin daw siya.

“Takot ako sa mga ganyan at hindi ako built sa mga ganyan. Hindi rin ako lapitin.”

Hindi raw naging madali para kay Camille na gampanan ang role niya sa Third Eye, na ipapalabas na sa February 26.

“Medyo nahirapan ako kasi ako ang masama, sobrang bad ako rito.

"Hindi ako pa-sweet dito, may bolo ako rito, pumapatay ako rito.

"Hindi ko kayang i-emote iyong mukha akong papatay."

Nagpapasalamat naman siya kay Direk Aloy Adlawan na inalalayan siya.

"He made it easy for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN