Nikki Gil admits dating non-showbiz guy

Nikki Gil never lost faith in love despite hurtful breakup with former boyfriend Billy Crawford. She says, “Love isn’t supposed to be like this. Hindi siya dapat masakit. Hindi ka dapat umiyak.


“It felt right.”

Ito ang paliwanag ni Nikki Gil kaya hinahayaan na niya ang sarili ngayong makipag-date, siyam na buwan matapos ang breakup nila ni Billy Crawford.

Sa episode ng Kris TV kaninang umaga, February 19, ibinisto ni Kris Aquino na minsan niyang nakita sa mall si Nikki na may ka-date na non-showbiz guy.

Hindi naman ito itinanggi ng Kapamilya actress-singer, na guest sa morning show ni Kris kasama ang komedyanteng si Pooh.

Tanong ni Kris kay Nikki: “How did you meet him?”

Sagot naman ni Nikki, “Surprisingly, we have a lot of common friends, and everyone assumed that kilala na namin ang isa’t isa, pero hindi talaga, Ateneo days pa lang.”

Nagustuhan daw ng 26-year-old TV host-actress ang pagpapakita ng intensiyon ng 29-year-old non-showbiz guy sa kabila ng pinagdaanan niya noong nakaraang taon.

Sabi ni Nikki, “I think that in itself, parang napi-filter na yung mga ide-date mo.

"Parang for them to come up to you, knowing where I came from, they must mean business.”

Nang humingi pa ng karagdagang description si Kris tungkol sa bagong idine-date ni Nikki, sabi ng huli: “He has work, an adult job. I mean, sobrang different from what we do.”



ON MEETING OTHER GUYS. Inamin ni Nikki na bago ito, nasubukan din niyang makipag-date. Subalit hindi raw para sa kanya ang dating game.

“Hindi ako yung type na susubok nang susubok, kasi alam ko kung ano yung gusto ko.

“Binigyan ko rin naman ang chance ko to meet [other guys]. Pero kasi hindi ko kaya.

“I don’t have to play the game. Hindi ko kaya.”

Dagdag na paliwanag pa niya, “Huwag lang ‘go and explore,’ kasi mahe-hurt ka rin in the process.

“Oo, makikipag-date ka, pero sana yung ide-date mo, pasok na sa gusto mo.”

Sa kanilang pag-uusap, tinanong ni Kris kung ano ang mga katangiang hinahanap ni Nikki sa isang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging matangkad, na “non-negotiable” para kay Nikki, gusto rin daw niya ng: “Godly, hindi lang yung masabi lang na nagsisimba.

“I want someone that actually has a deep relationship with God.

“At saka walang history of ano…”

Hindi tinapos ni Nikki ang pahayag, pero agad siyang sinundan ni Pooh, “…ng mga panloloko.”

Sumang-ayon naman si Nikki. “Oo. At siyempre, may endorsement ng friends.”

Sa ngayon, wala na raw nararamdamang galit si Nikki sa kanyang dating boyfriend na si Billy Crawford.

"I just don’t think of him," sabi niya.

Sa kabila ng hindi magandang pagtatapos ng halos limang taong relasyon nila ni Billy, hindi naman daw natakot si Nikki na magmahal muli.

Sabi niya, “You know what, surprisingly hindi [ako natakot], kasi alam kong it’s not like that all the time.

“Parang ito [relationship with Billy], nagkataon lang.

“Love isn’t supposed to be like this.

“Hindi siya dapat masakit. Hindi ka dapat umiyak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN