Sam Concepcion accepts that he is underrated; happy with the status of his career

In trekking his career in showbiz, Sam Concepcion leaves envy and insecurities by the wayside, reasoning, “Hindi ko alam if there’s room for that kung gusto mo talagang matuto... kung nandito ka talaga para sa experience at sa journey on your way [up] there.”


Aware daw si Sam Concepcion na nauungusan siya ng mga mas baguhang artista kahit na mas maaga siyang sumabak sa showbiz.

“May instant celebrity talaga,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng kanyang upcoming concert na No Limitations.

Ginanap ang presscon sa Gerry’s Grill, Eugenio Lopez Drive, Quezon City, kahapon, February 19.

Ibinigay ni Sam na halimbawa ang reality-based TV show na Pinoy Big Brother kung saan sumisikat ang mga housemate overnight.

"Ganun na talaga ang situation today. That’s what the people want."

Ibang usapan naman daw ang longevity.

Saad niya, “If you work hard and you really love what you do, where your heart and passion is, yun ang magbibigay sa ‘yo ng longevity.”

Halos walong taon na sa showbiz si Sam.

Una siyang nakilala nang matanghal na grand winner sa Big Division ng Little Big Star sa ABS-CBN noong 2006.

Si Sam ay 14-anyos noon, at kasabayan niya sa nasabing singing competition si Charice na second runner-up lamang.



UNDERRATED PERFORMER. Sa nasabing presscon, binanggit ng director ng No Limitations na si Paulo Valenciano, anak ni Gary Valenciano, na isa si Sam sa underrated artists ngayon.

Ikinatuwa ito ni Sam.

Sabi niya, “I’d rather be underrated than overrated.

“I’d rather be known to be a good [but less popular] artist than known to be not good [enough].

“Mas gusto ko na hindi alam ng nakararaming tao na magaling ako kaysa alam ng lahat na hindi ako magaling.

“I take underrated over overrated.”

Masaya rin si Sam sa estado ng kanyang career.

“As far as I’m concerned, I’ve done my homework, I’ve done my part.

“I’ve done my work.

“As far as I’m concerned, I’m happy where I’m going.

“Dun ako nae-excite ngayon… kung ano yung gusto kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Palagay ba niya ay mas disadvantage ang pagsisimula nang maaga sa showbiz?

Sagot ni Sam, “[When] you start early, yun ang na-stuck sa image, na bata ka. Kasi bata ka nagsimula."

Pero sabi rin niya, mas may advantage kapag nagsimula nang maaga ang isang artista.

“I think pag nagsimula ka ng early, you’ll be wiser, kasi you have more experience.

"Sana gano’n.”

COMPARISON WITH ENRIQUE. Unti-unti na namang nabubuhay ang pagkukumpara sa kanila ni Enrique Gil, na makakatrabaho niya sa upcoming ABS-CBN teleseryeng Mirabella.

Sila ang magiging leading men dito ni Julia Barretto.

Nagkasama na noon sina Sam at Enrique sa weekly TV series sa Kapamilya Network na Good Vibes (2011) at sa pelikulang Way Back Home (2011) na pinagbidahan din nina Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

“Hindi naman maiwasan ‘yon kahit dati pa naman,” sabi ni Sam tungkol sa paghahambing sa kanila ni Enrique.

“’Di na namin maiiwasan talaga when it comes to TV shows.

“It’s all part of it.”

Nakita naman daw niya na pinagpaguran talaga ni Enrique ang mainit nitong career ngayon.

Ayaw rin ni Sam na kainggitan ang kasikatan ng ibang artista.

“Kasi yung inggit, siyempre yun talaga ang sasabihin ng mga tao.

“Hindi ko alam if there’s room for that kung gusto mo talagang matuto.

"Kung nandito ka talaga para sa experience at sa journey on your way [up] there, parang wala akong hang-ups about that.”

ON JASMINE. Gaya sa kanyang mga nakaraang interview, hindi direktang kinukumpirma ni Sam na sila na ni Jasmine Curtis Smith.

Hindi rin naman itinatanggi ng dalawa na madalas silang makitang magkasama.

Nang kamustahin ng PEP ang kanyang relasyon sa ama at mga kapatid ni Jasmine, sagot ni Sam, “I would like to think that it’s good.

“Her dad is very nice, he’s always very welcoming, and it’s the same with her sisters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang No Limitations concert ni Sam ay gaganapin sa Music Museum sa March 15, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN