Bianca King secure about long-distance relationship with non-showbiz boyfriend: "Pareho kaming hindi cheaters."

Bianca King on long-distance relationship: “Ang long-distance relationship, hindi naman siya masama, e. Kailangan lang pagkatiwalaan niyo ang isa’t isa. Pareho kaming hindi cheaters. Ang mga mahilig makipaglaro sa apoy, ang temptations, iyan ang delikado sa long-distance relationship. Pero kami, we fully trust each other."


Aalis daw sa March 2 ang aktres na si Bianca King papuntang Amerika para i-celebrate ang kanyang birthday doon.

She is turning 28 on March 18.

“This year, travel naman, para maiba naman ang birthday ko,” sabi ni Bianca nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kimono Ken restaurant kamakailan.

Kaya nga kailangan daw tapusin ni Bianca ang taping ng pinagbibidahan niyang Thursday primetime psycho-drama series ng TV5, ang Obsession, bago siya umalis papuntang U.S.

Para kay Bianca, maagang regalo sa kanyang birthday ang positibong feedback at magandang ratings na nakukuha ng kanilang programa.

“Very good feedbacks. At saka ako rin mismo, I look forward to watching every episode.

"Pag nanonood ako, nakatutok talaga ako, kasi entertaining talaga siya, e, ang ganda ng story talaga.

"’Tapos yun, sa social media, ang ganda ng feedbacks. Magaling yung cast, yung nagsulat ng script, yung nagdirek, ganun.

"Mga nag-e-enjoy naman sila."

Ano pa ang birthday wish?

“Tuluy-tuloy na projects.”

And longlasting lovelife?

Sagot ni Bianca, “A… dadating naman iyan sa tamang panahon. Hindi pa naman ako papakasal.

"Huwag muna nating pag-usapan yung forever.

"Puwede namang mag-boyfriend, pero hindi naman kailangang umikot yung buong mundo mo doon, ’di ba?

"Hindi naman ako ganun."

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Speaking of lovelife, excited si Bianca dahil bukod sa bakasyon ay magkakasama rin sila ng kanyang non-showbiz boyfriend sa birthday niya sa Amerika.

Nag-aaral kasi doon ang kanyang 22-year-old boyfriend at dahil magiging libre naman siya, kaya siya na lang ang pupunta roon.

Noong Christmas naman daw ay ang boyfriend niya ang pumunta rito sa Pilipinas.

Ayon kay Bianca, matagal na niyang kakilala ang boyfriend niya at ang pamilya nito.

Yun nga lang, nung una niya itong makilala ay 15 years old pa lang ito at siya naman ay 20.

Pero noong magkita raw ulit sila last year ay doon na umusbong ang pag-ibig sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng aktres, “Matagal ko na siyang kakilala at yung family niya, seven… mag-e-eight years na.

"Siyempre bata pa siya noon, pero friends na kami.

"And then last year, nag-hang out kami noong pumunta ako ng States. So, yun na.”

Kung si Bianca ay matagal nang kilala ang parents ng boyfriend niya, ang boyfriend naman daw niya ay hindi pa nami-meet nang personal ang parents niya.

“Hindi pa niya nami-meet ang parents ko, kasi nga nasa Canada sila.

"In time, no rush, ayokong i-rush.

"Pero nagkakilala na naman sila at nagkausap sa Skype at sa phone."

Bago ang non-showbiz boyfriend ni Bianca, naging karelasyon ng aktres ang aktor na si Dennis Trillo.

Mas okay ba na non-showbiz ang bagong boyfriend niya ngayon?

Sagot niya, “May pros and cons naman lahat.

"Wala naman yun kung artista ba o hindi ang tao, nasa ugali yun ng tao.

"And yung ugali niya, napakaganda, napaka-mature niya for his age."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Long distance mang matatawag ang relationship nila, ayon kay Bianca, hindi naman ito mahirap para sa kanila dahil may Skype at ibang means of communication pa naman sila.

At kapag may oras naman daw ay pumupunta sa Pilipinas ang boyfriend niya o siya naman ang pumupunta sa U.S.

Sabi pa ni Bianca, “Ang long-distance relationship, hindi naman siya masama, e. Kailangan lang pagkatiwalaan niyo ang isa’t isa.

"Pareho kaming hindi cheaters.

"Ang mga mahilig makipaglaro sa apoy, ang temptations, iyan ang delikado sa long-distance relationship.

"Pero kami, we fully trust each other."

Dahil din sa tiwalang ito kaya hindi kailanman nakialam ang boyfriend pagdating sa mga desisyon ni Bianca sa kanyang career.

Very supportive nga raw ito at happy sa pagiging bida ni Bianca sa Obsession.

“Proud siya na nabigyan ako ng ganito kalaking project,” ani Bianca.

Naikuwento niya ba sa kasintahan ang tungkol sa love scenes niya sa Obsession?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman namin pinag-uusapan yung ganun, e. Work is work,” sagot ni Bianca.

Paano niya ide-describe ang relationship nila?

“Fun and exciting.”

Masasabi niya bang the best ito sa mga naging relationships niya?

Maingat na sabi ni Bianca, “Ayoko namang mag-compare. Hindi naman magandang mag-compare.

"Basta ang importante sa akin, kung ano yung meron kami ngayon.

"And happy naman kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN