Vice Ganda not affected by upcoming wedding of Karylle to Yael Yuzon

“Open ako na maging maayos pa kami kasi hindi ko naman puwedeng dalhin ito nang matagal dahil magkatrabaho kami,” says Vice Ganda about current rift with It’s Showtime co-host Karylle.


Bagamat may hindi pagkakaunawaan, masaya pa rin daw si Vice Ganda para kay Karylle sa nalalapit nitong pagpapakasal.

Usap-usapan kasing apektado raw si Vice sa pag-anunsiyo ni Karylle tungkol sa pagpapakasal nito sa boyfriend na si Yael Yuzon.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

“Nakakaloka lang,” unang reaksiyon ni Vice tungkol dito.

Sa thanksgiving party na inihanda ng TV host-comedian kagabi, February 19, sinabi ni Vice na walang dahilan para maapektuhan siya sa pagpapakasal ng kanyang It’s Showtime co-host.

“Unang-una, ano naman ang epekto ng pagpapakasal nila sa akin?

“Hindi naman ako natapakan.

“Kumbaga, masaya sila, hindi naman sila naka-offend ng tao sa pagpapakasal nila.

“Deserve naman niyang maging masaya. I’m so happy for her.”

Naging mapagbiro ang entertainment press matapos ang pagpapaliwanag ni Vice, kaya tanong sa kanya: “A-attend ka ba sa kasal?”

Sagot niya, “Kapag inimbita ako, hindi ko alam kung pupunta ako dahil, unang-una, hindi ko alam kung kailan ang kasal.

“Pangalawa, depende siguro.

“Kung hindi pa ako masyadong okay sa emosyon ko, ayaw kong makipagplastikan doon.

“Pero I wish them well.”



VICE ON YAEL. Sa hiwalay na panayam, tinanong si Vice kung kilala niya nang personal si Yael, ang bokalista ng bandang Spongecola.

Sagot niya, “Alam mo, we’re super okay. We’re super cool.

"Sobrang okay kami ni Yael, I have known him personally.

"Matalino siyang tao, mabait siya, kaya nagulat ako sa statement."

Sa nauna niyang pahayag, sinabi ni Vice na isa sa mga dahilan ng tampuhan nila ay ang umano’y reaksiyon ni Yael tungkol sa pagiging loveteam nila ni Karylle.

Ikina-offend daw ni Vice ang kuwento ni Karylle sa direktor nila sa It’s Showtime na si Bobet Vidanes:

“Parang nahe-hurt siya [Yael] at hindi niya matanggap, na sa dinami-rami ng puwedeng i-pair up sa girlfriend niya, bakit bakla pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nang hingin ang reaksiyon tungkol kay Yael at sinabi nito, sagot ni Vice, “Hindi ko po talaga alam.

“Actually, lahat kaming magkakaibigan, hindi namin alam kung saan ito nanggaling.

“Ayaw kong maniwala kasi parang hindi naman kayang sabihin ni Yael ‘yon.

“Pero hindi ko rin naman puwedeng isipin na nagsisinungaling ang direktor ko, ’di ba?

“Kaya ang sabi ko, ‘Hindi na tayo, K, ang may isyu dito, kayo na ni Direk Bobet.’”

Dahil sa sinabi Yael, ayon kay Vice, siguradong mag-iiba na ang pakikitungo niya kay Karylle.

“Mahihirapan akong ibalik yung dati.

“Aminin na natin, hindi ganun kadali ‘yon.

“Paano ako makikipagharutan kay Karylle kung at the back of my mind, ‘Ayaw naman sa ’yo ni Yael. Ayaw nga niya nang ganun.’”



“HINDI AKO GALIT.” Sa kabila ng tampuhan, may mga ginagawa naman daw na paraan ang bawat isa upang maayos ito.

Sa parte ni Karylle, nag-sorry na siya kay Vice sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak at isang liham.

Si Vice naman ay unti-unti na ring kinakausap si Karylle.

Paglilinaw pa ni Vice, “Hindi ako galit sa kanya.

“Open ako na maging maayos pa kami, kasi hindi ko naman puwedeng dalhin ito nang matagal dahil magkatrabaho kami.

“At saka lahat naman ‘yan, lumilipas.

“Kung ako man ang nagkasala, sana maunawaan nila ako.”

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon nila, ayon kay Vice, “Tao lang kami, magkakatrabaho, magkakaibigan.

“Anytime masasaktan namin ang damdamin ng isa’t isa.

“Pero ang importante rito ay bukas ka para maging maayos ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN