(UPDATED) 7107 International Music Festival organizer: "Rappler writers still insist on creating lies..."

Binuweltahan ni Conchitina Herrera (in photo), executive producer ng 7107 International Music Festival, ang alegasyon ng isang news website, na nagsabing wala silang sapat na pondo para mabayaran ang lahat ng gastusin para sa kanilang upcoming event ngayong darating na weekend, February 22 to 23.


“Professional jealousy at its best.”

Ito ang simula ng Facebook post ni Conchitina Herrera, ang executive producer ng 7107 International Music Festival (7107 IMF), bilang sagot sa inilabas na report ng news site na Rappler.com na may titulong "Who’s funding 7107 Int’l Music Festival?" na lumabas noong February 19, Miyerkules.

Binanggit sa report na sinabi umano ng mga insiders sa events-organizing industry na pinondohan ni James Napoles, anak ng itinuturong mastermind ng P10-billion-pork-barrel scam na si Janet Lim-Napoles, ang music festival na aabot sa milyun-milyong piso ang halaga.

Ang festival ay tatampukan ng malalaking local and foreign bands na magaganap sa Global Gateway Logistics City, sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, ngayong weekend, February 22-23, 2014.

Ilan sa mga kilalang foreign acts na magtatanghal ay ang Red Hot Chili Peppers (RHCP), Empire of the Sun, Red Jumpsuit Apparatus, Kendrik Lamar, ang kilalang American DJ na si Kaskade, at marami pang iba.

Naniniwala raw ang mga insiders na kasosyo si James nina Tina Herrera, ang kapatid nitong si Gian “Jon” at isa pang organizer para i-mount ang nasabing event na aabot umano sa "P253.4 million" ang total expenses.

Binanggit pa sa report na batay sa financial documents na isinumite sa Securities and Exchange Commission, nakita na wala raw “financial capability” ang grupo nina Tina na pondohan ang ganoong kalaking event.

Itinanggi ni Tina ang mga alegasyon.

Narito ang karugtong na pahayag ni Tina sa kanyang Facebook account.

“Thanks for the 2nd negative feature Rappler.

“I was interviewed by a music blog 2 days ago and was asked ‘what’s something about you that nobody knows yet?’ I answered, ‘I am grateful….for both good and bad experiences. I never stop learning. And I never give up on something I really want…and love.’

“Though Rappler writers still insist on creating lies about us and 7107 because we are competing with their events industry friends... What’s important is that we keep our focus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“And experiences like this give you an opportunity to demonstrate your strength...and that is what I am really grateful for.”



THEY ARE COMING. Ilang sandali bago ipinost ni Tina ng nasabing mensahe, tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Instant Messaging kung totoo ang mga isyung ibinabato sa kanila at kung darating ba ang mga foreign artists.

Maraming fans kasi ang nabahala na baka hindi makarating ang kanilang mga inaabangang musicians, kasunod ng mga isyung kinasangkutan ng music fest.

“Those rumors are started by competing third parties...and there is no truth to those rumors,” sagot ni Tina.

Tiniyak din niya na dadalo ang RHCP sa event.

Sa katunayan, nasa Pilipinas na ang production at security teams ng sikat na rock band, ani Tina.

“RHCP’s entire production team and security team are already here in Manila.

“Some arrived as early as last weekend," paniniyak niya.

“Their gear also arrived last weekend as well.

“This was a miracle in itself considering the band’s gear was stuck in NYC [New York City] after their Super Bowl gigs due to weather."

Dagdag pa ng executive producer, “For security reasons I cannot reveal their whereabouts... but what I can tell you is that they are already on route to the Philippines... and are excited to meet and perform for their Filipino audience... and look forward to making history with us all.”


SPONSORS. Sa ginanap na press conference ng music fest sa Aracama, The Fort Strip, noong January 21, binanggit ni Tina na halos kumpleto na ang bayad sa mga magtatanghal na foreign artists, kaya walang dahilan para ’di sila dumating.

“Most of them are already paid in full, otherwise they won’t give us any materials to promote with,” ani Tina nang makapanayam siya ng PEP at iba pang miyembro ng entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinukoy rin ni Tina ang pondo sa event ay mula sa “multiple revenue sources.”

Paliwanag niya, “One is from corporate sponsors, like Smart, Guess group.

“We also have ticket sales, concessionaire sales. These avenues [are] enough to have a festival [that’s] successful.”

NO CONNECTION TO NAPOLES. Nilinaw rin noon ni Tina sa presscon na hindi nila kasosyo si James Napoles para sa funding ng concert.

“This event is not supported by the Napoleses as much as people would want to assume.

“That’s absolutely not true.

“There’s no connection here with any of the Napoleses at all.

Depensa pa ni Tina, “I’ve been in the event business for 17 years and I know how an event happens, which is why an event as this is happening.”

RAPPLER’S STATEMENT. Samantala, nagpadala ng maikling pahayag ang writer ng artikulo na si Natashya Gutierrez sa PEP kaninang umaga, February 21:

"Our story contains data and facts that the organizers have not disputed. It raises legitimate questions that the organizers have not answered —despite our efforts to get their side. Rather than resort to personal attacks, we ask them to address the questions raised in the article."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN