Kiko Estrada blames no one for being pulled out of Mirabella

Aminado ang young actor na si Kiko Estrada na nanghinayang siya sa pagkakatanggal niya sa cast ng Mirabella. Saad niya, “Kasi I invested my time, efforts, nag-workshop ako ng acting para magampanan ko nang maganda yung character na yun. Nakaka-hurt kasi masyado lang siguro ako nag-expect… Things really happen. May kasabihan nga na kapag hindi ka pa nagti-taping or hindi pa naipapalabas yung na-taping mo, may chance talaga na matanggal ka.&rd


Wala raw gustong sisihin ang young actor na si Kiko Estrada sa pagkakatanggal niya sa cast ng upcoming teleserye ng ABS-CBN na Mirabella.

Noong 2013 kasi ay naipakilala na sina Kiko at Diego Loyzaga na siyang magiging leading man sa launching drama series na ito ni Julia Barretto—anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, at pamangkin nina Gretchen at Claudine Barretto.

Ngunit nagulat ang marami nang ianunsiyo ng ABS-CBN na sina Enrique Gil at Sam Concepcion na ang magiging kapareha ni Julia.

Sabi naman ni Kiko tungkol dito, “I don’t want to blame anyone kung bakit ako natanggal sa Mirabella.

“May gusto na iba ang management and nasunod yung gusto ng management.

"And they said sorry to me.

“And they said it’s not my fault, that I didn’t do anything para mawala sa show. Management decision lang daw talaga.

“At first nga, akala ko ako ang may problema, kasi bigla-biglang nawala ako sa show.

“Pero they said no, they just need somebody daw na mas may hatak para kay Julia.

“And I guess I’m not enough so they replaced me with somebody na mas makakatulong daw kay Julia.”

Pagpapatuloy ni Kiko sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “So I asked them nicely if it’s because of my acting, but they didn’t say anything about my acting.

“According to them, they like my acting, kaya hindi yung acting ko yung problem.

“Kailangan lang daw talaga ng susuporta kay Julia, somebody na mas kilala na, like Enrique.

“So, hindi ako yun, kasi I’m just a newcomer in this business.”



HURT & DEPRESSION. Inamin ni Kiko na nasaktan siya noong una dahil sa nangyari.

“Kasi I invested my time, efforts, nag-workshop ako ng acting para magampanan ko nang maganda yung character na yun.

“Nakaka-hurt kasi masyado lang siguro ako nag-expect…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Things really happen. May kasabihan nga na kapag hindi ka pa nagti-taping or hindi pa naipapalabas yung na-taping mo, may chance talaga na matanggal ka.”

Paano niya tinanggap na hindi na siya kasama sa soap?

Ayon kay Kiko, “Mahirap, sobrang hirap nung una, kasi alam ko talaga, ako ang may problema.

“Kahit naman siguro sino ang matanggal sa show, madi-depress talaga.

“It’s been six months of depression.

“Nung una talaga, hindi ko matanggap na wala na, na tanggal na ako sa show.

“Feeling ko, I was in a dark place that time. Ang dami kong naiisip at that time.

"Wala, e… hindi ako si Kiko Estrada nung six months na yun."



MOVING ON. Paano naman siya nakapag-move on?

Sagot ni Kiko, “Nagdasal lang ako.

“Idinadasal ko kung ano ang dapat kong gawin, na i-guide Niya ako.

“Kinausap ko ang mga tito ko, binigyan nila ako ng advice.

“Sabi nila, ‘Hold on, hindi pa naman katapusan ng mundo.’

“Marami pa daw akong projects na magagawa, bata pa ako.

“Sabi nila, galingan ko pa, ‘Para makita nila na magaling kang artista.’

“And I really listen to them. Kaya after ko silang makausap, nag-iba yung isip ko.”

Pagpapatuloy niya, “Ganun talaga siguro ang buhay. Pero right now, naka-move on na naman ako.

“Looking forward for another project.

“Hopefully mabigyan ako ng isa pang magandang project na puwede kong sabihing akin na talaga!

“Alam ko namang may maganda pang puwedeng mangyari sa career ko this 2014, patience at tiyaga lang.”



DADDY GARY. Kinausap ba ni Kiko ang kanyang ama na si Gary Estrada tungkol sa nangyaring ito sa kanya?

Tugon niya, “Hindi, kasi ayoko na makita niya ako na depressed, na malungkot.

“Ayoko na makita niya ako na na down ako, ayoko makita niya yung part of me na malungkot ako.

“Gusto ko makita niya ako na happy at successful sa pinasok kong pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko makita ako ng daddy ko na kahit 21 years old pa lang ako, kaya kong i-handle ang pressure na dala ng pag-aartista, katulad niya nung nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Kaya nga I’’m not asking for their help.

“Gusto ko, kung anong marating ko dito sa showbiz, pinaghirapan ko yun at hindi dahil sa connections ng family ko na pare-parehong nasa showbiz.”

Bukod sa kanyang ama, ang side ng kanyang ina na si Cheska Diaz ay nasa showbiz din.

Si Cheska ay kapatid ng dating action star na si Joko Diaz at anak ng yumaong character actor na si Paquito Diaz.

Ano ang mga plano ni Kiko ngayon?

“Katulad ng sinabi ko, life must go on, dito pa rin ako sa showbiz.

“May mga projects akong gagawin, pero hindi ko pa puwedeng sabihin dahil baka maudlot na naman.

“Pag sure na, dun ko na lang sasabihin. Pero right now, secret muna.”

Sa kabila ng nangyari, umaasa pa rin daw si Kiko na maging maganda ang resulta ng Mirabella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN