Cory Quirino still waiting for Malacanang’s blessing to hold Miss World 2014 in the Philippines

Nakatakdang makipagpulong ang pageant director ng Miss World Philippines na si Cory Quirino kay Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. upang pag-usapan ang pagdaraos ng Miss World 2014 dito sa Pilipinas.


Marami ang natuwa at na-excite sa balitang dito sa Pilipinas gaganapin ang Miss World 2014.

Noong 2013 ay ginanap ito sa Bali, Indonesia, kung saan ang nanalo ay ang ating kandidata na si Megan Young.

Si Megan ang kauna-unahang Pinay na kinoronahang Miss World.

Kung sakaling matuloy ang pagdaraos ng Miss World sa Pilipinas, isa itong napakalaking event na dapat paghandaan.

Ngunit ayon kay Cory Quirino, pageant director ng Miss World Philippines, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila ng basbas ng Malacañang na dito sa Pilipinas gawin ang prestihiyosong international beauty pageant.

Saad niya, “Para sa lahat ito, sa lahat ng Filipino.

“Kaya minabuti ng Miss World na pumunta dito sa Pilipinas tatlong beses na—si Megan and Steve Douglas [of Miss World Organization].

“Hanggang ngayon, naghihintay pa rin kami para makapag-set ng appointment sa Palasyo.

“Next week, magpi-present kami kay Secretary of Tourism, Secretary [Ramon] Jimenez.

“Nag-present kami kay Undersecretary Jinggoy Jinero.

“Naghihintay pa kami hanggang ngayon, deadline po ay hanggang March 3.

“Pag hindi na-confirm lahat ay itutuloy na nila sa London yung pageant.

“It takes eight months to prepare for Miss World finals.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cory sa opening ng Zen Institute sa Sct. Rallos, Quezon City, noong Martes, February 18.

140 CANDIDATES. Ayon pa kay Cory, maraming private sectors ang interesadong tumulong para maging matagumpay ang Miss World kung matutuloy na maganap ito sa Pilipinas.

“May mga nagkakainteres, galing sa private sectors.

“Maraming mga malalaking companies sa private sectors ang interesadong tumulong, pero siyempre kailangan ng basbas ng Philippine government.

“We need the blessing—that’s the most important thing.”

Kung noong 2013 ay 126 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang tinalo ni Megan, ngayong 2014 ay 140 na bansa ang maglalaban-laban para sa korona ng Miss World.

Sabi ni Cory, “Ito ang magiging pinakamalaking pageant na gaganapin sa Pilipinas dahil ang Miss World ang pinakamalaking pageant sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Itong taon na ito, magiging 140 countries will be competing for this Miss World finals.

“Last year, when Megan Young won, we had 127 countries competing. In short, Megan bested 126 candidates.

“This year, hopefully, sana may back-to-back winner tayo.

"We will compete against 139 countries.

“Tingnan mo naman ang magiging positive effect sa atin nito.”

PROUD OF MEGAN. Bilang pageant director ng Miss World Philippines at isa sa humubog at nag-train kay Megan nang lumaban ito sa Miss World noong 2013, labis daw ipinagmamalaki ni Cory kung paano natalo ni Megan ang mga ibang kandidata.

“Siyempre sobrang nakakataba ng puso ‘yan.

“I’m very proud of Megan, kasi napakatindi ng competition sa Miss World. Hindi ordinary pageant na rumarampa ka lang diyan.

"May competition sa sports, athletics, mayroong Q and A—and matindi ang Q and A nila.

“’Tapos mayroon ding excellence in IT [Information Technology], you have to be very good in social media.

“At saka beauty with a purpose.

“Maraming categories sa pre-pageant qualifying round sa Miss World para umangat ka sa competition, para pumasok sa Top 10.

“In the case of Megan, talagang Top 10 na siya.

“Talagang mapalad ang Pilipinas dahil mayroon tayong Megan Young.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN