Ai-Ai delas Alas no comment on "friendship" with Kris Aquino

Pinabulaanan ni Ai-Ai delas Alas ang sinabi ni James Yap sa isang interview na mayroon nang bagong boyfriend ang Comedy Concert Queen, na kasama pa raw nitong nanoood ng huling laban ng San Mig Coffee at Ginebra San Migue sa semifinals ng PBA. Ngunit giit ni Ai-Ai, "Ano ba ’yan! Hindi ko boyfriend yun! Kaibigan ko lang yun at business partner, hindi ko siya boyfriend, saka may pamilya yun."


Pinabulaanan ni Ai-Ai delas Alas ang sinabi ni James Yap sa isang interview na boyfriend niya ang lalaking kasama ng comedienne na nanood sa huling laban ng San Mig Coffee at Ginebra San Miguel para sa PBA semifinals.

“Ano ba ’yan! Hindi ko boyfriend yun!” bulalas ng Comedy Concert Queen.

Paglilinaw pa niya, “Kaibigan ko lang yun at business partner, hindi ko siya boyfriend, saka may pamilya yun.

"Huwag nating bigyan ng kulay, nakakahiya naman dun sa family.

"Niloloko lang ni James.

"Noon-noon pa, nanonood talaga kami ni Jed ng basketball, noon pa.

"Kay James talaga kami humihingi ng ticket."

Si Jed Salang ang dating asawa ni Ai-Ai.

Nakakaintriga rin na makitang magkatabi si Ai-Ai at ang Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola na nanonood ng basketball game.

Kuwento ni Ai-Ai, “Nagkaroon pa ng kulay na… ewan ko kung bakit kasi katabi ko yung girlfriend niya.

"Hindi ko naman kontrolado kasi. Si James ang nagbibigay sa akin ng ticket.

"Kung saan niya ako ilagay, doon ako uupo, ’di ba? Katabi ko pala ang girlfriend niya.

"Yun ang first time na nakita ko si Mic [tawag niya sa girlfriend ni James]."

"MY FRIEND." Ayon kay Ai-Ai, "my friend" ang tawag niya kay James, na kaibigan daw niya noon pa.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kung si James na ang “friendship” nito at hindi ang ex-wife ng PBA player na si Kris Aquino?

“Nakakatawa naman ‘yan!

"Hindi ko siya ‘friendship.’ May kanya-kanyang tawagan ‘yan, e.

“Basta ang tawagan namin ni James, ‘my friend.’

“Alam naman natin lahat na si Kris, yun ang ‘friendship’ ko.

"Ang ’BFF’ [best friend forever] ko, si Sharon [Cuneta].

"Pag ‘my friend,’ si James yun!"

Sinundan namin ng tanong kung “friendship” pa rin ba ang turing niya kay Kris.

“A, no comment na lang ako,” iwas ni Ai-Ai pagkatapos mag-isip ng ilang sandali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN