Ai-Ai delas Alas: No to ex-hubby’s offer of friendship

Ai-Ai delas Alas is going on a blind date this Sunday, a sign that she is recovering from her recent heartbreak. Her wish: "Hindi showbiz, sana ibigay na siya sa akin ni Lord."


Noong Valentine’s Day, February 14, nakunan ng Startalk ang dating asawa ni Ai-Ai delas Alas na si Jed Salang na nanood ng Voices of Love concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez.

May kasamang dalawang babae si Jed. Iipinakilala niya itong mga pinsan niya.

Sa panayam, nagparating si Jed ng mensahe kay Ai-Ai na sana ay maging magkaibigan na silang dalawa.

Pahayag ng nakahiwalayang asawa ng comedienne, “Sana maging friends kami, may pinagsamahan din naman kami.

"Pero kung hindi pa siya ready, wala ‘kong magagawa.

"Pero sana mabigyan kami ng chance na maging friends kami.”



NOT YET. Ayon naman kay Ai-Ai, sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), November pa nagpaparating ng mensahe si Jed sa kanya.

"Gusto na niyang makipag-friends sa akin, e.

"Nagpabati siya sa birthday ko, kaya lang hindi pa talaga ako ready.

"Siguro pag ready na ako, ipapasabi ko na lang din sa kanya.”

Dagdag pa ni Ai-Ai, “I think bago yung friendship, siguro dapat humingi muna siya ng tawad sa akin.

"Pero kung hindi naman siya hihingi ng tawad, paano ko naman mai-offer yung friendship?”

May halong pagdududa ang pakli sa amin ni Ai-Ai sa kuwentong pinsan ang pagpapakilala ni Jed sa mga babaeng kasama niya noong Valentine’s Day.

Sabi niya, “Baka nga.

“Marami na ang nagsasabi sa akin nun na maliit na tsinita na maputi.

"Siguro mga third time ko na narinig na kasama niya.”

Hindi pa rin masabi ni Ai-Ai kung kailan niya mapapatawad si Jed.

Aniya, “Nasa acceptance pa lang ako, wala pa ako sa forgiveness... still trying to forgive.

“Siyempre magdadasal pa ako na patawarin ko ang taong nagkaroon ng ano sa buhay ko…

“Ayoko namang sabihing kasalanan, siguro may kasalanan din naman ako.

“Yung taong nakapagbigay ng sakit sa puso.

“Siguro pag mawala na yung pain, wala na yung sakit, mapapatawad ko na siya from the bottom of my heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BLIND DATE. Hindi rin masabi ni Ai-Ai kung handa na siyang pumasok sa panibagong relasyon o mag-entertain ng manliligaw.

Kung sakaling makilala na niya ang lalaking ito, mas gusto raw niyang tahimik na lang.

“Sobrang quiet, walang nakakaalam,” nakangiti niyang sabi.

“Kung puwede lang hindi showbiz, sana ibigay na siya sa akin ni Lord.

"Dapat na akong mag-move on, ’no!

“Siguro maging careful na ako, kilalanin ko siya.

“Huwag masyadong mabilis, ligawan muna na medyo matagal."

Sa katunayan, sa Linggo, February 23, ay may idi-date siya, pero hindi pa niya kilala kung sino ito.

Natatawa niyang pahayag, “Magdi-date pa lang ulit.

“Hindi ko pa nga alam, hindi ko pa nakikita, e.

"Excited ako kung sino siya, kung ano hitsura niya.

“Kasi, medyo naka-recover na ako.

"Maiksi lang naman ang buhay, maging masaya na lang.

"Sa Sunday pa lang, kung sino man siya, good luck."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN