Angel Locsin and Luis Manzano declare their love for each other on national television

Sa huling episode ng ABS-CBN game show na Minute To Win It, higit pa sa perang premyo ang napanalunan ni Angel Locsin, dahil nanumbalik muli ang pagmamahalan nila ng host ng show na si Luis Manzano.


Idineklara nina Luis Manzano at Angel Locsin ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa huling episode ng game show na Minute To Win It, kaninang umaga, February 21.

Si Angel ang contestant sa farewell episode ng morning game show na hinu-host ni Luis.

Nakaabot si Angel sa Level 5 at may guaranteed P75,000 prize money dahil nakumpleto niya ang mga naunang challenges.

Nang tanungin ni Luis kung gusto pa niyang magpatuloy sa Level 6, para sa premyong P100,000, nagbigay ng kundisyon ang aktres.

Ani Angel: “Sige, laro tayo. Pag nakuha ko ‘yan, tayo na.”

Sagot naman ni Luis: “On national TV, ganito… usapang matino.

“Malinaw po para sa mga abugadong nanonood, pa-notaryo niyo ito.

“Kapag nakuha niya [Angel] itong next level, sasagutin na niya ako.

“Pero kapag ’di niya nakuha, sasagutin ko siya.

"So, pag nagawa mo ang next challenge na ito, tayo na ulit."

Sa nasabing challenge, kailangang mapatumba ni Angel ang walong empty softdrink cans gamit ang nakataling yoyo sa kanyang likuran.

Nagawa ni Angel ang challenge sa loob ng 54 seconds.

Pagkagawa ng challenge ay nagyakapan ang dalawa at isang mariing halik ang iginawad ni Luis sa pisngi ni Angel.

Muling tinanong ni Luis si Angel kung sila na nga ba ulit, at kinumpirma naman ito ng aktres.

Sinabihan ni Luis si Angel ng “I love you” at ngumiti lang si Angel.

Inulit ni Luis ang sinabi at sumagot ang nahiyayang si Angel ng: “I love you, too.”

Nang tinanong ni Luis si Angel kung gusto pa ba niyang magpatuloy sa game, sinabi ng aktres na nakuha na niya ang premyo niya at hindi na siya nagpatuloy.

Bago ito, nauna nang kinumpirma ni Luis ang pagbabalikan nila ni Angel sa episode ng Buzz ng Bayan noong Linggo, February 16.

Read: Luis Manzano and Angel Locsin officially back together

Pre-taped naman ang episode ng Minute To Win It kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FINAL EPISODE. Hindi naman napigilan ni Luis ang maging emosyunal nang magpaalam siya sa mga manonood ng kanyang game show.

“Sa inyong lahat, thank you very much for being part of Minute To Win It.

“Maraming salamat sa inyo."

Sa puntong ito ay tinawag ni Luis ang staff ng game show para samahan siya sa entablado.

Sinabi ni Luis na maraming itinuro ang Minute To Win It sa kanya na nagtagal ng higit sa isang taon.

"Mahirap din po ito dahil araw-araw niyo kaming pinatuloy sa inyong mga bahay.

"Kaya po umabot ang Minute To Win It nang ganito katagal, hindi po dahil sa akin, not because of the challenges, not because of the contestants, but these very blessed people and talented people na nasa likod ng camera.

“Dahil sa inyo, more than a year ang Minute To Win It—dahil sa suportang ibinigay niyo sa aming lahat.

"This show has taught me so much. Isang panibagong chapter ito sa akin bilang isang game show host.”

Pinasalamatan din ni Luis ang kanyang staff.

“Thank you. Thank you, Lord, for this gift, my Minute To Win It family."

Pero tiniyak ni Luis na magbabalik silang muli para magpasaya ng mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN