DOJ panel junks omnibus motion of Deniece Cornejo, Cedric Lee; lawyer denies delaying tactics

Atty. Howard Calleja—legal counsel of Deniece Cornejo, Cedric Lee, and Bernice Lee—on the proceedings and composition of the DOJ panel: "Itong kasong ito, regular naman na kaso ito, e. Hindi naman of national importance. Pero hindi natin alam kung bakit nagkaroon ng panel, kung bakit nagkaroon ng three-man team."


Umalma ang legal counsel nina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, at Zimmer Raz na si Atty. Howard Calleja matapos ibasura ng three-member panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang omnibus motion ng kanilang kampo kaninang hapon, Biyernes, February 21.

Saad ng abugado, “Kung hindi kumpleto ang ebidensiya at marami kaming hinihingi pa, nakita niyo naman na hindi pinagbibigyan, baka hindi nadinig nang tama.

“Sabi ko nga, kung makikita niyo, ang hearing ay [February] 14 at 21.

"Malinaw na nung 14, nandun kami sa Taguig [Metropolitan Trial Court].

“Hindi naman kami gumawa ng kahit anong excuse.

"So, kung ide-default sa amin iyong sa 14, hindi naman tama yun.

“That’s why, remember, I was asking for documents and resolution, so I can do the proper remedies for my client.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media reporters si Atty. Calleja pagkatapos ng DOJ hearing kanina.

Una nilang hiniling na magkaroon ng kopya ng complete raw and unedited closed-circuit television (CCTV) footage, na kuha noong January 17, 22, at 23 mula sa Forbeswood Heights condominium.

Umapela rin si Atty. Calleja na bigyan sila ng DOJ ng karagdagang panahon upang makapagsumite sina Deniece, Cedric, at Bernice ng kanilang counter-affidavits kaugnay ng mga inihaing reklamo ni Vhong Navarro.

Humingi rin ang abugado ng extension para naman sa pagsumite ni Deniece ng affidavit reply, kaugnay ng inihain niyang rape complaint laban kay Vhong.

Ngunit ibinasura ng DOJ ang mosyon ng kampo nina Deniece at Cedric, dahil wala sa kamay ng NBI ang hinihingi nilang complete raw CCTV footage.

Ayon pa sa DOJ, naabisuhan ang legal counsel ng kanilang grupo na dumalo noong February 14 hearing, na ngayong February 21 ang deadline para sa pagsumite ng counter-affidavits nina Deniece, Cedric, at Bernice.

Hindi na rin pinahintulutan ng DOJ na magsumite ng affidavit reply si Deniece.

Ito ay dahil “submitted for resolution” na raw ang rape complaint na isinampa niya laban kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ABUSE OF DISCRETION OF AUTHORITY? Bunsod nito, kinuwestiyon ni Atty. Calleja ang “proceedings” at “composition” ng DOJ panel na kinabibilangan nina Assistant State Prosecutors Olivia Torrevillas, Hazel Valdez, at Marie Elvira Herrera.

“Itong kasong ito, regular naman na kaso ito, e. Hindi naman of national importance.

“Pero hindi natin alam kung bakit nagkaroon ng panel, kung bakit nagkaroon ng three-man team.

“As far as we are concerned, humihingi kami ng tinatawag na reply affidavit or rejoinder, depende sa mga mangyayari.

“Hindi na sila pumapayag na mag-submit ng anything. Kaya handa naman kami.

“Makita mo naman, kung meron silang abuse of discretion sa kanilang decision, we have the remedies naman to protect our clients.”

Kaya naman pagkatapos ng oral arguments na inilatag ni Atty. Calleja ay humarap pa rin sina Deniece, Cedric, Bernice, at Zimmer sa DOJ panel upang ihain at panumpaan ang kanilang mga isinumiteng counter-affidavit.

Ito ay kaugnay ng reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail na inihain ni Vhong laban sa kanilang grupo.

Ayon kay Atty. Calleja, nakasaad sa sworn affidavit ng kanyang mga kliyente na walang katotohanan ang mga paratang ni Vhong laban sa kanila.

“Ang amin lang, we just elucidated it on Supreme Court decisions that, number one, if there is any illegal detention, you have to prove intent of deprivation of liberty.

"There is no intent to deprive liberty here," giit ng abugado.

Tanong ng media kay Atty. Calleja: Bakit humihingi ng extension ang grupo nina Cedric at Deniece kung makakapagsumite rin pala sila ng counter-affidavits?

Sagot ng abugado, “Kasi nga, natatakot kami kung hindi pagbigyan, baka wala na kaming panahon. Kaya ready naman po kami.”

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Atty. Calleja ang espekulasyon na bahagi ng delaying tactics ng grupo nina Cedric at Deniece ang hinihingi nilang extension.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Kung dilatory tactic ‘yan, wala kaming affidavit today.

"Wala kaming dinelay, dahil we submitted our affidavits today.

“We are exhausting all remedies available to our clients at iyon ang ginagawa namin bilang abugado.”

Sa kabilang banda, hindi nakadalo sa pagdinig ng DOJ ang tatlo pang suspek sa pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22.

Ito ay sina JP Calma, Ferdinand Guerrero (alias "Mike"), at isa pang di nakikilalang lalaki.

Hindi ba ginagawan ng paraan nina Cedric at Deniece na hanapin ang tatlong nabanggit na kasama nila noong gabi ng insidente?

Sagot ni Atty. Calleja, "Nasa sa kanila na iyon. Makikita naman na hindi sila sama-sama dito.

"Yung mga conspiracy na iyan ay walang katotohanan."

Sa ngayon, hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon ang abugado na makausap sina JP at Mike.

Tumanggi rin ang kampo nina Cedric at Deniece na tukuyin ang isa pang kasamahan nilang hindi pa nakikilala ng NBI.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN