Antoinette Taus in town for a visit; looking forward to meet Marian Rivera

Antoinette Taus says she’s making progress pursuing a singing career in Hollywood. She has projects lined up, she’s been talking to talent handlers and producers, and she had a singing stint in a reality show of a major network.


May tatlong linggo nang narito sa Pilipinas ang dating teen actress-singer na si Antoinette Taus.

Nakilala nang husto si Antoinette sa youth-oriented series na T.G.I.S. at nagbida rin sa ilang mga pelikula ng Viva Films.

Si Antoinette din ang unang showbiz girlfriend ni Dingdong Dantes, bago pa naging kasintahan ng Kapuso Primetime King sina Karylle at Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph (Phillippine Entertainment Portal) si Antoinette sa isang magazine event noong Martes, February 18, sa 71 Gramercy, Makati City.

DINGDONG & MARIAN. Gusto ba niyang makita ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Dingdong?

Sagot ni Antoinette, “Oo naman, okey naman kami.

“We’ve been good friends ever since, noon pa na naka-meet pa lang niya si Marian [Rivera, Dingdong’s boyfriend].

“Parang he told me about her, na he met this girl nga raw.

“So, I’m happy na nagkatuluyan talaga sila and masaya pa rin sila ngayon, I heard.

“Hindi pa kami nagmi-meet ulit [ni Dingdong].

"I’m looking forward to seeing him.”

Hindi ba siya nanghinayang na nawala si Dingdong sa kanya?

Sagot ni Antoinette, “I think everything in life happens for a reason, wala namang bitterness.

“Okay kami, we’re friends.

"Masaya na siya. Masaya na rin ako.”

May boyfriend daw si Antoinette ngayon sa States—isang Pinoy na doon na lumaki pero very Filipino pa rin daw ang family values.

Sambit niya, “Ewan ko kung bakit, gusto ko pa rin ng Pinoy.”

Kahit kailan daw ay hindi pa sila nagkita ni Marian.

"But I’m looking forward to meeting her... sana pansinin niya ako!" sabay tawa ni Antoinette.

Habang kausap namin si Antoinette, napansin naming may hawig ito kay Marian sa ilang anggulo ng kanyang mukha.

Sumang-ayon naman dito si Antoinette.

Aniya, “Actually, ang daming nagsasabi, dati pa.

"Si Dong, nabanggit na ’yan dati pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m flattered, sobrang ganda kaya niya, dyusko!

"’Di ba, yung soap opera niya [Carmela], ’ang pinakamagandang babae’?

"So, kung kamukha ko siya, flattered ako, thank you.

"Nagagandahan ako sa kanya."

NEW OPPORTUNITIES. Ayon kay Antoinette, umuwi siya ng Pilipinas upang bisitahin ang kanyang ama na nag-retire last year.

"’Tapos nagkataon na TV5 contacted me.

"Gusto nilang gumawa ng homecoming feature with Tom [Taus, her brother] and me.

“Sabi ko, ’Okay, timing na timing na pauwi ako.’

"So, now, nandito ako, we’ll see, baka mapatagal nang konti.”

Baka rin daw bumalik sa showbiz si Antoinette.

“That’s possible, may mga nakakausap na rin kami.

"So, baka mapatagal,” sabi niya, na ang tinutukoy ay ang pananatili dito sa bansa.

Dagdag ni Antoinette. "I’m excited naman."

WHY SHE LEFT. Nagsimula si Antoinette sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV, mula 1992 hanggang 1996.

Nang lumipat siya sa GMA ay ginawa niya ang weekly afternoon series na Annakarenina, mula 1996 hanggang 2002.

Nakasama niya rito ang mga kapwa Viva artists noon na sina Sunshine Dizon at Kim delos Santos, na nakabase na rin sa Amerika ngayon.

Ang huling ginawa niyang proyekto para sa Kapuso network ay ang Kiss Mo Ako nong 1999, at sa pelikula naman ay ang Sana ay Ikaw Na Nga nong 2002.

Bakit nga ba niya iniwan ang kanyang showbiz career at nagdesisyon na manirahan na lang sa States?

Saad ni Antoinette, “Everything was really going well with my career here and I was thankful.

“I always got good projects and good offers.

“But when I went to the States to do an album, I got an offer, a good one from an agent.

"So, pagbalik ko sa Pilipinas, napag-isip-isip ko, ’Oh, my God, I got an opportunity to make it in the States and Hollywood! I might as well give it a shot.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “I’ve already made a lot of contacts.

“More of singing kasi ang focus ko doon, e.

"So, we’ll see what will happen over there and here.

"Pabalik-balik siguro ako."

At sa TV5 nga ay may mga pinag-uusapan, pero hindi pa sigurado kung ano ang mangyayari.

“Tingnan natin, kasi yung feature namin [ni Tom] is TV5 International homecoming, e, kaya tingnan natin kung ano ang mangyayari.”



MAKING HEADWAY. Kumusta naman ang singing career niya sa Amerika, nakapasok na na ba siya sa mainstream?

Sagot niya, “Yes, malapit na, baby steps talaga, e.

"In the States, it takes a lot of time.

"They actually say it takes at least ten years to put you at the doorstep [of fame].

"But when you’re in, tuluy-tuloy na.

“We have some projects lined up over there.

“I was actually a singer on NBC [Network], basically a reality show about acapella singers.

“Parang Pitch Perfect. You know that comedy film? It’s like that.

"The hardest thing I’ve ever done in my life, grabe, sobrang hirap!

“Sarah Bareilles was judging and I got to meet her, also Shawn Stockman of Boyz II Men and Ben Folds from Ben Folds Five.

"That was one of the most amazing experiences I’ve ever had.

“Actually, I met a lot of talent [managers] and producers there, the producers of Justin Bieber and Enrique Iglesias.

“Possibly, I will be working with these producers.

“Kasi right now, may mga kausap kaming technician.

"We’ll see... magdedesisyon pa lang ako.

“But hopefully, magtatagal talaga ako dito."

Sa posibilidad na magpabalik-balik siya sa Pinas at Amerika, aniya, “Sa ngayon, tingnan natin.”


Handa bang sumalang uli si Antoinette sa intriga?

Sagot niya, “Naku, ewan ko, tumatanda na ako!

"Hindi na ako nag-aalala doon, sanay na ako.

"Madali lang naman, ’di ba? Kung ano yung totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN