Cristine Reyes quashes rumored reconciliation with Rayver Cruz: “Hindi kami nagkabalikan.”

Cristine Reyes on the possibility of rekindling romance with Rayver Cruz: " ’Di ako nagsasarado ng pinto kasi siyempre 25 lang ako, bata rin si Rayver, magkasing-edad lang kami."


Tulad ni Rayver Cruz, agad na binigyang linaw din ni Cristine Reyes sa interview na walang balikang naganap sa kanila ng ex-boyfriend.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktres noong nakaraang Linggo, February 16, sa ASAP,kung saan semi-regular talent si Cristine.

Mabilis niyang tanggi, “Hindi kami nagkabalikan. Sa Dubai kasi after ng ASAP, nag-extend ako ng one whole day lang.

“Pina-move ko lang yung flight ko—from morning ginawa kong afternoon—para naman makapag-ikot-ikot sa Dubai, ’di naman kasi kami nakapag-ikot nung four days na yun, e.

“Si Rayver din, ganun ang ginawa niya. I don’t know kung yung flight na nakuha niya is late, since wala din naman siyang kasama dun.

“Yung iba kasi may mga partners, siyempre kaming dalawa na lang ang magkasama.

“Nag-mall kami dun, yun.”

Ayon sa aktres, maaaring nabigyan ng kulay nung nakita sila ng maraming tao sa Dubai na magkasama at nagsa-shopping sa mall doon.

“’Di ko alam, sanay naman kasi ang lahat ng tao na magkasama kami kahit na nag-break na kami, sanay naman sila na makita kaming together pa.

“Siguro yung ibang tao lang na ’di kami laging nasubaybayan, yun ang naku-confuse sila. Yung mga taong ’di nakakasubaybay sa amin,” pag-aanalisa niya sa sitwasyon.

OPEN TO RECONCILIATION? Ang sumunod na tanong namin kay Cristine kung bukas ba siya sa posibilidad na magkabalikan ng ex-boyfriend.

Aniya, hindi siya magsasalita nang patapos lalo pa’t mga bata pa silang dalawa ni Rayver.

“Kami uli? ’Di ako nagsasarado ng pinto kasi siyempre 25 lang ako, bata rin si Rayver, magkasing-edad lang kami.

“’Di namin alam ang tatakbuhin ng panahon, ’di natin alam kung ano ang tatakbuhin ng future namin pareho so might as well na hindi na ako magsalita rin. ’Di natin kasi alam kung ano ang mga mangyayari,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya ni Rayver, aminado rin si Cristine na espesyal pa rin para sa kanya ang ex-boyfriend. Hindi niya rin itinanggi na hindi nawala ang pagmamahal niya kay Rayver kahit matagal-tagal na ring natapos ang kanilang relasyon.

Deklara ni Cristine, “Oo naman, super special siya sa akin. Hindi lang friendship e more than friendship yung turing ko kay Ray. As in nandito pa rin siya talaga [sa puso]. Hindi nawawala, siyempre.”

Nang tanungin kung may ginagawa bang move si Rayver para magkabalikan sila ay nagpakatotoo namang inamin ng aktres na wala. Sa ngayon daw ay mas prayoridad nila ng aktor ang kani-kanilang showbiz career.

“Hindi naman, kasi right now, ang focus namin ay mga trabaho namin. Ang focus namin ay kung paano pa kami mag-i-improve kasi sayang yung mga opportunities,” sabi pa niya.

VALENTINE’S DAY WITH FAMILY, FRIENDS. Sino ang Valentino niya noong February 14?

Aniya, “Sinalubong namin ng mga kaibigan ko, ng mga kapatid ko. Usually naman ganun, like last year, single ako, and this year, single din ako.

“Kung sino ang mga kasama ko last year, sila rin ang kasama ko na nagsalubong this Valentine’s Day. Sa house lang kami ng sister ko.

HONESTO EXTENSION. Kasama sa ABS-CBN series na Honesto si Cristine, na kapareha ni Paulo Avelino. Masayang-masaya ang dalaga dahil bukod sa mataas na ratings nito, na-extend sila nang na-extend sa ere.

Masaya niyang pahayag, “Super happy kami. Actually, nakakalungkot nga nung nabalitaan namin na malapit na kaming matapos pero nag-e-extend nang nag-e-extend.

“So nakakatuwa, kasi siyempre dahil ibig sabihin nun, hinahabaan para makapanood pa ang mga tao. Maraming mga tao ang gusto pa ring mapanood ang Honesto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN