Jonalyn Viray denies rift with La Diva members Aicelle Santos and Maricris Garcia

Jonalyn Viray on alleged "friction" between the La Diva members: “Well, siguro po masasabi ko po na may time na hindi maiiwasan talaga, pero hindi po namin iniintindi, hindi po namin in-entertain. ”


“Actually, hindi po totoo yun,” ang umpisang paliwanag ni Jonalyn Viray tungkol sa isyung siya ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang grupo nilang La Diva, kunsaan kasama niya sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Kasama rin sa mga haka-haka na nag-decide daw ang manager ni Jonalyn na ihiwalay na siya sa grupo.

“Ang reason po talaga kung bakit po nag-decide po kami na mag-solo na po is because of personal reasons na rin po...

“Na ako po as as individual singer at artist, gusto ko na rin po mag-grow din.

“Kasi five years na rin naman po tumakbo yung grupo, so I think it’s time na ma-explore ko po ulit yung individuality ko po.

“Kasi bilang nag-start din naman po ako as a solo singer,” paliwanag ni Jonalyn.

NO GAP WITH AICELLE AND MARICRIS. Wala silang gap nina Aicelle at Maricris?

“Well, siguro po masasabi ko po na may time na hindi maiiwasan talaga, pero hindi po namin iniintindi, hindi po namin in-entertain.

“Kung may trabaho po kami, tuluy-tuloy lang po kami, kasi ’pag pinansin po namin yung ganun, makakasira po talaga yun, e," sagot ni Jonalyn.

Bakit hindi siya pumunta sa birthday surprise para kay Aicelle noong February 7, pero si Maricris ay dumating?

“Ahhh. Well, actually hindi ko po nabalitaan din na may surprise party.

“Siguro kasi sa sobrang busy na rin po. Like nung January, February puro mga out-of-the country shows po kasi yung ginawa ko, so hindi po ako nakabalita sa ano, sa Viber. Hindi ko nabalitaan,” sabi niya.

Kung gugustuhin, puwede naman sa text. Hindi ba siya tinext na may surprise party para kay Aicelle?

“Hindi po ako na-text, e,” natatawang sagot ni Jonalyn.

Wala raw talaga siyang idea na may surprise kay Aicelle.

“Hindi rin po," sabi pa ng singer.

“Pero wala pong sama ng loob, wala pong sama ng loob,” paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may gap sila? Hindi guests sina Aicelle at Maricris sa concert ni Jonalyn.

“Hindi po sila guests sa aking concert kasi this time, nag-focus po ako sa solo career ko po in nine years,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph si Jonalyn nung Biyernes, February 21, sa 17th floor ng GMA Network Center sa pocket presson niya para sa kanyang upcoming major solo concert na pinamagatang #Fearless sa February 28 sa Music Museum.

Kasama sa mga panauhin niya sina Regine Velasquez, ang Pinoy Pop Superstar runner-up na si Brenan Espartinez at si Kuh Ledesma.

ANNIVERSARY CONCERT. Ito ang ika-siyam na taon ni Jonalyn sa showbiz.

“Si Brenan po kasi yung sobrang pinaka-close po sa akin, kaya po sila po yung kasama ko sa show,” banggit niya tungkol sa kanyang guest.

Pero natural na magtataka ang mga tao na wala sa show niya sina Aicelle at Maricris na naging parte rin ng singing career ni Jonalyn.

“Well, so far po kasi, wala pa naman akong nare-receive na ganung comment po, na bakit wala silang dalawa sa concert,” pakli ng dalaga.

Hindi ba siya nag-suggest na i-guest ang dalawa sa #Fearless; o siya ang nagsabing huwag i-guest?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi naman po ako ang nagsabing huwag naman pong i-guest! Hindi naman po ganun. Talagang sa ngayon po ipapakita po yung individuality ko po sa concert na ito.”

Pagpapatuloy pa ni Jonalyn, “Ang mga repertoire ko po sa concert yung mga songs na na-interpret ko na rin before, during my entire nine years in show business, yung mga naging paborito po ng mga supporters, ng mga fans. So kakantahin ko po ulit iyon.

“At the same time po, kakantahin ko rin po yung mga songs from my latest album na lahat po original.”

Siya ba ang namili ng guests; ni-request ba niya sina Regine at Kuh?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Aside po sa may input po ako, iyon din po yung naging desisyon ng production team, na i-guest po sina Miss Kuh at si Miss Regine.”

Si Brenan ay nasa ABS-CBN na, hindi ba sila nahirapan na kunin itong guest?

“Hindi naman po, kasi freelance naman po si Kuya Brenan and parang sobrang na-miss ko din siya na makasama sa stage at maka-duet. Kaya ’ayun, isinama na rin po siya sa line-up,” paliwanag niya.

Si Gerald Santos na winner din ng Pinoy Pop Superstar at na-link pa dati kay Jonalyn, bakit hindi guest?

“Oo nga po, e,” ang tila nanghihinayang na sagot ni Jonalyn.

Si Dennis Marasigan ang director ng concert.

HARMONIOUS WORKING RELATIONSHIP. Sa pagbabalik sa isyu sa kanila nina Aicelle at Maricris, sinabi naman ni Jonalyn na pare-pareho silang nasa Sunday All Stars (SAS); pero maayos raw ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Kuwento niya, “Sa Sunday All Stars po, hindi naman po kami yung talagang sobrang nakakapag-usap na po, kasi bilang may kanya-kanyang mga grupo na rin po kami, ang hirap magkakitaan.

“Kasi po talagang yung lahat po ng panahon namin kailangan naming igugol sa pagpraktis. Kailangang makasama mo yung grupo talaga, magmi-meeting kayo para ma-perfect ninyo yung production numbers.

“Unlike before po sa Party Pilipinas na lahat po ng artista, lahat ng performers sama-sama po sa studio.

“Ngayon po kung sino yung grupo na sasalang sa stage, iyon lang po yung nasa studio. Yung iba po nagre-rehearse on their own.”

Hindi pa raw nakakapanood si Jonalyn ng Rak of Aegis kung saan si Aicelle ang bida.

Sambit ni Jonalyn, “Gusto ko rin po sana.”

Hindi ba siya nanood ng naturang musical play dahil may gap sila ni Aicelle?

“Ay, hindi po! Hindi dahil kung nagkaroon man po ng gap or ng problema before e hindi na po susuporta at manonood. Gusto ko rin po talagang manood,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung kakayanin daw ng schedule ay manonood siya ng play sa last run nito sa March 8.

PASSED RAK OF AEGIS AUDITION. Napag-alaman din naming nag-audition at nakapasa pala si Jonalyn sa Rak of Aegis bilang bida rin.

“Actually, po I auditioned po sa Rak of Aegis. Ganito po ang story nun.

“Si Ate Uge, si Ate Eugene Domingo, tinext niya po yung friend niya na stylist at sinabi po sa akin na mag-audition po ako sa Rak of Aegis.

“So, kinontak ko po yung PETA [Philippine Education Theater Association] na sabi ko po gusto ko pong mag-audition.

“Then nakapunta po ako dun sa second audition na po nila. Kumbaga, callback na po yun ng mga naunang nag-audition.

“Naging maganda naman po. Pinag-perform po nila ako, pinagsayaw din po hanggang sa tinext po nila ako na I was selected, I was chosen for the major role.

“E, nagkataon po that time na busy po kami sa My Husband’s Lover U.S. tour, kumbaga hinihintay po namin yung final schedule ng My Husband’s Lover U.S. tour, hanggang sa nahirapan po kami na maka-commit ngayon sa Rak of Aegis.

Dahil dito’y minabuti na lang ni Jonalyn na mag-back out na lang sa Rak of Aegis.

“Opo, nahiya po kasi kami sa PETA na baka mamaya po hindi namin ma-fulfill yung mga rehearsal schedules or kung ano pa man po ang mga ibigay nilang schedule,” patuloy pa niya.

Kung nagkataon ay alternate sana sila ni Aicelle.

“Opo, sana,” banggit niya.

Umiwas siguro si Jonalyn na maka-alternate si Aicelle?

“Ay, hindi po, hindi po, hindi po,” tumatawang tanggi ni Jonalyn.

“Sa schedule po. And kasi may naka-line-up na po kami na mga projects na aside sa My Husband’s Lover U.S. tour, may mga out-of-the country shows pagpasok ng 2014, kaya po nahirapan po talaga kaming maka-commit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang sa sinabi namin sa PETA na, ‘Pasensya na po, we had to back-out po.’

“Pero sobrang sana po makaano po ulit ako next time sa kanila, maka-audition po.”

Malamang maisyuhan na naman sila ni Aicelle, na nag-iwasan sila sa magkatrabaho sa Rak of Aegis.

Sabi niya, “Ah, hindi naman po siguro. Hindi po, hindi po.”

Pero papanoorin niya raw si Aicelle.

Panigurado ni Jonalyn, “Oo naman po. Kung may chance lang po talaga ako na maabutan ko po yung schedule po ng show nila.”

Sina Aicelle at Maricris ba ay iimbitahan niyang manood ng #Fearless?

“Kung gusto rin po nilang makapanood,” pakli niya.

E, iimbitahan niya ba ang dalawa?

Muli niyang pagkumpirma, “Yes, opo, opo, iimbitahin ko rin po sila and it depends na lang po sa kanila kung gusto po nilang makapanood din, to support, ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN