Jonalyn Viray chooses "fearless" as title of her concert: "...kahit napagdaanan ko na malait-lait...’wag na lang pansinin and face your fears.’"

Jonalyn Viray continues to draw inspiration from mentor Regine Velasquez: “Actually, siya po ang naging inspirasyon ko para kumanta ng ganitong klaseng songs. Ang lagi kong naaalala sa mga sinabi niya hindi lamang sa akin kundi para sa lahat ng mga anak-anakan niya, ’Never stop singing.’”


Isang major solo concert ni Jonalyn Viray ang nakatakdang ganapin sa Music Museum sa darating na Biyernes, February 28.

Pinamagatan itong #Fearless bilang pagselebra niya ng kanyang ika-siyam na taon sa music industry.

Guest performers ni Jonalyn sina Regine Velasqez, ang Pinoy Pop Superstar runner-up na si Brenan Espartinez, at si Kuh Ledesma.

“Sobrang happy po talaga ako kasi kinu-consider ko itong first major concert ko,” pagmamalaki ng kauna-unahang Pinoy Pop Superstar grand winner noong 2004.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment noong February 21, sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Patuloy pa niya, “Babalikan ko ang mga kanta ko before, yung mga memorable na songs na sobrang na-appreciate ng mga supporters.

“Yung mga kinatatakutan ko pong songs.

“Kasi po, since I was known sa mga birit na genre...dumarating pa rin sa point na may kinatatakutan pa rin ako.

“Siyempre, dito sa concert, andun pa rin yun. ’Di puwedeng nawala talaga.”

Dahil kasama niya sa concert si Regine na kilala sa mga birit songs, inaasahan na magkakaroon ng “basagan ng tenga” sa kanyang concert.

“Oo, ganun po talaga,” nangingiting pagsang-ayon ng 24-year-old singer.

“Actually, siya po ang naging inspirasyon ko para kumanta ng ganitong klaseng songs.

“Ang lagi kong naaalala sa mga sinabi niya hindi lamang sa akin kundi para sa lahat ng mga anak-anakan niya, ’Never stop singing.’

“Siyempre, kahit minsan may setbacks, may unfortunate na pangyayari, basta, ’wag daw kaming titigil sa pagkanta.”

REGINE VS. KUH. Samantala, dahil kasama rin sa kanyang concert ang binansagang Pop Diva na si Kuh Ledesma, marami ang curious kung paano niya ikukumpara ang dalawang nabansagang mga haligi ng OPM.

Medyo nag-isip muna si Jonalyn bago sumagot ng, “Si Ms. Kuh po kasi, lately lang po talaga kami nagkasama nung nagkaroon ng My Husband’s Lover U.S. Tour, so nung una po, parang natatakot ako kay Ms. Kuh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman na... natatakot na in a way ay nahihiya po akong lumapit.

“Siyempre, Ms. Kuh Ledesma, Pop Diva, pero in-overcome ko naman yung hiya at binati ko na rin siya hangga’t sa nagkakasama na kami sa ilang production numbers then sa tour nga.

“Mabait po si Ms. Kuh.

“Nung magkasama kami sa U.S. tour, doon ko siya nakilala talaga. She’s very supportive, very generous.

“Yung sa production number sa U.S., duet kami sa song na Tell Him, tinuturuan niya ako na, ’O, lapit ka sa akin, mas maganda tingnan sa stage.’

“Hindi lang po sa pagkanta kundi sa spiritual aspect po, andun siya para mag-share, magbigay kung ano yung mga natutunan niya.”

Tungkol naman kay Regine, aminado siya na mas malapit siya rito.

Ang Asia’s Songbird ang nag-host noon ng Pinoy Pop Superstar kung saan nga siya nanalo.

“Siya naman po, lagi siyang nag-a-advise pagdating sa mga personal,” sabi pa niya. “Kasi, mas matagal kaming nagkasama.

“At saka, mas lumaki po ako sa mga songs ni Ate Regine, mas nakakanta ko yung songs niya.

“At saka nung pumasok ako sa showbiz, sikat na sikat pa rin po siya. Although mas naging open ako sa iba’t ibang genre ng kanta, sa mga songs ng mga nauna [na contest], kay Ate Regine.

“Dun ko rin po natutunan ang mga kanta ni Ms. Kuh.”

Ang birong tanong ng isa sa mga naimbitahan na entertainment writers: Sino sa dalawa ang mas gusto niyang kumanta?

“Ang hirap naman po nun,” natatawang buwelta ng biritera sabay tawanan naman ng mga nasa paligid.

“Siguro ganito po, when it comes to classic songs at classic na atake, siguro po Kuh Ledesma.

“’Di po ba yung mga songs niya?

“Then si Ate Regine naman, siyempre with a touch of pagka-modern naman.

“Siya naman po yung sa mga birit, nakita naman po natin ang strength niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, magkaiba po sila.”

FEARLESS. Tinanong namin si Jonalyn kung bakit ito ang naisipan nilang concert title and what makes her really fearless?

Aniya, “Siguro po sa nine years ko sa show business, kahit napagdaanan ko na malait-lait o may unfortunate nga na nangyari sa buhay, I still have to, ’yeah, ’wag na lang pansinin and face your fears.’

“Wag mong katakutan, wag mong labanan. Harapin mo lang po.

“Dahil sa mga pinagdaanan ko, natuto na rin po akong maging matapang at matibay, so I think that’s what makes me fearless.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN