Elmo Magalona admits to "technically" dating Janine Gutierrez

Elmo Magalona on sudden death of Villa Quintana co-star Roy Alvarez: “Health buff kasi si Roy, hindi naninigarilyo at hindi kumakain ng meat. Kinukuwento niya sa amin kung bakit siya nag-stop mag-lechon.”

Janine Gutierrez adds that Roy was a vegetarian.


Bumisita ang PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Villa Quintana sa Bustos, Bulacan, noong February 21.

Sabay naming nakausap sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, at ang unang topic ay tungkol sa pumanaw nilang co-star na si Roy Alvarez, na gumaganap sa serye bilang si Don Manolo.

Panimulang kuwento ni Elmo, “Last taping namin, well lahat ng taping, walang signs of weakness or nagpapakita siyang stressed siya, so gulat kaming lahat na ganun yung ano."

Sabi naman ni Janine, “Health buff kasi si Tito Roy, hindi naninigarilyo at hindi kumakain ng meat.

“Oo, vegetarian. Pinagsasabihan pa niya kami kapag kumakain kami ng kung anu-ano.”

Sinegundahan ito ni Elmo.

Aniya, “Kinukuwento niya sa amin kung bakit siya nag-stop mag-lechon.”

Dugtong ni Janine, “1973 pa raw siya huling nag-lechon..."

CAUGHT OFF-GUARD. Nagpapagupit daw si Elmo nang nakarating sa kanya ang balita.

“Ako hindi ko talaga alam ang gagawin ko, e. Parang, as in, fresh na fresh pa yung memory ko of him and then ibabalita na lang sa akin, biglang ganito.”

Iba ang biglaan na pagkamatay sa nangyari sa ama ni Elmo na si Francis Magalona na namatay dahil sa sakit. Ang huli, kumbaga, ay napaghandaan.

“Yes it’s a different experience din kasi ano e, yung kay Papa tini-treat siya e, for a long time and then, alam namin na he’s sick.

“Ito, it’s different kasi wala e, walang sign na ’di ba, walang sign na may problema siya or nanghina siya or anything.”

ENDEARINGLY FUNNY. Si Janine, na gumaganap bilang si Lynette sa show, ang madalas kaeksena ni Roy.

Naging close daw sila ng yumaong aktor.

“Super! Sobrang close po talaga kaming lahat sa set. It sounds impossible pero talagang magkakasundo po talaga kaming lahat.

“’Tsaka nagulat kami kay Tito Roy kasi nung umpisa ng show, ang impression ko sa kanya, nakakatakot, kasi beterano ’tapos kilalang kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero when we got to know him, sobrang corny ’tapos palaging nagpapatawa, ’tapos malambing si Tito Roy.

“Corny pero matatawa ka kasi siya ang nag-joke.”

AL TANTAY TO TAKE OVER ROY’S ROLE. Si Elmo ang unang nakaeksena kahapon ng pumalit kay Roy na si Al Tantay.

“Itong mga eksena namin, ngayon ko pa lang dapat makaka-eksena si Don Manolo talaga so ako, naninibago ako kasi siyempre, may pinanggagalingan yung character ni Don Manolo

“’Tapos ngayon na makakaeksena ko siya bilang lolo ko, parang iba na naman yung panggagalingan niya.

“Pero ako, parang gusto kong kausapin si Tito Al kung anong gagawin namin sa mga eksena, iyon.

“Kasi ako, naninibago pa rin ako.

“Pero si Tito Al, may ano pa rin siya, parang may vibe din ako na magiging okay, na magiging kumportable rin siya in the latter weeks na makakasama namin siya.”

WHAT’S THE REAL SCORE? Gaano na ba kakumportable sina Elmo at Janine sa isa’t isa mula noong magsimula sila sa Villa Quintana?

“Ako, gusto ko si Janine, gusto ko siya. Gusto ko si Janine.

“Ako masaya ako na katrabaho ko siya ngayon and first time kong gumawa ng drama with her and wala, through Villa Quintana, mas nakilala ko lang siya and mas nagustuhan ko siya nung nakilala ko siya,” seryosong pahayag ni Elmo.

“She’s really caring and she’s really thoughtful lagi and she’s really nice. She’s sweet and ano, maraming qualities na type ko.”

How about Janine? Gusto rin ba niya si Elmo?

Nakangiting sagot ng young actress, “Siyempre.

“Ganun din si Elmo, thoughtful ’tsaka gusto ko na katrabaho ko siya kasi seryoso siya about the show, seryoso siya sa character niya.”

At this point ay binalingan ni Janine si Elmo na tumatawa.

“Bakit mo ako pinagtatawanan?” tanong ni Janine kay Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nakatawang sagot ni Elmo, “Hindi natatawa lang ako kasi parang biglang sobrang seryoso ang pagkaka-describe mo sa akin.

“Hindi, nadadala ako sa ’yo kasi you’re serious about it so kailangan, ’di ba?”

FOOD TRIP ON FEBRUARY 14. Nitong nakaraang Valentine’s Day ay nag-dinner sila na silang dalawa lang.

Sa Milky and Sunny na pag-aari ng ina ni Elmo na si Pia Magalona sila kumain.

Kuwento ni Elmo, “Pina-try ko sa kanya kasi matagal na niyang gusto i-try. So parang naisip ko e mahilig siya sa breakfast food e iyon yung ano dun, e. And then matagal na niyang gustong i-try.”

Pag-ayon ni Janine, “Dati ko pa talaga gusto kumain dun, hindi ko alam na sa mom niya."

Bukod sa dinner, binigyan ni Elmo ng flowers at chocolates si Janine.

So ano na talaga ang estado ng relasyon nilang dalawa?

“Basta masaya, masaya” ang sagot ni Elmo.

EXCLUSIVELY DATING? May MU (mutual understanding) na ba sila? Ibig sabihin, si Elmo ay hindi na manliligaw sa iba at si Janine ay hindi na tatanggap ng ibang manliligaw?

Ang tila hindi nagbabagong sagot ni Elmo, “Ako ngayon, basta I’m just happy with everything na nangyayari—with work, with family, with Janine."

Wala raw ibang nililigawan si Elmo, at wala rin daw ibang nanliligaw kay Janine.

So exclusively dating sila?

“Technically, technically ganun,” ayon kay Elmo.

Ngayon lang naging ganito ka-vocal si Elmo sa kanyang personal life.

“Siguro sa mga pinagdaanan ko rin parang ano e, parang talagang ano, trenta na e,” ang pagbibiro pa ni Elmo.

Dagdag ng young actor/singer, “Hindi, siguro ano lang, marami lang akong pinagdaanan na I take life, ayokong ituloy e, masyadong seryoso.

“Pero mas ano lang, mas gusto ko lang baguhin kung paano ko itrato yung buhay ko, parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN