Aljur Abrenica on Kambal Sirena leading lady Louise delos Reyes’s jitters over new loveteam: “Naku, ’wag siya kabahan, kasi pareho naman kaming first time na magkakatrabaho.”

Aljur Abrenica takes up martial arts training as part of his regimen for role in Kambal Sirena: “Kailangan na naka-topless, so gusto ko maganda ang katawan, para naman hindi mapulaan. At the same time, gusto ko talagang matutong mag-martial arts at mag-jiu-jitsu. Para na rin siguro sa health ko, para healthy.”


Masusing paghahanda raw ang ginagawa ni Aljur Abrenica para sa new soap niya sa GMA-7, ang teleseryeng Kambal Sirena kung saan makakapareha niya for the first time ang isa sa sinasabing "Prinsesa ng Kapuso Network" na si Louise delos Reyes.

Simulang kuwento ni Aljur nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng anniversary ng Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA Annex Studio 6, “Right now marami akong ginagawa para mas mapaganda pa yung katawan ko.

GETTING IN SHAPE. Sabi niya, “Nagwu-workout ako, diet, nagti-training ako ng muay thai.

“Pero may bago akong sport, mixed martial arts at nagdyu-jiu-jitsu na rin ako, pero kaka-start ko lang.

“Kailangan kasi in good shape ako ’pag nagsimula na kami ng taping. Gusto ko kasi lagi akong handa everytime na magkakaroon ako ng soap, especially now na marami kaming eksena na nasa dagat.

“Kailangan na naka-topless, so gusto ko maganda ang katawan, para naman hindi mapulaan.

“At the same time gusto ko talagang matutong mag-martial arts at mag-jiu-jitsu.

“Para na rin siguro sa health ko, para healthy.

“’Tsaka magagamit ko talaga sa role ko sa Kambal Sirena, kasi ang role ko rito may-ari kami ng mala-Ocean Park.

“Sabihin natin na mas marami nang time na nasa tubig ako.

“Kaya need ko talaga na maganda ang katawan ko.

Kung sakali, may plano rin ba si Aljur na mag-compete sa local o international martial arts competitions?

“Hindi naman. Ginagawa ko siya kasi gusto ko lang siyang gawin, nag-e-enjoy akong gawin siya.

“Katulad ng sinabi ko, malaki ang maitutulong nito sa role ko, bukod pa sa health ko na rin.

“Pero let’s see. Hindi ko rin naman alam. If siguro expert na ako dito, baka nga puwede na mag-compete ako.

“Pero right now, para sa show talaga and sa health ko na rin ang ginagawa ko, not to compete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bukod sa nagsisimula pa lang naman ako, marami pa akong dapat matutunan at pag-aralan and I’m willing to learn kasi gusto ko talaga ito,” saad niya.

EXCITED TO WORK WITH LOUISE. “First time kong makakatrabaho si Louise, kaya bago ito sa mga manonood.

“After Kris Bernal sa Prinsesa ng Buhay Ko, binigyan ako ng GMA ng bagong kapareha at ito ang ihahain nila sa mga manonood.

“Excited akong makatrabaho si Louise, kasi alam ko na mahusay siyang artista, sana suportahan at magustuhan ng mga manonood yung pagsasama namin sa show,” patuloy pa niya.

Anong masasabi ni Aljur sa bali-balitang kinakabahan daw si Louise dahil first time nilang ipapares bilang loveteam?

“Naku, ’wag siya kabahan, kasi pareho naman kaming first time na magkakatrabaho, siguro magtutulungan na lang kami para mas mapaganda namin yung show namin.

“’Tsaka ibinigay sa amin ito ng GMA-7, dahil alam nila na kaya namin at may chemistry kaming dalawa.

“Tulungan lang talaga para mas maging maganda ang bawat episode ng show namin.

“Kaya nga thankful ako sa GMA kasi after ng isang show, meron kaagad ako. Happy ako sa ginagawa nilang pag-aalaga sa akin.

“Kaya naman ginagawa ko talaga lahat para mas mapaganda yung show namin ni Louise,” pagtatapos ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN