Elmo Magalona and Janine Gutierrez open up about their feelings for each other

Elmo Magalona shares how his family approves of Janine Gutierrez: “Kasi she’s... yun nga, kumbaga, yung qualities niya, yung mga qualities din na gusto ng family ko, kumbaga approved siya sa family ko, ganun.”


Bago pa ang Villa Quintana ay nagkasama na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa Together Forever.

Bakit hindi sila nagkagustuhan noong mga panahong ’yon?

“Hindi rin talaga kami close noon, e,” sagot ni Janine.

“Hindi rin kami masyadong nag-uusap since... Well, iba yung mga kaeksena ko. And siguro perfect timing din. And masaya lang talaga, masaya,” sagot naman ni Elmo sa pagpapatuloy ng magkasabay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Janine at Elmo nung Biyernes, February 21, sa taping ng Villa Quintana sa Bustos, Bulacan.

OPENING UP ABOUT THEIR FEELINGS. Mag-aapat na buwan na silang magkasama sa nabanggit na drama series ng GMA, at ngayon nga ay maugong ang balitang may pagkakaunawaan na ang dalawa.

Tinanong namin si Elmo—dahil inamin niyang “exclusively dating” na sila—kapag nalaman niyang may ibang nanliligaw kay Janine, ano ang mararamdaman niya?

Sagot ni Elmo,“Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero siguro malilito ako.”

Bakit siya malilito, ang sabay naming tanong ni Janine kay Elmo?

“Kasi ano, kasi ibig sabihin hindi ako nagwu-work. Ganun siguro, malilito ako.”

At kapag nanligaw naman sa ibang babae si Elmo, ano naman ang mararamdaman ni Janine?

“Siguro, baka magselos,” pakli ng dalaga.

Dito ay sabay-sabay na napatili ang mga press people na kaharap ng dalawa.

“Ay, nagulat din tuloy ako sa sagot ko!” ang natatawang sabi ni Janine.

Bakit siya magseselos?

Pahabol ni Janine, “Hindi, siyempre siguro kung may gusto kang tao ’tapos nalaman mong may gusto pala siyang iba, hindi mo siguro mapipigilang magselos.”

Kagulat-gulat ang mga sagot nina Elmo at Janine; ngayon lang sila ganitong sumagot, na kulang na lang ay umamin sila na may relasyon na nga sila.

“Siguro may kakaibang ano talaga yung set namin,” pahayag naman ni Elmo.

Pareho raw nilang wini-wish at ipinagdadasal na huwag nang magtapos ang Villa Quintana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sigurado namang magkikita pa rin sila kahit matapos na ang taping nila ng Villa Quintana.

“Oo, pero ibang experience din kasi, like first naming lead parehas and kapag okey ka na sa lahat, ’di ba, bakit ka pa maghahanap ng iba?

"Wala, parang wala na akong ibang gustong gawin,” ayon kay Elmo.

Kaya magiging memorable daw kina Janine at Elmo ang Villa Quintana dahil dito nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan.

JANINE JOINING BB. PILIPINAS? Papayagan daw ni Elmo si Janine kung sakaling sasali ito sa Binibining Pilipinas.

Noon pa ay marami nang kumukumbinsi kay Janine na sumali sa naturang beauty pageant.

Pag-amin ni Elmo, “Siya mismo ayaw niya, e. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niyang sumali, e.”

Kahit magtu-two piece si Janine kapag sumali na, papayag siya?

“Oo naman. Ako, okey lang kasi siyempre parang that means she’s proud of, alam mo yun? Parang kumbaga, she’s confident enough to stand for herself,” dagdag pa ni Elmo.

Ngayon lang ganito naging ka-open si Elmo sa kanyang personal na saloobin.

“Right timing lang siguro, right timing. Kumbaga alam ko na kung ano yung mga dapat kong ayusin, alam ko yung dapat kong gawin,” pag-amin pa niya.

SUNDAY ALL STARS. Sa Sunday All Stars (SAS), napapansin ng marami na kapag nag-i-spiel si Janine ay nakatitig lamang si Elmo sa kanya.

Pabiro nitong saad, “Ano lang, nakabantay lang ako, nakabantay.”

Dati ay ayaw na ni Elmo na lumabas sa isang musical variety show nang matapos ang Party Pilipinas, pero napapayag siya na maging madalas na performer sa Sunday All Stars.

“Kinuha nila ako to, siyempre, mag-partner kami ni Janine, and then yun nga, naisip nila na puwede akong isali sa hosting for SAS.

At iyon nga, laging nakikita sa kamera na nakatitig siya kay Janine.

“Iba siyempre si Janine,” ang natatawang pahayag ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEETING THE PARENTS. Kailan lamang ay ipinakilala ni Janine si Elmo sa kanyang inang si Lotlot de Leon.

Sinundo ni Elmo si Janine sa condo ni Lotlot.

“Kinakabahan lang ako,” ang natatawang pag-amin ni Elmo.

“Nangumusta lang siya and sinabi niya, may gusto raw siya ipa-try sa akin na sport—beach tennis. So, binigyan niya ako ng racket, so sabi ko kay Janine, ‘O try natin ’to, ’di ba favorite mo ang beach, ’tsaka tennis? Pinagsama yung dalawa mong gusto.’”

Tinanong naman si Janine kung ano ang comment ni Lotlot tungkol kay Elmo.

“Gusto nila si Elmo. Well, si Mama kasi pinapanood niya ang Villa Quintana ’tapos yun nga, hinahangaan niya si Elmo.

“Hinahangaan talaga, e, ’no?” at tumawa si Janine.

“Hindi, pero she’s supportive of our loveteam.”

At ang comment naman daw ni Pia Magalona at mga kapatid ni Elmo tungkol kay Janine: “Masaya sila na parang meron akong kasundo na kasama sa show and, kasi magkasundo talaga kami, e.

“Mas kasundo ko si Janine and, wala, masaya sila kasi gusto nila siya.”

Naipakilala na rin ni Elmo si Janine sa pamilya niya.

“Gusto nila siya," sabi ni Elmo.

Ano naman ang napag-usapan nina Janine at Pia?

“Nag-usap kami tungkol sa Twitter at sa mga aso,” kuwento ni Janine.

Na-impress daw ang mommy niya kay Janine, ayon naman kay Elmo.

“Kasi she’s... yun nga, kumbaga, yung qualities niya, yung mga qualities din na gusto ng family ko.

"Kumbaga approved siya sa family ko, ganun.”

LEVEL UP? Kailan ba mapupunta sa mas mataas na level ang kanilang pagtitinginan?

“Ngayon, ano, basta nag-e-enjoy. Enjoy lang muna kami, and iyon yung importante. Simple lang, simple," sagot ni Elmo.

Kapag ba naging sila na talaga ay ia-announce nila sa lahat?

“Siguro ’pag andun na. ’Pag andun na,” sagot ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN