Al Tantay on taking over Roy Alvarez’s role in Villa Quintana: “Kaya nga kinakausap ko siya sa dasal, e.”

Al Tantay admits that it’s not easy taking over the role essayed by renowned character actor Roy Alvarez, who passed away recently: “Actually ano yun e, medyo sa totoo, ako kinakausap ko si Roy sa dasal, e. First time kong maka-experience ng ganitong sitwasyon, na tanong nga ako nang tanong sa kanila.”


Hindi raw tinanggal si Al Tantay sa Got 2 Believe (G2B) kaya siya lumipat sa Villa Quintana ng GMA-7.

“Actually, nagpaalam! Nagkaroon ako ng last taping day, Monday,” umpisang kuwento ni Al sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Villa Quintana sa Bustos, Bulacan, noong nakaraang Biyernes, February 21.

Hindi pa raw talaga tapos ang karakter niya sa G2B ng ABS-CBN.

“Hindi pa, walang closure, ’di ba? Pero since yun nga, tatanggapin ko ito [Villa Quintana] e nagpaalam kami,” paliwanag niya.

Wala raw siyang kontrata sa ABS at hindi raw siya nahirapan na magpaalam.

“Humingi lang sila ng isa pang taping day,” dagdag pa ni Al.

Hindi rin naman daw siya sabay na mapapanood sa dalawang shows; sa March mapapanood si Al sa Villa Quintana.

Aniya, “Sa Villa Quintana kasi as long as pagdating ng March wala na akong ie-air doon sa kabila.”

Ang huling episode daw niya sa G2B ay inere na noong Miyerkules.

TAKING OVER ROY ALVAREZ’S CHARACTER. Si Al ang papalit sa papel ng yumaong si Roy Alvarez bilang si Don Manolo sa Villa Quintana.

Ano ang nakapagdesisyon sa kanya na tanggapin ang alok ng GMA?

“Ibang ano naman, ibang bakuran, ibang mundo naman. Kasi matagal-tagal na din naman ako doon,” pahayag ng beteranong direktor.

Ang huli niyang show sa Kapuso Network ay ang Gumapang Ka Sa Lusak.

“E, ganun naman tayo, ikot lang naman, e. Walang masamang tinapay, walang masamang ano kaya lang ibang hangin, ibang environment, ’di ba?” sabi pa niya.

Hindi na raw siya nagtanong sa GMA kung bakit siya ang napiling ipalit kay Mr. Alvarez.

“Hindi ko alam, in-offer nila,” saad niya.

PRINCIPLED ENVIRONMENTALIST. Close ba sila ni Roy?

Kuwento niya, “Okey naman, hindi ganung ka-close, magkakilala kami.

“Alam mo si Roy kasi nilapitan ko ’yan, e. Dahil, ’di ba, naghe-head siya ng isang environmentalist group. Meron kasi nagpapatulong sa akin na kaibigan ko na may problema sa grupo nila, parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nilapitan ko siya para ilapit ko yung kaibigan ko. Pero dun ko nakita yung prinsipyo ni Roy, e. Hindi talaga pumayag.”

“Actually, ano yun e, landfill. Hindi naman anomalya, kaya lang landfill kasi ayaw nila yan, e, para sa isang lugar.

“So meron akong kaibigan na yun kasing property niya yung gagawing landfill. Ako naman kaya ko siya inilapit kay Roy, kasi in-explain sa akin ng kaibigan ko, hindi okey naman, kasi ang Navotas naman meron na, e.

“Kaya lang property niya yung gagamitin.

“Hindi talaga pumayag si Roy, ayaw niya, e.”

PUTTING HIS STAMP ON NEW ROLE. Napapanood raw ni Al ang Villa Quintana bago pa man siya pumasok sa show bilang Don Manolo.

Unang araw ng taping ni Al nang makausap namin siya, kaya tinanong namin siya kung mahirap ba na ang papel niya ay may pinalitan lang siyang artista.

“Actually ano yun, e, medyo sa totoo, ako kinakausap ko si Roy sa dasal, e. First time kong maka-experience ng ganitong situwasyon, na tanong nga ako nang tanong sa kanila.

“Na, ‘Ano ba yun, papasok ba ako na bagong character?’ ‘Hindi, as Don Manolo.’

“Sabi ko, ‘Papaano yun?’

“Sinabi naman nila sa akin, ‘Hindi mo naman kailangang kopyahin, hindi mo naman kailangang gayahin. Hindi natin magagawa yun!’

“Hindi namin magagawa na kopyahin ko siya or yung looks niya or yung ano, pero as close as possible siguro, iyon lang yung puwede,” detalye pa niyang kuwento.

Alam naman daw niya kung ano ang karakter ni Don Manolo.

Sinabihan daw siya ng direktor ng serye na si Gina Alajar na hindi niya kailangang kopyahin si Roy.

Handa ba siyang maikumpara kay Roy na mahusay na ginampanan ang role na Don Manolo?

“Kaya nga kinakausap ko siya sa dasal, e,” natatawang sabi ni Al.

“Hindi ano ito, e. Kasi ang nangyayari parang, ‘Ano ba ito, nangyari ba yun sa kanya para way para pumasok ako?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang may ganung ano, e, ’di ba? May ganung kuwestiyon sa ano ko, pero ayokong ganun. Parang... ’Di ba?”

Nang nabalitaan daw niya na namatay si Roy ay wala siyang kahit anong ideya na siya ang papalit dito.

“Kasi, nagulat ako na itutuloy nila yung character. Hindi ko... Siguro sa ibang ano siguro, ’di ba, gagawa ng paraan na maiba, na magpasok ng iba.

"Ito para akong nag-pop-in, e. Parang ’Pak!’ Biglang andun na.

“E, yun naman ang sabi nila sa akin, deadma. Basta ganun lang,” pahayag niya.

WORKING WITH THE CAST. Sa unang salang daw niya sa Villa Quintana ay si Elmo Magalona ang nakaeksena niya sa taping.

Kumusta katrabaho si Elmo?

“Okey naman,” pakli niya.

Nakilala na rin daw niya ang bidang babae ng serye na si Janine Gutierrez.

Patuloy pa niya, “Nakilala ko na sila kanina, Yung mga bata talaga hindi ko masyadong kakilala. Silang dalawa lang naman yung halos hindi ko ano, pero the rest, ano naman.”

Nakaeksena na rin daw niya si Sunshine Dizon na ayon kay Al ay naidirek na niya dati sa isang gag show.

PROGRAM CONTRACT WITH GMA. Program contract ang kasunduan nila sa GMA at hindi isang exclusive contract.

“Pero ang ano naman sa akin is ’pag natapos meron namang kasunod,” aniya.

Sa GMA ba ulit ang next show niya?

Pagsang-ayon niya, “GMA, GMA. Hindi ko pa masyadong nararanasan yung, hindi ko naaamoy masyado yung hangin.”

Hindi pa raw niya maikukumpara kung ano ang kaibahan ng ABS sa GMA.

“Halos pareho naman,” sagot ng alaga ng beteranong talent manager na si June Rufino.

Pero tawa lamang ang isinagot ni Al nang tanungin namin kung pareho rin ba ang talent fee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN