Janno Gibbs gets his songwriting groove back

Janno Gibbs narrates how he started getting his groove back in songwriting: “After a long time na nag-writer’s block ako sa songwriting, nung December ginawa ko yung theme song ng Yolanda, “Bangon Kaibigan.” Ako ang nag-volunteer, sabi ko, ’May ginawa po ako, baka gusto ninyong gamitin for Yolanda.’ Nung in-approve naman, ako na raw bahala, ako ang naghintay, three days from 11 am to 11 pm, nandun ako. Maganda naman ang kinalabasan


Pagkatapos mamahinga nang matagal-tagal, visible at aktibo na naman si Janno Gibbs sa showbiz.

Regular siyang napapanood sa Sunday All Stars (SAS), at kasama rin siya sa seryeng Paraiso Ko’y Ikaw ng Kapuso network.

Mukhang bumalik na muli ang passion ni Janno na magtrabaho gaya noong nagsisimula siya noon sa showbiz.

“Tuluy-tuloy. Last year, December natapos yung Pyra, kasama ako dun. Pagbungad ng taon, Paraiso Ko’y Ikaw naman.

"Second love ko naman talaga ang acting. Happy ako kahit mahirap, mahirap din ang soap kasi.

"’Pag may soap ka, yun na muna ang focus mo, yun ang buhay mo. Pero enjoy naman ako, e.

“Medyo mahirap pero kaya naman. Ang nire-request ko lang sa kanila, wala akong cut-off, kahit umagahin ako okey lang. Ang hinihingi ko lang maging honest lang.

“’Di ba minsan ang call time ang aga pero mamaya ka pa palang gabi?

"Ang sabi ko lang, sabihin naman nila sa akin yung totoo lang, yung tantiya nila,” sabi ni Janno.

GETTING HIS SONGWRITING GROOVE BACK. Marami rin ang nakapansin na aktibo na muli ang singer sa pagku-compose ng theme songs ng mga shows ng GMA-7.

Ilan sa nagawa ni Janno ang “Bangon, Kaibigan” na theme song ng Kapuso network para sa mga biktima ng Yolanda at ang theme song din ng seryeng Paraiso Ko’y Ikaw.

Pagmamalaki niya, “After a long time na nag-writer’s block ako sa songwriting, nung December ginawa ko yung theme song ng Yolanda, ’Bangon Kaibigan.’ Ako ang nag-volunteer, sabi ko, ’May ginawa po ako, baka gusto ninyong gamitin for Yolanda.’

“Nung in-approve naman, ako na raw bahala, ako ang naghintay, three days from 11 am to 11 pm, nandun ako. Maganda naman ang kinalabasan.

“After that, ito namang Paraiso Ko’y Ikaw. Ganun din, ako rin ang nag-volunteer dahil nabasa ko yung script.

“Sabi ko mayroon akong nasulat, ginamit naming theme song. After that sila na yung lumapit, sana gawa naman daw ako para sa Kambal Sirena, yun nga ang ginagawa ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ako sumingil pero binayaran naman ako.

"Well, yung Yolanda wala talaga kasi voluntary naman kasi yun pero yung sa Paraiso Ko’y Ikaw, binayaran ako. “

“Wala lang, kasi yung last album ko two years ago, mayabang ako, e. Lahat puro gawa ko, all originals.

“Feeling ko parang naubos lahat, naubos yung mga ideas saka lack of confidence rin.

"Nung maganda yung kinalabasan nung ’Bangon,’ parang ginaganahan uli ako.”

SONGWRITING “HANDICAP.” Sa kabila ng mga magaganda niyang compositions, itinuturing ni Janno ang sarili na “handicapped” pagdating sa pagku-compose ng mga kanta.

Natatawa niyang kuwento, “Alam mo ang tawag ko nga sa akin ’songwriting handicapped.’ Kasi ’di ako nagpe-play ng any instrument, so lahat kinakanta ko.

“Nire-record ko sa telepono, pati yung halimbawa, yung instrument, yung violin, yung drums, kakantahin ko yun para maintindihan nung gagawa nung music.

“Kakantahin ko sa kanya, ’O, ito violin ito, ha, ito naman yung drums.’ Medyo mahirap.

“Ang matagal, yung inspiration. Pero yung show, mas madali kasi bibigyan ka ng title, alam mo yung title, alam mo yung story, may idea ka na, ’di ka na mahihirapang mag-isip.

“Saka isiipin mo ano yung feel. Halimbawa, Kambal Sirena, so ang iniisip ko dapat medyo Little Mermaid ’yan, parang ganun. Paraiso Ko’y Ikaw, sa island.”

FILLING IN OGIE’S SHOES? Marami pala ang nagsa-suggest na ngayong wala na si Ogie Alcasid sa Bubble Gang ay magandang kapalit si Janno para rito.

Lalo’t sumikat noon ang sitcom niyang Ober da Bakod kung saan nakasama niya sina Anjo Yllana, Donita Rose, Gelli de Belen, at Malou Crisologo.

Bagama’t bukas naman si Janno rito, aminado siya na may hesitation siya tungkol dito.

Paliwanag niya, “Sabi nga nila nung umalis si Ogie, baka puwede raw ako dun.

"Ewan ko, medyo hesitant ako, medyo naghe-hesitate ako kasi mahirap umasa sa isang show na matagal na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kahit ano ang sabihin, ang dating nun, parang kapalit ni Ogie. Medyo malaking shoes ang ipi-fill mo.

"Open naman ako, pero parang nakakanerbiyos, siyempre family na sila dun."

PROUD OF HIS DAUGHTERS. Kinumusta namin kay Janno ang mga anak nila ni Bing Loyzaga.

Tinanong din namin ang aktor kung may plano pa ba silang sundan ang dalawa nilang anak na babae at nang magka-lalaki naman sila.

Pagmamalaki ng proud daddy, “Oo malalaki na sila, ang panganay ko nagbi-business na ‘yan ng sarili niyang clothing line. Dalawa lang silang mag-partner. Siya ang nagde-design, siya ang nagsu-source.

“Ako, tinutulungan ko siyang mag-promote. Minsan sa Sunday All Stars dadalhan ko ang mga artista. Sila Solenn, ’Instagram mo naman.’

“Malaking bagay ’pag nag-Instagram sila, the next day ang daming orders.

"Nag-start siya online lang, ngayon may shop na sila—sa Trinoma, sa Powerplant, Neon Island.”

“Yung bunso naman, graduating ng high school. Kaka-senior prom lang, so college muna.

“Lalaki? Naku hindi na, ’wag na. Happy naman ako kasi ang mga babae malambing, ang mga babae mas malapit sa daddy. e.”

KEEPING HIS MARRIAGE INTACT. Bukas na aklat naman na dumaan sa pagsubok ang relasyon nila noon ng asawang si Bing.

Ayon kay Janno ang kasal ay isang bagay na pinagtatrabahuhan at pinagsisikapang manatiling buo sa harap ng kahit anong problema na dumating.

“Alam mo kami, sabi ko nga ang pag-aasawa dapat kina-career din lalo na ’pag tumatagal. Pagtatrabahuhan mo talaga, tiyatiyagain mo, iintindihin mo.

“Feeling ko kami ni Bing ngayon, parang nadaanan namin ang lahat, so mas kumportable na kami ngayon.

“Sa dami na ng pinagdaanan namin, dumating na kami sa point na kumportable na. Ganyan ka, ganito ako, tanggap na namin ang isa’t isa.

“From the start mayroon talagang commitment. Nagkaro’n ng time, feeling namin wala na yata talaga ito, parang ganun, wala nang chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinitiyaga talaga. Ligaw ka uli, tiyatiyagain mo, hihintayin mo. Hihintayin mo talaga na mag-heal yung mga wounds,” makabuluhan niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN