Alice Dixson on dating again: “Ang sarap pala. Feeling-teenager tayo ulit!”

Alice Dixson opens up about her "special someone": “We’ve been going out for a few months na and it’s been gratifying. It’s nice to have someone that you can talk to again when you have problems. Nakaka-lift ng spirit when you know that someone listens and makes you feel good all over... We all need somebody to make us feel good after a very tiring day, ‘di ba?”


Mabentang-mabenta si Alice Dixson dahil sa magandang image na ipinapakita niya ngayon.

Nasa early 40s na si Alice pero nagugulat siya dahil nagiging “fantasy girl” na siya ng mga kalalakihang mas bata sa kanya.

Natatawa nga si Alice kapag idinidikit na sa kanya ang “cougar” tag dahil na rin sa mga roles na ginawa niya for TV5.

“Natatawa na lang ako when they call me a cougar. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako or kung mapa-flatter ako. It’s a little bit of both naman.

“But, hey, we’re in showbiz and I’m currently single, kaya siguro all the more mas bumabagay ang cougar tag sa akin.

“I’m just amused. Wala lang!” tawa pa ni Alice noong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Confessions of A Torpe sa Concordia College sa Paco, Manila, last February 20.

AMUSED WITH “COUGAR” TAG. Nakadagdag pa nga sa pagiging “cougar” umano ni Alice ang pag-pose niya sa FHM last year at ang roles niya sa mga May-December affair-inspired teleseryes ng Kapatid network.

“I just finished The Lady Next Door for Studio 5 where I was paired with Mark Neumann. Yun, bata talaga ‘yon and it was fun working with him.

“And before that, I did For Love Or Money naman with Derek Ramsay. That’s an intense drama naman which a lot of people loved watching.

“Add to it yung ginawa kong cover for FHM. So dun na siguro nagsimula ang lahat and I’m proud of what it all came to be right now sa career ko.

“I guess it only goes to show that even at my age now, puwede pa tayo—like what they say, may asim pa!” ngiti pa niya.

ENDORSER. Dahil nga sa image ngayon ni Alice, may health and beauty brand na kumuha sa kanya para maging endorser ng kanilang produkto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya niyang kuwento, “Nakakatuwa because these products trust me to be their endorser. Marami namang diyan na mas bata sa akin, yet they chose me.

“It only goes to show na yung mga pinaghirapan mong pag-alaga sa katawan mo are really paying off.

“And of course, yung positive outlook ko ngayon. It’s all positive na.

“Lahat ng mga bad vibes ay naiwan ko na noong 2013. It’s a new year, kaya positive tayo ngayon.”

HAPPILY DATING. Matapos na ma-divorce ni Alice last year sa kanyang asawang si Ronnie Miranda, inamin niyang may dine-date na siya ngayon.

Hesitant pa rin si Alice na banggitin ang pangalan nito dahil hindi naman daw ito showbiz na tao.

Pakiusap niya, “He’s not from this business kaya let’s keep his name private na lang.

“But I’m not hiding him naman kasi we go out on dates.

“We’ve been going out for a few months na and it’s been gratifying.

“It’s nice to have someone that you can talk to again when you have problems.

“Nakaka-lift ng spirit when you know that someone listens and makes you feel good all over.

“He’s an inspiration to me lalo na sa trabaho ko. We all need somebody to make us feel good after a very tiring day, ‘di ba?

“Kaya pabayaan n’yo na akong maging happy sa buhay ko ngayon,” nakangiting pakiusap niya.

Noong nakaraang Valentine’s Day ay magkasama raw silang dalawa.

“We were supposed to watch nga yung Valentine’s concert ni Ogie Alcasid, pero naubusan kami ng tickets.

“When Ogie called up and said na nakakuha na siya ng tickets for us, nasa ibang lugar na kami.

“Nakakapanibago lang na nagdi-date kayo kasama ng iba pang mga lovers. Matagal ko na rin kasing hindi nagawa ang ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap pala. Feeling-teenager tayo ulit!” kinikilig na kuwento pa ni Alice.

Kasalukuyang ginagawa ni Alice ang comedy show for TV5 na Confessions Of A Torpe kunsaan kasama niya sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, Dennis Padilla, Bayani Agbayani, Alyssa Alano, at Jojo Alejar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN