Julia Montes on Coco Martin: “Lumalalim po yung friendship namin.”

Julia Montes on how she handles rumors linking her to Coco Martin: “I’m not affected ’coz... No naman po... Kasi, close naman talaga kami nung tao. Magkaibigan kami since way, way back.”


Kung naging maganda ang kapalaran ng young actress na si Julia Montes noong nakaraang taon, nakikita rin daw niyang magiging maganda pa rin ang takbo ng kasalukuyang taon para sa kanyang showbiz career.

“Ang ganda ng pagtatapos ng 2013!” bungad ni Julia.

“In general, siyempre, hindi maiiwasan na mayroong ups and downs.

“Pero ako pa yung tipo ng tao na kahit may downs, I see to it na positive pa rin ang tinitingnan ko.”

Katuwiran ni Julia, “Kunyari, may mga iyakan scenes. May mga nahuhugot, o napipitik ka sa mga downs mo before na nagagamit mo rin sa work.

“Kaya natural na lumalabas.”

FIRST SCENE WITH NORA AUNOR. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia noong isang linggo sa last shooting day nila ni Coco Martin para sa Padre de Familia, sa isang lumang mansion sa Pandacan, Manila.

Nasabi ni Julia na naging maganda ang pagtatapos ng 2013 sa kanya dahil noong Disyembre ay sinimulan ng aktres ang pagsu-shoot para sa pelikula nila ni Coco, isang family drama kunsaan kasama rin nila ang Superstar na si Nora Aunor.

“Yes, and with Tita Guy, na-starstruck ako!” bulalas ni Julia.

Paano niya ilalarawan ang unang scene na ginawa niya kasama ang Superstar?

“Subtle lang yung scene,” sagot niya.

“Hindi siya drama, hindi intense na intense.

“Makikita lang yung connection ng characters ni Ms. Nora, at yung character ko sa movie.”

Sa pelikula, gaganap si Julia bilang si Pia, ang girlfriend ni Coco. Si Nora naman ay si Aida Santiago, nanay ni Coco.

“Doon makikita kung gaano ka-motherly si Aida [Nora]. Yun ang maganda, simple lang,” banggit ni Julia.

Sa pagkakataong makasama sa pelikula ang legendary actress, sabi pa ni Julia, “It’s a dream come true. Yeah! Acting-wise, super!

“I’m happy to be part of the movie,” sabi pa rin ng Kapamilya actress na napapanood sa mainstream movies at mga teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bago dumating ang film na ’to, gusto ko talagang mag-indie.

“’Tapos, biglang dumating na nga ’to. Sabi ko, ang ganda ng pagtatapos ng 2013!”

Sa early part naman ng 2014 ay nagtungong Malaysia sina Coco at Julia kasama ang direktor nilang si Adolf Alix Jr., para kunan ang mahahalagang eksena nila bilang would-be lovers.

“Super happy! Super fun ang experience!” pag-describe ni Julia.

“Ang sarap ng feeling na maging part ng movie na ito, plus, na-experience ko ring mag-shoot ng indie out of the country.”

Last year, nag-shooting na rin sina Julia at Coco, para sa A Moment in Time, na kinunan sa Amsterdam, Netherlands.

Ang kaibahan, mainstream romance-drama ang pinagtambalan ng dalawa, samantalang family drama by an indie film director naman ang Padre de Familia.

Bukambibig naman ang tuwa ni Julia sa kanilang pag-shoot sa Malaysia.

“Yes, kasi dun mag-i-start, e. Dun ako [unang] lumabas; dun nag-start ang love story ni Noel [Coco] at ni Pia.

“Paano, saan, kailan... dun siya nag-start lahat.”

LOVE TRIANGLE WITH COCO AND KIM. Nauna rito, nakapag-taping na rin sina Julia at Coco ng ilang araw para sa bagong teleseryeng tampok din ang bagong leading lady ni Coco na si Kim Chiu.

Ikaw Lamang ang pamagat ng bagong drama series nina Julia, Coco, at Kim sa ABS-CBN. Ongoing ang taping ng tatlo sa Bacolod City, Negros Occidental.

Bago tumulak patungong Bacolod para sa pagpapatuloy ng taping para sa teleserye, nakapagbahagi rin si Julia ng mahahalagang impormasyon hinggil sa bago nilang proyekto.

“Sa TV, ito po ang first projrect ko for 2014,” sambit ni Julia, pagtukoy sa Ikaw Lamang.

“First taping ko po sa Bacolod. Yung iba, puro pang-teaser pa lang.”

Napapanood na ang teaser ng Ikaw Lamang sa Channel 2. Sa dami ng kabilang sa cast na naka-costume at sa kakaibang setting nito, masasabing “epic” ang dating ng bagong drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, it’s an epic love story,” pagsang-ayon ni Julia.

Sa Walang Hanggan (2012), magkatambal sina Julia at Coco, at ka-triangle nila si Paulo Avelino.

Ngayon, sina Julia at Kim ang parehong love interest ni Coco.

“’Pag nakita n’yo yung trailer, sasabihin n’yo panggulo ako sa buhay ni Samuel [Coco] at ni Isabel [Kim].

“Ibang-iba siya,” banggit din ni Julia

“In a way, I can say ako yung ka-triangle, kasi ano ako sa buhay ni Samuel.”

As in, kontrabida ba si Julia sa nagmamahalang characters nina Coco at Kim?

“Abangan!” natatawang sambit ni Julia.

GOOD WORDS FOR KIM. Bilang co-lead star ng Ikaw Lamang, ’di nagkulang si Julia sa pagpuri niya kay Kim.

“Mabait po si Ate Kim,” ani Julia.

“Simple lang din siya, e. Tahimik.

“First time namin magkaka-work sa teleserye.

“Nagkaka-get together, nagkaka-work din kami, everytime lang, sa tour o ASAP, pero... yes, she is nice!”

DEALING WITH BASHERS. Paano kung dumating si Julia sa punto ng career niya na, tulad ni Kim, ay binabatikos at binabato ng kung anu-anong matitinding intriga, kesyo may attitude problem at mahirap katrabaho? Paano niya haharapin ito?

Saad ng dalaga, “Ah, siyempre, na-experience ko din po na batuhin ng intriga. Pero... Prayers lang [ang panlaban ko].

“Kasi, lahat naman po nakakaranas ng trials, hindi natin mapi-please lahat ng tao.

“Lahat may opinyon, lahat may masasabi... Kumbaga kasi, hindi nila kilala yung tao mismo.

“Siyempre, normal, hindi natin masisisi na may mga comments sila.

“Pero ako, ang lagi ko pong sinasabi, prayers lang yung talagang makakasagot ng mga ganyang problema.”

REAL SCORE WITH COCO. Samantala, matindi ang bulung-bulungan sa showbiz na sila na talaga ni Coco. Ano ang masasabi ni Julia tungkol dito?

“Hmmm, may gano’n ba?”

“Hindi ko alam. Siya ang tanungin ninyo. Lalaki dapat ang sumasagot,” at tuluyan nang tumawa si Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi namin kay Julia, umiiwas o halos ayaw magpa-interview ni Coco, at hindi rin ito ang tipong “kiss-and-tell” guy.

Natawa uli si Julia sabay sabing, “Girls din hindi ’kiss-and-tell’!”


Sa isang naunang panayam, sinabi ni Julia na wala pa siyang boyfriend noon at nakatutok lang sa trabaho.

Ano ang damdamin niya kapag nali-link siya sa mga young actors ngayon?

Aniya, “In general, flattering. Siyempre, na-link ka lang, mabanggit lang yung name mo, na nagagandahan sila sa ’yo, o gusto ka nilang makatrabaho.

“For me, it’s a good thing.

“I feel thankful, kasi naa-appreciate nila yung beauty ko, yung work ethics ko. So yun!”

Tila hindi makasagot nang diretso si Julia nang tuksuhin namin siya sa napapansing “closeness” nila ni Coco ngayon.

Sinabi rin namin kay Julia na maging si Ate Guy ay nagbiro sa naunang mini-prescon ng Padre de Familia na sa obserbasyon daw niya ay tila kakaiba ang closeness sa set nina Julia at ng “anak-anakan” niyang si Coco.

Lalong napatawa si Julia sabay sabing, “Sabi ni Ate Guy?!”

Pero wala pa ring maamin ang young actress at dinaan na lang sa tawa.

Apektado ba si Julia sa mga ganitong obserbasyon, na tila kulang na lang ay ang pag-amin?

Sagot niya, “I’m not affected ’coz... No naman po... Kasi, close naman talaga kami nung tao.”

“Magkaibigan kami since way, way back.”

Kaya bilang panghuling hirit, tinanong na lang namin si Julia kung mas nagiging “serious” na sila ni Coco sa kanilang pagkakaibigan.

“Lumalalim po yung friendship namin,” panghuling pag-amin ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN