Roxanne Cabañero seeks justice; but testimonials contradict her allegations

Roxanne Cabañero explains why she decided to come out and pursue her case against Vhong Navarro: “This is my way to heal. I need to move on with my life. This is my time. My time to seek justice. Naglakas na ’ko ng loob and sa mga tao na nagba-bash sa akin, go ahead, bash. I’m here for one thing. Yun lang.”


“It was the most horrific moment of my life,” ang lumuluhang pahayag sa Buzz ng Bayan ni Roxanne Acosta Cabañero, ang nagpapakilalang diumano’y biktima ng panggagahasa ng actor/dancer/TV host na si Vhong Navarro may apat na taon na ang nakararaan.

Si Roxanne ay naging guest daw noon sa It’s Showtime, ang noontime show na kinabibilangan ni Vhong, at doon sila nagkakilala ng aktor.

Dating kandidata si Roxanne sa isang beauty contest.

Ayon pa kay Roxanne tungkol sa ginawa diumano sa kanya ni Vhong, “I trusted him with his image, na komedyante siya.

“It’s so unfair kasi I feel safe.

“When he did that, he just turned into this monster.”

Diumano, dahil daw sa takot kung kaya’t itinago na lang daw niya ang nangyari sa kanya.

Bukod-tanging ang kapatid at isang kaibigan lang daw ang sinabihan niya.

ONGOING COMMUNICATION AFTER ALLEGED RAPE. Pero sa kabila ng sinasabi ni Roxanne na diumano’y panggagahasa sa kanya, nagpatuloy pa rin daw ang komunikasyon nila ni Vhong.

Sabi pa rin ni Roxanne, “Nagte-text pa rin siya sa akin.

“Last year, tinext niya ’ko. ’Hi, Roxy. Saan ka?’

“I’m like, ’I’m in Makati.’ Sabi niya, ’Sino kasama mo?’ I’m like, ’Why?’

"’Saan ang condo mo? Puwede ba ’kong pumunta riyan?’

“Ako, I’m already with someone, pero hindi ko na lamang sinabi sa kanya na kasama ko ang boyfriend ko.

“Sinabi ko sa kanya, ’A, hindi, may kasama kasi ako sa bahay, nakakahiya.’

"Siya, ’Okey, meet-up na lang tayo sometime. Medyo busy lang.’

“’Tapos, nag-text siya the next day, hindi ko na lang ni-reply-an.”

Dugtong pa ni Roxanne, “Ang text niya kasi, spontaneous, e.

“Sometimes every three months. Paminsan-minsan lang.”

WHY ONLY NOW? Marami naman ang nagtatanong, bakit umabot pa ng apat na taon bago ito lumantad at ngayon lang ito nagsampa ng kaso laban kay Vhong, kasunod ng kaso naman ni Deniece Cornejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Roxanne, “When I heard about Deniece’s situation, na-inspire ako sa kanya. It took me two weeks to really decide.

“Noong malaman ko ang istorya, everything, lahat ng nangyari, nag-flashback sa akin.

“Isang buong araw, I was crying. It was so hard. Takot ako, I was young. That’s why it took me four years.

"Actually, gusto ko na siyang kalimutan, pero ang hirap, e. Ang hirap kalimutan ng isang sitwasyon na...” at hindi na natuloy o ipinakita pa ng Buzz Ng Bayan ang kasunod na salita nito kung meron man.

Karugtong na agad ay ang pahayag niya na, “I’ve talked to my parents, my boyfriend is really, really gonna start a bloody war and I said, ’Let’s do it.’

"That’s why I’m here."

Ang kasalukuyang boyfriend ni Roxanne ay si Arnold Aninion, player ng Philippine Volcanoes o national rugby team. Naging castaway rin si Arnold ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Edition ng GMA Network.

THE CEDRIC CONNECTION. Sa biglaang paglantad ni Roxanne, hindi naman maiiwasan na marami ang nag-iisip na baka pakana lang daw ito ng kampo ni Cedric Lee.

Pero mabilis itong itinanggi ni Roxanne.

Aniya, “No, no. Hindi ko siya kilala.

“And as much as possible, ayokong maapektuhan ang kaso ko dahil dito. Ayokong ma-link sa kanila.”

May akusasyon ding binayaran daw siya ni Cedric para lumantad, magsalita, at magsampa ng kaso.

Natawang sagot naman ni Roxanne, “Hindi ko nga siya kilala, paano naman niya ’ko babayaran?

“And if ever he comes up to me, I’ll say, ’Please, ‘wag mo muna, ‘wag mo ’kong lapitan. Let me finish this one and you can talk to me if you want to talk to me.’”

DOUBTS AND SPECULATIONS. Hindi naman maitatanggi na sa kabila ng pagtatapat niya ng diumano’y pangre-rape sa kanya ni Vhong apat na taon na ang nakararaan, may mga nagdududa sa biglaang paglantad ni Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya rito?

“Well, magduda sila, basta ako, wala akong pakialam sa kanila ni Cedric or what’s her name? Deniece. Basta ang sa akin, yung sa akin.

“I’m here for one thing—justice.

“And this is my way to heal. I need to move on with my life.

"This is my time. My time to seek justice. Naglakas na ’ko ng loob.

"And sa mga tao na nagba-bash sa akin, go ahead, bash. I’m here for one thing. Yun lang.”

Sa huli, ano ang mensahe niya kay Vhong?

“I’ll just see you in court. Gusto ko siyang makita sa korte. Yun ang gusto ko.

"I want to face this person. Again. I want him to explain why he did that.

“And I want him to apologize of what he did to me.”

CONFLICTING ASTORIA PLAZA STATEMENT. Sa isang banda, pinuntahan naman ni Boy Abunda ang dalawang lugar na maaaring sabihin na parehong may mahalagang kinalaman sa kasong inihahain ni Roxanne laban kay Vhong.

Una na rito ang Astoria Plaza Hotel sa Ortigas.

Nakasaad sa salaysay na isinumite ni Roxanne na noong gabi ng April 24, 2010, ay rito sa hotel siya nag-stay kasama ang iba pang kandidata ng Miss Bikini Philippines at kunsaan din daw siya sinundo ni Vhong.

Nakausap ni Boy ang mismong project director ng Astoria na si Ric Valenzuela, at tinanggi nito na naka-check-in si Roxanne at ang mga kandidata noong panahon na yun.

Sa tanong kung doon ba naka-check-in ang Miss Bikini Philippines candidates, mabilis ang sagot nito na, “No, actually that event was offered to us but, unfortunately, the event organizer was asking for too many rooms because of the candidates.

“And we couldn’t accommodate them all because we have limited rooms here.

"So, in effect, we told them, we declined the offers of the promotion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw alam ng project director kung saang hotel natuloy ang mga kandidata.

Tinanong din ni Boy kung sa record ng hotel ay may nag-check-in na Roxanne Acosta Cabañero noong petsang yun.

Sagot ni Ric: “We did check the data base, the arrival, and the departure report from April 22 to 24 and there was none.

"There was no Roxanne Cabañero.”

Posible kayang guest lang siya ng isang kaibigan kaya hindi lumalabas ang pangalan ni Roxanne sa report?

“Possible. Anybody can enter the hotel as long as you’re a guest of our clients.”

Pero ang kumpirmado raw, hindi sa Astoria Hotel nag-stay ang mga kandidata taliwas sa pahayag ni Roxanne.

ISLAND COVE TESTIMONIAL. Pinuntahan din ni Boy ang Island Cove Resort sa Cavite.

Lumabas na rin sa ilang social networking sites ang ilang video at postings na nagpapatunay na noong gabi ng April 24, 2010, si Vhong ay nasa concert ni Vice Ganda na May Nag-txt, May Concert Ako, kasama ang Callalily lead singer na si Kean Cipriano.

Ang manager ng resort na si Gwen Villanueva naman ang nagpatunay na nasa Island Cove nga si Vhong noong gabing yun.

Ayon kay Gwen, “First and foremost, they are supposed to start at eight o’clock. The show was supposed to start at eight o’clock but in any other concerts, it started like 9 p.m. or 9:30 p.m."

Bago pa man daw magsimula ang concert, nakita na raw niya si Vhong sa coffee shop ng resort.

Paano niya natatandaan na si Vhong nga yun?

“You know why? Because my son was supposed to have a picture with him. So, it’s the first time. He told me, ’Ma, can I watch the concert?’

"[And I said] ’Yeah, go ahead, with your friends.’

“He wanted to have a picture with Vhong, but then, that time, Vhong was kinda sick. He wasn’t feeling well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya nalaman na hindi maganda ang pakiramdam ni Vhong?

“I go in the dressing room at the back. Being my job is to make sure that everyone was okay. So, from time to time, I go on, ’Is everything okay?’

"It’s my job and when I saw him, he’s kinda sick already, I didn’t pursue already.

“I told my son, ’Don’t take picture because he’s not feeling well.’”

Hindi naman daw sinabi nang direkta ni Vhong sa manager na masama nga ang pakiramdam nito.

“Parang sinabi ng producer na, masama ang pakiramdam.”

Natapos naman daw ang concert bago magmadaling-araw at lumabas pa raw ang lahat ng kasama sa concert para sa curtain call.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN