Iza Calzado not uncomfortable posing with ex and present boyfriends for a picture

Like in the story of her latest movie, Starting Over Again, Iza Calzado maintains her friendship with her exes: "Sabi ko nga, noong pinanood ko yung pelikula, siguro yung sikreto rito, parang ako, kaibiganin mo lahat ng ex mo. Para kapag nag-krus ulit ang landas niyo, walang meaning, ‘di ba? Ay, ang ganda namang tingnan niyan. At least, ‘di ba, walang issue?"


Ayon kay Iza Calzado, habang ginagawa pa lang nila noong ang pelikulang Starting Over Again ay may pakiramdam na siyang tatangkilikin ito ng mga tao.

Ang hindi raw niya inaasahan ay magiging napakalaking hit ng pelikula nila nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Umabot na raw sa P300 million ang kinita ng pelikula.

Sabi ni Iza sa live interview niya sa Buzz Ng Bayan kahapon, February 23, "Hindi talaga, hindi ko ma-imagine.

“Siyempre, proud ka na maging part of the film.

"And then, nakakatuwa, lalo na mainit yung pagtanggap ng ating mga mamamayan.”



COMPLIMENTS. Nag-comment naman ang co-host ng show na si Janice de Belen na "Best Supporting Actress" na raw si Iza dahil sa ipinakita nitong pag-arte sa pelikula.

“Hindi ba puwedeng Best Actress in a Mama Mary role?

"Yun na lang, walang kokontra!

"Akin yun, ako ang mananalo nun, ha, may kokontra? Akin yun!” natatawang biro niya tungkol sa isang eksena sa pelikula.

Sabi pa ni Janice, bukod daw sa pagiging hit ng Starting Over Again, na-reestablish ng pelikula ang pagiging aktres niya.

Iba raw kasi ang artista lang, iba ang pagiging aktres.

“Nahiya naman ako dun,” nakangiting reaksiyon ni Iza.

“Salamat at sinabi mo, Ate, a-agree ako dun!

“Actually, my role is not really lengthy.

"But… inalagaan talaga ni Inang [Olivia Lamasan] ang character ko.

"At natuwa rin ako noong pinanood namin ang pelikula, ang ganda ng balanse ng pelikula.

“Maraming salamat, Inang, kasi sa unang pelikula ko, sa Milan, sobrang siya rin ang naging director ko dun.

“Minsan nga, naiisip ko, nakakahiya naman, ibig sabihin ba, kapag hindi si Inang ang director ko, hindi ako mahusay…

"Mahusay lang ba ako kung kay Inang?” natatawa niyang sabi.

Dagdag pa ni Iza, “Pero siguro, she really knows how to bring out something in me na hindi pa nakikita ng ibang tao at the perfect point in time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THREESOME. May larawan naman ni Iza na lumabas sa Instagram ng kanyang manager na si Noel Ferrer, kunsaan napapagitnaan ang aktres ng ex-boyfriend niyang si Atticus King at ang present boyfriend niyang si Ben Wintle.

Biro ni Iza, “Kasalanan ng manager ko ‘to!”

Pero ipinaliwanag ng aktres na hindi uncomfortable iyon, "kasi friends kaming lahat, si Ben at At.

"Chikahan pa nga sila noong gabing yun.

"They were civil, they talked about fitness… about things.

"Ewan ko what they talked about, but makita ko silang nagtsi-chikahan, tatawa na ako.

"That was the night after our block screening [for Starting Over Again], wherein I actually invited At with the permission of Ben.

"At and I are still friends.

"I’m friends will all of my exes, so hindi talaga siya uncomfortable.

“Sabi ko nga, noong pinanood ko yung pelikula, ’A, siguro yung sikreto rito, parang ako, kaibiganin mo lahat ng ex mo.’

"Para kapag nag-krus ulit ang landas niyo, walang meaning, ‘di ba?

“’Ay, ang ganda namang tingnan niyan. At least, ‘di ba, walang issue?"

Pero dagdag niya, “Of course, we’re not the best of friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN