Joross Gamboa and longtime girlfriend to wed this year

Jorros Gamboa is not telling how much his wedding will cost but says it will be worth every cent he is spending for it. He also wants many "godly children... kambal, ’tapos sunud-sunod pa."


Humahabol sa listahan na mga artistang magpapakasal ngayong 2014 ang dating Star Circle Quest finalist na si Joross Gamboa.

Abala na raw sa pagpapagawa ng wedding gown ang longtime girlfriend niyang si Kathy Kimberly "Katz" Saga.

Mismong si Joross ang nagkumpirma nito nang tanungin siya ng media, sa premiere night ng Starting Over Again, kung bakit hindi niya kasama ang kanyang girlfriend.

Sabi ng aktor, "Ay, kasama ang mommy niya. Tumingin sila ng tela para sa kasal, nagka-canvass po sila.

"Kasi, parang meron silang gustong klaseng hitsura, e, medyo classic, parang ganoon."

WEDDING PLANS. February 2013 pa raw nag-propose si Joross, ngunit nitong January 2014 lang sila nag-start ni Kathy mag-prepare para sa kasal nila.

Saad niya, "Ayun, marami pa ring kailangang ayusin.

"’Yung venue, sa Fernbrook [Gardens], sa Alabang.

"May venue doon, pang-Catholic church, meron ding pang-garden wedding.

"Sana maplantsa na."

Ngunit ayon kay Joross, Christian wedding ang gusto nila kaya hindi sa simbahan kundi sa garden gaganapin ang kasal nila ni Katz.

Sa motif naman, "Medyo inaayos pa rin namin, prinu-process, pero plano namin parang classic-classic para elegant."

Plano rin nila na gawin ang kasalan sa November.

"Hopefully, after my birthday. Lasi ang birthday ko, weekdays, e."

COMMITTED. Ano ang nag-udyok sa kanya at ninais na niyang lumagay sa tahimik?

Nakangiting sagot ng 29-year-old actor, "Kailangan naman na, dahil ginawa naman tayo ng Diyos, at ginawa ang kasal para magkaroon ng mga godly children."

Ilan namang "godly children" ang plano nila ng fiancée niya?

Sagot ni Joross, "Ay, gusto ko kung hanggang sa ilan siya pumayag.

"Yun ang simula, kambal, ’tapos sunud-sunod pa."

Baka sa Amerika raw sila magha-honeymoon kaya nabiro si Joross na ganoon na siya kayaman dahil rin sa kagustuhan nitong magkaroon ng maraming anak.

"Ay, hindi naman po... nagkuripot ako.

"Tama lang nagkuripot ako nung mga huling taon para ilabas ngayon, pinangtanim ko!" natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkano ba ang budget niya for their wedding?

"Ay, hindi ko pa alam kung magkano, ’tsaka ayoko na lang magsalita.

"Sana tama lang, basta deserving yung worth sa kasal namin."



COLLEGE GRADS. Pero bago ang kasal, sabay na magma-martsa muna sina Joross at Katz sa graduation ceremony sa kanilang respective schools.

Magtatapos ng kursong Mass Communications si Joross sa Southville International School sa Marso.

Masayang sambit ng aktor, "Yes, parang hinintay ko siya [Kathy]... at tsaka thesis na lang ako, matagal."

Nakatatlong lipat ng course si Joross bago naka-graduate.

Nag-Nursing muna siya, pagkatapos ay Computer Science, at Masscom nga ang pinakahuli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN